Ashleey's/jhacely's POV
Naalala ko na naman yung nanyari ka kagabi ang lakas talaga mantrip ng lalaking yun.
Hindi ko rin naman makakalimutan ang surprise na ginawa niya para sakin kahapon inaamin ko na kahit mapangasar ang isang yun mabait naman talaga siya.
Natapos na kong magluto at maglinis hindi pa rin gising ang isang yun may hang over pa siguro yun.
Maleleyt na siya ah. Hayy buti na lang nandito ka na. Matawagan nga ang unggoy na yun.
Ringing...ringing..ringing..
"Ano?" Sabi nito halatang kakagising palang.
"Gumising ka na oh anong oras na maleleyt ka na kaya" sagot ko.
"Inaantok pa ko tsaka hindi naman ikaw yung maleleyt ah kaya hayaan muna nga lang ako" maktol nito.
"Bahala ka nga sa buhay mo" sigaw ko at pinatayan ko na siya ng tawag.
Concern na nga sa kaniya ganun pa siya. Pero para naman wala akong utang na loob sa kaniya kung hahayaan ko na lang siya na masira ang future niya dahil sa katamaran niya.
Magiging kasalanan ko pa yun pero mayaman naman sila kaya ok lang siguro yun.
Hay bahala na nga hindi rin naman ako titigilan ng utak ko kakaisip.
Pagpasok ko ng kwarto nito nakahilata pa talaga siya.
"Ui gumising ka na gusto mo bang masira ang future mo dahil hindi ka nakapagtapos kasi lagi kang leyt zachary" sabi ko habang niyugyog ang balikat niya.
"Ang kulit talaga neto oh" maktol ni zachary.
"Dali na kasi" panggigising ko muli sa kaniya.
Hindi ko na lang namalayan ng bigla niya ko hatakin at napahiga na ko sa tabi niya at sabay nitong hinawakan ang dalawa kong kamay nahalos di na ko makagalaw dahil parang nakayakap na siya sakin.
"Ano ba zachary bumangon ka na tigilan mo na rin tong paglalaro mo" inis kong sabi habang pumipiglas ako para makaalis na ko sa tabi niya.
"Ang ingay mo kasi sinabi ko ng gusto ko pa matulog ayan para hindi mo na ko guluhin matulog ka na lang din." Sagot nito nakapikit parin na may balak parin atang matulog.
"aalis na lang ako di na kita guguluhin ui zachary" napahinto ako sa pagsasalita ng mapatitig ako sa mukha niyang napakainosente.
Ewan bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nagaabnormal na naman siya.
Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking to yung kahit hindi pa naliligo ang fresh ng tignan.
Yung mata niya din na singkit na pagtumatawa siya wala ng mata at ang matangos niyang ilong at mga labi na parang napakalambot.
Waaah! Sigaw ko sa isipan ko ano ba tong pinagiisip ko bakit ko siya pinapantansya.
Habang kung ano ano naiisip ko dahan dahan naman tong nagmulat na ng mata ang nagtama ang mga mata namin.
Sobra na kong nagpapanic sa isipan ko pero hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa posisyon ko.
Sa tingin ko naririnig niya na rin ang tibok ng puso dahil sa sobrang lakas na ng kabog nito at malamang sobra na din akong namumula.
Mukhang pinagtitripan na naman ako ng lalaking ito pero napakaseryoso lang naman kasi ng mukha niya at ewan.
Nang biglang tumunog ang oven. Hay thank you Lord may pinainit nga pala kong tinapay kanina.
Kaya bigla na ko tumayo buti na lang hindi na niya ko pinigilan pa.
"Yung ano tinapay pala na pinainit ko bumangon ka na rin diyan kung ayaw mong malate talaga" sabi ko at tumakbo na ko palabas.

YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...