Ashleey's POV
Unti unti kong sinundan ang lalaki ito na patungo na marahil sa bahay o apartmeng na tinutuluyan niya.
Hanggang sa makarating kami sa building marahil ay dito na siguro siya nakatira panay lang ang sunod ko hanggang sa magelevator kami at pumindot siya ng floor kung saan siya bababa.
Hindi siya tumitingin sa akin siguro ay nagtataka na din siya kung bakit hindi pa ko pumipindot kung saan floor ako at ng marating na namin ang 3rdfloor ay dire-diretso lang siya sa paglalakad at ng mapansin na sumusunod pa din ako sa kaniya ay bigla na siya lumingon at kahit na alam ko na lilingon na siya ikinagulat ko pa din yun.
Miss naliligaw ka ba? kasi sakin na kasi itong condominium na ito baka nagkakamali ka kasi." Maayos na sabi niya sakin na nagtataka ang mukha.
"Ahm hindi ano kasi ahm. Sabi ko na nagaalinlangan pa.
"May kailangan ka ba sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Oo may kailangan nga ko sayo Pwede mo ba kong kupkupin sandali lang naman hanggang sa mahanap ko lang ang pamilya ko wala kasi kong mapupuntahang iba." Sagot ko na kinakabahan.
Alam ko weird sayo ito pero sana intindihin mo kuya mukha ka naman mabait eh.
"Sira ba ang ulo mo O pinaprank mo lang ako?" Sabi niya napapatawa.
"Alam ko mahirap itong paniwalaan may amnesia kasi ako at naligaw ako nahiwalay ako sa pamilya ko kaya please."sabi ko na nagmamakaawa baka naman kasi umeffect di ba.
Kahit na sa teleserye lang ito nanyayari ang amnesia paniwalaaan mo naman ako please.
"Sa tingin mo paniniwalaan kita sa sinasabi mo umalis ka na miss at baka mahypnotize mo pa ko." Sarcastic niyang sabi at binuksan na ang pinto papasok na sana siya ng pigilan ko siya at hinwakan ang kanang braso niya para di makapasok.
I know this is crazy pero kailangan kong gawin ito.
"Please kuya patirahin mo na ko saglit lang wala na akong ibang malalapitan alam ko mabait ka binigyan mo nga ng pagkain yung pulubi kanina kaya please lang. Sabi ko habang pinipigilan ko siya sa pagpasok.
"Hindi ako mabait sadyang masama lang ang lasa ng burger na yun paghindi mo pa ko binitawan ipapababa na kita dito sa guard." Asar na sabi nito at pagkasabi niya nun ay bumitaw na ko bakit ba ayaw mo maniwala.
Hindi pa man ganoon katagal ay nagdoorbell na ko.bahala na wala na talaga kong choice kahit mapudpud pa daliri ko I need to do it.
Di rin naman nagtagal ay binuksan niya ang pinto
"What ikaw na naman hindi mo ba ko titigilan? Umalis ka na" sabi nito at magsasalita pa lang sana ako ay sinara na ang pinto napakagarapaal naman po pala ng ugali nito. Kaasar.
Nagdoorbell ako ng paulit ulit nung una ay ayaw niya talaga pero sabi ko I will never give up kaya ko ito.at sa wakas binuksan niya na din nakulitan na ata.
"Ano ba!!! Hindi ka ba titigil hindi ito bahay ampunan para patuluyin ko basta basta ang kung sino dito hindi kita kilala at hindi ako agad nagtitiwala sa ibang tao kahit babae ka pa ok kaya umalis ka na" sigaw na sabi niya.
Ouch naman.nagulat talaga ko sa sinabi niya at nalungkot din.
"Please lang natatakot na kasi ako hindi ko na alam ang gagawin" sabi ko na umiiyak na.
"Hindi mo ko madadaan ng pagiyak mo ok.pumunta ka sa police station at doon ka humingi ng tulong. Asar na sabi nito
"Hindi ko nga alam kung sino ako at sino ang pamilya ko paano ko gagawin yun?" Sabi ko na patuloy pa rin ako sa pagiyak.
"Wala na kong pakialam don problema mo na yun" sabi nito at sinara na ang pinto.
Wala ata talagang puso ang lalaking yun sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil hindi naman niya rin naman ako kilala.
Naupo na lang ako sandali sa may harap ng pintuan niya hindi ko alam kung bakit nanyayari sa akin ito masama siguro talaga ang ugali kaya ito ngayon kinakarma ako.
Hindi na lang ako nangulit ulit bukas ko na lang siguro ulit susubukan masungit lang siguro siya pero mabait naman din ata.
Pagabi na kaya nagdecide ako na maglibot libot dito kung saan ako makakatulog at buti na lang may nakita kong storage room dun kakalabas lang ng janitor ata dito sa building na ito.
Gutom na ako pero kailangan ko muna tiisin ito kung hindi niya patitirahin saan na kaya ako pupunta nito.
Pagpasok ko sa loob may nakita akong bakanteng sahig sa likod ng mga mop at may mga basahan dun pinagdugtong dugtong ko na lang at nahiga na ako bahala na bukas at nakatulog na ako.
Maaga akong gumising at baka di ko na siya maabutan at umalis na agad siya pero actually di naman talaga ako nagkaroon ng maayos na tulog hayy kahit sino naman ata pagnasa sitwasyon na ganito.
Humiga agad ako sa gilid ng pinto ng condo ng lalaking masungit para isipin niya na natulog ako magdamag dito kaso baka naman lumabas siya kagabi baka mabuko ako ah paano kaya bahala na nga nandito na ako eh.
Wala talaga siyang puso paghindi siya naawa sa akin.
Mga ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto at lumabas na siya hindi ata tumitingin tong lalaking to eh at nasipa pa ako ang sakit kaya.
Sabagay daanan kaya ito.tumingin agad siya sa nasipa niya at nakakunot nakatitig sa akin
"Ikaw na naman?" Gulat na sabi nito nagtataka ata siya ibig sahihin effective talaga.
"Wala na talaga kong pupuntahan please kuya maawa ka na gagawin ko ang lahat kahit maging katulong mo lang ako. Sabi ko sabay luhod.
Nakakunot lang siya habang may pinagiisipan ata hindi kaya papayag na siya. napapaisip din tuloy ako eh
"Kuya?" Tanong ko ang tagal naman kasi pasabik ka naman kuya eh.
"Fine sige patitirahin kita pero lahat ng ipagawa ko ay susundin mo dapat din pagdating ko malinis na ang condo ko" sabi nito na seryoso.
"Waah thank you talaga kuya" sabu nito na tuwang tuwa sabay yakap ko sa kanya sabi ko na may pagkamabait din ito hulog ka talaga ng langit.
"Wag kang magpasalamat at may kapalit to at wag mo ko mayakap yakap. Tsaka hindi mo ko kuya at mas mukha ka pa ngang mas matanda sa akin.Sir ang itawag mo sa akin mas maganda yun aalis na ko.sabi nito pagkalagay ng password ng pinto ng condo niya at pagkatapos nito ay naglakad na siya papuntang elevator sungit talaga nito pero thank you ulit.
"thank you talaga sir ingat kayo I promise hindi ko kayo nanakawan o papatayin. Sigaw nitong ko alam ko naman uso ngayon yan pero wag ka magalala di ako masama wala nga lang maalala.
Sana hindi niya ko palayasin at sana siya na rin ang makatulong sa akin para mahanap ang pamilya.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...