Chapter 10

25 8 0
                                    

Ashleey/Jhacely's POV

Naghuhugas ako ngayon ng mga plato ng maalala ko na naman ang pangiinsulto sakin ng mayabang na lalaki na yun.

Stupid wow ah..ikaw kaya ang nasa lugar ko ewan ko na lang. pero ang cute niya kanina ah ngayon ko lang siya nakita ngumiti simula kahapon na puro pagsusungit ang ginawa.

Haist akala ko hindi na mapapalitan ang pangalan ko pero ayun wala naman akong nagawa dahil sabi ko nga siya na magisip ng gusto niyang itawag sakin pero sana man lang yaya na lang di ba ok na yun eh pero maganda rin naman yung pangalan jhacely bakit kasi di ko maalala ang pangalan ko.

Lumipas ang ilang araw na halos hindi na kami nagkikita dahil sinunod ko lang naman ang gusto ng lalaking ito at halos gabi na rin siya umuwi. Uyy hindi ko siya hinihintay ah na tiyempuhan ko lang nung isang araw lasing ata siya lalabas sana ko para uminom pero ayun nga dumating na siya at dumiretso na sa kwarto niya.

Biyernes ngayon at siyempre balik na naman ako sa daily routine ko magluto ng agahan niya at maglinis at di na rin naman niya ko pinaglalaba dahil nagpapalaundry na lang siya at wala daw siyang tiwala sa akin pagAko ang naglaba.

Pagkatapos ko magluto ay dumiretso na agad ako sa kwarto mamaya at maabutan pa ko ni boss. Mamaya na ko kakain pagalis niya.

Halos magiisang oras ata ko dito sa loob ng kwarto di pa rin umaalis itong si zac. Ay bahala na nga nagugutom na ako at kailangan ko pa pala uminom ng gamot.

Paglabas ko nakita ko siyang na nagbabasa sa terrace habang nagkakape.

Dumiretso na lang ako sa kusina at mukha naman di niya ko napansin.

Matapos ko kumain ay naglinis agad.wala ba siyang pasok?.

Eh ano kung wala o meron siyabg pasok wala ka ng pakialam doon asar ng isang bahagi ng isip ko sarili ko.

"iniinom mo ba ang gamot mo? Tanong nito na patuloy pa rin sa pagbabasa.

Nagulat naman ako sa pagsasalita nito dahil minsan lang ako kausapin nito kaya di kaagad ako nakasagot.

"Ah oo naman." Sabi ko at pinagpatuloy ang pavavacuum.

"Bilisan mo maglinis at may pupuntahan tayo maliligo lang ako" pagkasabi nito ay dumiretso na siya kwarto.

Ako naman ay naiwan at tila pinoproseso ang sinabi niya tama ba yung naring ko aalis kami at isasama niya ko.

Assuming ka naman baka dadalhin ka na niyan sa mental o kaya sa pulis at iiwan ka na doon.

Kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isipan ko at bago pa ko mabulyawan ng lalaki ko ay nagdiretso na ko sa kwarto ko at naligo na din buti na lang at nilabhan ko na ang damit ko at hindi damit niyang malalaki ang susuotin ko ito naman kasing si zac ay matangkad kay anlaki tuloy sakin para ko ng dress ang t-shirt niya.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na agad ako at nagsuklay. Lumabas na din ako.

Akala ko naman ay ready na siya pero nauna papala ko sa kanya parang babae kung magayos kung sabagay yun lang naman kasi ang damit ko aarte pa ba ko tska wala din naman akong make-up ipanglalagay sa mukha katulad ng babaeng napapanood ko sa koreanovela na nainip ang lalaking bida ay di pa rin tapos magayos ang babae. Manood at maglinis lang naman ang libangan ko dito at paminsan minsan patago akong nagbabasa ng libro niya bawal kasi di ba.

Matapos ang matagal kong pamumuni muni sa wakas ay lumabas na din siya.

wow kahit na simpleng nakashort-pants lang siya kitang kita ang kapogian nito. Dahil na rin sa kaputian niya kaya kahit ano ata isuot nito babagay sa kanya.

"Ganyan ka na lang?" Tanong nito habang inaayos ang buhok.

"Oo ano pa bang gagawin ko saan ba tayo pupunta." Tanong ko din

"Tara na mamaya mo na alamin" pagkasabi nito ay lumabas na siya at ako naman ay sumunod na lang.

Mga ilang minuto lang ay nasa isang mall na kami.

"Anong gagawin natin dito" tanong ko at panay pa rin ang sunod ko sa kaniya.

Hindi naman ako sinagot nito at dumiretso sa isang women's clothes store.

wag mong sabihin yan ang mga trip mong damit.

Baka hindi naman may bibigyan lang siya ng regalo kaya pala sinama ako ng loko na to para ako papiliin ng ipangreregalo niya.Siguro sa girlfriend niya.

Habang kung ano ano naman ang tumatakbo sa isipan ko panay halungkat lang siya ng damit.

"Hoy naririnig mo ba ko kanina pa kita tinatanong anong size ng bewang mo?" Tanong nito habang di pa rin matigil sa paghahalungkat mukhang asar na din at kanina pa ata ko nito tinatanong dahil nga lumilipad ang isip ko di ko ito narinig.

"Ah 26 bakit?" Pagtataka ko dito.

Hindi naman ako sinagot at kung ano ano ang mga damit na kinuha may pants,shorts,dress at ilang mga blouse.

"Sukatin mo yung mga dress" utos nito sa akin.

"Pakiassist na lang siya please" dagdag na sabi pa nito sa mga saleslady na nandoon.

Ako naman ay sumunod na lang sa babae.Ano to bibilhan niya ko ng mga damit.

Hindi pa ba halata.pangaasar na kabilang bahagi ng isipan ko.nababaliw na ata ako eh at sinukat ko na ang damit na binigay sa akin ni zachary.

Lumabas na agad ako pagkasuot ko.

"So ano?" Tanong ko.

"Ayoko niyan" sabi naman nito.

Dali naman ako pumasok at sinukat ang pangalawang damit na bingay niya at as usual ayaw niya pa din yung totoo bess ikaw ba talaga magsusuot nito o ako.

pagkatapos ng sobrang tagal na pamimili ng damit ko ay nagpunta naman kami sa lingerie
section?!

"Hoy! Wag mong sabihin pati ito ikaw ang pipili sakin? Malakas na sabi ko dito at mukhang napansin din kami ng sales lady na napasunod naman samin.

"ano bang masama doon igirlfriend naman kita at makikita ko din naman yan" pangaasar nito at mukhang pinagtritripan ako ng loko aba bastos din pala ito eh.

"Ang kapal naman ng mukha mo hindi mo ko girlfriend kung di lang talaga" pagbabanta ko dito at mukhang nagiinit na ang mukha ko at unti unti namumula ang mukha ko hayy nakakaasar talaga itong lalaking ito.

"Ah sir ako na po bahala kay ma'am sa pamimili dito." Sabat naman ng saleslady.

"Oh bat namumula ka? Ikaw na muna bahala sa kanya miss. May bibilhin lang ako hintayin mo na lang ako dito" Patawa-tawa sabi pa nito.

"Yes sir" tugon ng saleslady dito na mukha gwapong gwapo pa kay zachary.

Badtrip talaga siya!
masama lang ang tingin ko dito hanggang sa makaalis siya at bagkas pa din sa mukha nito ang saya sa kakatawa kanina na mukhang nang-aasar pa.

Natapos na ko mamili ay wala ay wala pa din siya.Aba baka naman tinakasan na ko ng zachary na iyon pero nabayaran na naman niya yung iba dito ito na lang talagang mga underwear ang hindi pa eh kakaasar talaga yun eh.

Pagkabalik niya ay malalaking bag din ang mga dala niya mukhang nagshopping din ang kuya mo ah.

"Let's go? Tanong niya at nakangiting nakakaloko sakin at tignan ko na lang siya ng masama at sumunod sa kanya.

Mukhang nasiyahan na ata siya sa pang-aasar niya sakin ah.

When GOD made YouWhere stories live. Discover now