Chapter 19

7 3 0
                                    

Ashleey/Jhacely's POV

Ang aga naman niya umalis saan kaya papunta yun at hindi man lang kumain at nagmamadali masyado.

Nagasikaso na lang ako at hindi na inintindi pa kung saan nagpunta si zachary dahil lagi naman ganun yun pero kadalasan kasi sa school sa mga kabarkada niya sya pumupunta saan naman kaya pumunta yun ngayon.

Pagkatapos ko magayos dito sa condo nagdiretso na ko sa church dahil sunday ngayon.

Malamang ayaw niya lang siguro magchurch kaya bigla na lang umalis yun.

Ah basta bahala na nga siya ba't ba ko nagkakaganito sa kaniya.

Pagdating ko sa church ganoon pa din nagkamustahan ulit at nagsimula na ang praise and worship.

Habang nakapikit ako may naramdaman akong may tumabi sakin pero di ko muna pinansin yun dahil nakafocus ako kay God ngayon.

Nang matapos na ang praise and worship tumingin ako sa gilid ko para makita kung sino ba yung katabi at nagulat ako at si zachary pala ito akala ko hindi siya magsisimba ngayon.

"ui zachary ba't late ka?" Tanong ko pero wala kong narinig na sagot. At isang walang emosyon lang na itsura ang nakita ko sa mukha niya.

Inulit ko na lang yung tanong ko dahil baka hindi niya lang narinig pero tulad kanina ni hindi man lang siya tumingin at ganoon pa din ang reaksyon niya.

Hindi ko na lang pinansin dahil na sa loob kami ng church. ano kayang problema nito ni zachary may nagawa ba kong mali.

Nasunog ko kaya yung condo? Naiwan ko bang bukas yung gripo o kaya yung vacuum. Kung ano ano na gumugulo sa isip ko kasi naman kasi to eh.

Pinilit ko na lang ifocus ang isipan ko sa nagpripreach sa harapan at nang matapos ang service ganoon pa din.

Habang nasa kotse kami tahimik pa din siya at ako din nakakatakot naman kasi yung itsura niya ngayon baka kasi may pinagdadaanan lang kaya ganyan at baka madamay pa ko. Kaso pano pala kung ako ang may kasalanan kung bakit ganyan siya.

Nang makarating kami sa condo niya chineck ko agad ang lahat ng ginalaw ko kanina wala naman akong nagawang mali. O nasira eh bat kaya siya nagkakaganyan kaya nilakasan ko na ang loob ko para tanungin siya.

"May problema ka ba zachary? Kasi kanina mo pa ko di pinapansin eh may nagawa ba kong mali? Sabihin mo naman oh kasi kung ano ano na pumapasok sa isipan ko." Paliwanag ko.
Kay zachary.

"Alam mo bang sobra kong nagalala sayo kanina akala ko kung saan ka na napunta baka kinuha ka na nung dalawang hayop na yun namuntikan ng may gawing masama sayo. Kung ano ano na rin pumasok sa isip ko alam mo ba yun buti na lang nadaanan ko yung church at naisip ko baka nandoon ka. Kaya kita nakita" galit na sabi ni zachary na kita mo talaga sa mukha niya na nagaalala talaga siya.

"Sorry eh kasi naman bigla ka na lang umalis kanina akala ko ayaw mo lang talaga magchurch ngayon kaya nagmamadali kang umalis" pagdadahilan ko.

"Edi sana tumawag ka man lang o nagtext" sabi nito.

"Nagpapatawa ka ba wala naman akong cellphone di ba? At kahit na may landline ka dito hindi ko naman po alam yung number mo." Sarcastic kong sabi.

"Oo nga pala pero sana mag-iwan ka man lang ng note sa susunod kung saan ka pupunta sorry din at hindi ko nasabi sayo kanina kung saan ako nagpunta at nakalimutan ko talaga na sunday ngayon" mahinahon na niyang sabi.

"Copy sir, nga pala iwasan mo na rin kayang magsabi ng badwords suggestion lang kasi gwapo ka pa naman sana kaso ang pangit ng mga lumalabas sa bibig mo" advice ko at nakita kong napangiti siya ng bahagya.

When GOD made YouWhere stories live. Discover now