Aimee's POV
Pagbalik ko ng van wala doon si ate ash.wala na din ang katabi na kotse namin buti na lang at nakuha pa ang cp ko sa kwarto na yun.
"Nasaan kaya si ate? Baka naman kasama ni kuya sabi ko sa sarili ko.
Habang naghihintay nagselfie selfie muna ko.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si kuya kasama si mom and dad.
"Nasaan si ate ash? Tanong ko pagkabukas ko ng pintuan ng van.
"Hindi bat kasama mo siya kaninang inutusan kitang ibaba na ang ate mo at nang makapagpahinga na sya dito." Sabi ni mom na medyo nagaalala na.
"Oo nga po sabay nga po kami pumunta dito kanina pero na kalimutan ko po kasi ang cellphone ko ihahatid ko na po sana siya doon pero sabi niya kaya na naman daw po niya kaya itinuro ko na lang kay ate yung van natin na itim tapos umalis na agad ako para kunin ang cellphone ko."pagpapaliwanag ko ng maayos kay mom.
"What hinayaan mo lang siya?" Sabat ni kuya jake.
"Hello kuya napakalapit na lang naman nun maliligaw pa ba nun si ate" sarcastic kong sabi.
"Wag tayo magpanic baka nagC.R lang ang kapatid niyo" sabi ni dad para pakalmahin kami.
"Maghiwa-hiwalay tayo hanapin natin si Ash" sabi ni kuya jake.
Umalis na din kami kaagad.
"Ate nasaan ka na ba?" Sabi ko sa sarili.
Makalipas ang ilang minuto nagkita-kita na kami kaagad.
"Nakita ko sa cctv sumakay si ash sa itim na kotse sa tabi ng van din natin. Pagaalalang sabi ni kuya.
"Ano ibig sabihin nagkamali ang kapatid mo ng sakay" Alalang alalang sabi ni mom.
"Nakuha mo ba ang plate number?" Tanong ni dad.
"Opo dad,sa tingin ko kailangan niyo muna umuwi nila aimee. Sabi ni kuya at sumakay na sasakyan.
Ganun na din ang ginawa namin ako naman ay tahimik lang kasalanan ko lahat ng ito eh.
Napansin naman ni mom ang pagkatahimik ko.
"Aimee ok lang hindi mo kasalanan anak."sabi ni mom sabay akbay sa akin.
"Yeah its not your fault"sabi ni dad.
"Ok lang po ako sana lang talaga makita na natin si ate nagaalala lang po ako. Sabi ko.
"Me too lalo na't sa ganon nakalagayan ni ashleey." Sambit ni kuya.
Nang makauwi kami sa bahay.dumiretso agad si kuya para hanapin ang kotse na nasakyan ni ate ash.
Ashleey's POV
Nagising ako dahil sa sobrang ingay sa labas ng kotse namin at napansin ko din kasi na huminto ang kotse na sinasakyan ko.
Napansin kong bumaba si kuya nasa gasolinahan pala kami pero sandali hindi si kuya ang bumaba sa kotse sino ito? Dumiretso sya sa C.r. Ibig sabihin nagkamali ako ng sakay.
Dali dali naman ako bumaba sa kotse nang di na ako mapansin driver na yun.
"Saan na ko pupunta ngayon?" Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko alam ang lugar na ito.Naglakad lakad pa ko hanggang sa makakita ko ng bakanteng upuan sa tapat ng saradong tindahan.Ano ng gagawin ko ngayon Lord.
Almost 3 hours na kong nakaupo sa kinauupuan ko ibenta ko kaya itong relo ko para may makain ako.
Natatakot na kong umalis dito sa kinauupuan ko. Yung mga tao nga lang na dumadaan sa tapat ko grabe na makatingin.Paano kung marape ako.
Kung ano ano na gumugulo sa isip ko sobra na kong natatakot.
"Mom,dad,kuya at si ana ba yun nasaan na ba kayo. Sabi ko sa sarili para na kong mababaliw hindi ko pa nga kilala ang sarili ko tapos na wala pa ako.
Habang kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko nakita ko ang isang pulubi sa kabilang daan ganyan na rin ba magiging kapalaran ko habang nasasabi ko yun sa sarili ko may isang lalaki na lumapit sa pulubi at binigyan siya ng pagkain wow ang bait naman this boy.Siya na ata ang hulog ng langit wala na kong pakialam kakapalan ko na ang mukha ko tsaka mukha naman siyang mabait at nagbigay pa siya ng pagkain sa pulubi bahala na po Lord.
Nagdali dali akong tumawid at unti unting sumunod sa lalaking ito.

YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...