Ashleey's POV
"Wow nice interior ah at Bagay na bagay sa style niya" sabi ko habang nililibot ko ang mata ko sa condo niya.
Bigla naman kumulo ang tiyan ko at dumiretso agad sa refrigerator.
Wow daming foods ah gutom na gutom na ko.Pagkatapos kong kumain ay naghugas na rin ako ng plato actually kailangan niya talaga ng katulong sa mga pinggan niya na simula kagabi pa ata hindi pa nahuhugasan.
Naglinis linis na lang ako dito kung tutuusin wala naman gaanong dumi may mga nakakalat lang ng mga libro.
Mahilig siguro siya sa mga libro.
Halos lahat naman ata ng libro na hawak ko ay interesting. Hindi kaya mahilig din ako magbasa.Habang nagtatabi tabi ako may nasagi akong isang kwarto actually hindi mo nga mahahalata itong kwarto na to kasi parang siyang dingding lang din pero kwarto pala siya.
Pagpasok ko sa loob may isang simpleng library doon at may parang maliit na gym. Wow astig naman nito dual purpose ang isang kwarto pwede ka magbasa habang nagtretreadmill ka.
Marami na din akong nagawa hanggang sa makalipas ang buong maghapon.
Anong oras kaya siya uuwi?.
Sana naman di na siya high blood nakakatakot pa naman ang lalaking yun.Ano nga palang Pangalan niya di papala kami nagkakaroon ng maayos na pagkakakilala sa bawat isa.Makalipas ang isang oras dumating na din siya.dire-diretso lang siya na parang di ako nakikita.
"Aaaah! Paano ka nakapasok dito?" Sigaw niya dahil sa pagkagulat.
Napatayo ako dahil sa gulat din sa pagkasigaw niya.
"Luh di ba pinapasok mo ko kanina wag mo sabihin na nagakamnesia ka na din" sagot ko sa kanya. Kakaiba din to eh may sa kakalimutin din.
"Ah oo nga pala.Sandali" tugon nito na patingin tingin sa paligid na parang may hinahanap.
"Anong hinahanap mo? Wala kong ninakaw sa mga gamit mo nuh di tulad ng mga iniisip mo." Pagpapaliwanag ko.
"Nasaan ang mga libro ko saan mo niligay?" Sabi nito na sobrang seryoso mukhang ayaw niya ata ginagalaw ang mga libro niya.
"Nilagay ko yun sa library mo. Nakakalat kasi siya dito sa sala mo" saad ko sa kanya.
"What? Did I told you to touch it? tsaka sinabi ko ba na pumasok ka sa kwarto na yun" Galit na sabi niya.
"Hindi ko naman sinasadya na makita yung kwarto na yun kasi nagtatabi tabi ako tapos na bangga ko tsaka na kakalat kasi yung mga libro mo pasenya na." Pagpapaliwang ko.
"Kung ayaw mo na mapalayas agad kita wag na wag mo pakikialaman ang mga libro ko lalo na ang pumasok sa loob ng kwarto na yun, sige galawin mo lahat ng mga gamit dito pwera na lang sa mga personal na gamit ko, ang gusto ko lang nagawin mo maglinis,magluto at please lang ayoko ng may kasabay kumain. mahabang saad nito na seryosong nakatingin sa akin at naupo na sa sofa.
"Pasensya na talaga pero maari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko dahil gusto ko na rin talaga malaman kung ano bang pangalan ng lalaking masungit na to.
"I'm Zachary Montenegro, and you are?" Tanong nito na halatang hindi interesado at habang nagcecellphone.
"Ah uhm j..ai.. ley..." sabi ko na utal utal at naguguluhan ano nga ba ulit ang pangalan ko pati ba naman yun hindi ko pa rin natatandaan ano ba naman.
"What? Wag mong sabihin pati yun di mo pa rin maalala" sabi nito na napatingin na sakin at tinigil na ang ginagawa.
"Sorry mukhang ganun na nga, kahit anong isip ko hindi ko talaga maalala." Sabi ko na umupo na din ang sakit na ng paa ko eh bakit kasi nakatayo ako pwede naman umupo diba.
"ok eh di magisip ka na lang ng pangalan na gusto mo" sabi nito na muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Ahm sa tingin ko tsaka ko na lang iisipin yun kung gusto mo ikaw na lang magisip na itatawag mo sakin pwedeng yaya,chimay,katulong kahit ano ok lang tutal naman nakikitira lang naman ako dito." Pagpapalusot ko ayokong magiba ng pangalan kasi may sarili na kong pangalan at kahit na di ko man maalala yun mas gusto ko pa din akong tawagin sa pangalan na yun kaso di ko nga lang maalala.
"tsaka ko na iisipin kung ano itatawag ko sayo unahin na muna natin ang rules and regulation ko dito." Pagseseryong saad nito.
"Ok walang problema" sagot ko. Sabay ayos ng upo.
"Una ayokong ng maingay wag mo kong kakausapin kong hindi ako unang kumausap sayo ayokong ng palakwento.Pangalawa ayokong makita ka dito sa sala pagnandito ko gusto ko parang magisa pa din ako walang nagbago pati sa pagkain ayoko ng kasabay kung gusto mo mauna ka na kumain o pagkatapos ko basta wag mo ko sasabayan.Pangatlo pagdating ko dapat di kita maabutan dito sa sala tulad nga ng sabi ko gusto ko parang walang nagbago parang magisa pa din ako at huli ikaw magluto,maglinis at maglalaba simula ngayon maaga ka lagi gumising dahil maaga din ang pasok ko. Yan lang naman mga gusto kong gawin mo madali lang naman yan kung gusto mo manatili sa lugar na ito." Sarkastiko na sabi nito.
Mukhang nangaasar talaga ito wow ah madali lang oo madali lang talagang sabihin yan hayy wala lang talaga kong choice kaya ok lang fine. Sabi ng boses sa utak ko
"So ano ayos lang ba sayo o aalis ka na lang?" Nakangiting sabi nito na halatang nangaasar.
"Ok lang sakin kung tutuusin nga masaya talaga ko thank you sir ang bait nyo talaga pagpalain kayo ni Lord" sabi ko na nagpapanggap na di naaasar sa mga sinabi niya.
"Ok ayos, yung kwarto sa kaliwa yun ang kwarto na gamitin mo." Sabi nito na patuloy pa rin sa ginagawa niya at tumayo na ako tinignan ko ng bahagya ang ginagawa niya.
Haha nangiistalk lang naman pala ang lalaking ito kala mo naman napakahalaga ng ginagawa kung makapagseryoso infairness maganda naman talaga yung girl.
Bago ako makapasok sa kwarto ay naalala ko wala pala kong damit na pangpalit di pa ko naliligo nu ba yan.
"Oh bakit bumalik ka?" Taong nito na di pa rin maialis ang tingin sa cp nito.
"Ahm pwede ba kong makahiram ng damit? Wala kasi kong pangpalit" sabi ko na paaawa effect.
"Hintayin mo ko dito" saad nito na tumayo at naglakad patungi sa kwarto niya.
Ako naman ay naupo muna sa sofa at pagbalik niya ay may hinagis siya halos 5 pares ata ng damit niya.
"Yan suotin ang suotin mo wala ka ng choice dahil hindi naman ako babae." Sabi nito at pumasok na ulit sa kwarto niya.
"ok lang salamat" tugon ko.
Naligo na rin agad ako dahil may sariling C.R naman ang kwarto.
Paglabas ko nakita ko naman siya na nagbabasa. Sa maliit na terrace niya.
Lumapit naman ako dahil anong oras na kaya at di pa ba kami kakain.
"Uhm ano nga palang gusto mong lutuin ko?" Pangiisturbo ko.
"Bahala ka at pwede ba pagnagbabasa ko wag mo ko istorbuhin." Pagsusungit na sabi nito.
Umalis na ko at dumiretso sa kusina at nagsimula na magluto.
Teka marunong ba ko magluto.
Kanina kasi naginit lang ako ng pagkain diyan sa ref kaya nakakain ako.Lord tulungan mo po ako.
Kinuha ko na ang mga mga gamit at mga sangkap sa lulutuin ko magaadobo na lang ako madali lang naman lutuin yun di ba.Alam mo ba yung pakiramdam na alam na alam mo na ang gagawin mo sa tingin ko marunong naman ata talaga ko magluto hanggang sa pagkatapos ko magluto ay sumandok na ko agad nagprepare sa lamesa para makakain na si master.
Papunta na ko sa kanya ng mahilo ako at hindi ko na alam ang sumunod na nanyari dahil nawalan na ako ng malay.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...