(Freya Daniella Sebastian)
[Frey P.O.V]
Tahimik lang akong nag-aayos ng gamit. Nasa Maynila na ako. At sumandaling tumira ako dito sa kaibigan ko. Si Desiree.
Kagabi, nag-away kami nila Nanay dahil sa sinabi ko kay Don Ezekiel, pero wala akong magagawa. Ayokong mawala sa amin yun. Alam kong galit sa akin sila Nanay pero kagabi rin nung nasigurado kong tulog na sila, Lumuwas na ako papunta dito sa Maynila. Maiintindihan rin naman siguro nila ako.
"Frey? Okey ka na ba? Paalis na ako" Katok ni Desiree kaya kinuha ko na ang folder na naglalaman ng mga requirements ko at lumabas na ng kwarto.
"Tingin mo ba pwede akong mapasok sa pinagt-trabahuhan mo?" Tanong ko sa kanya at ini-abot ang folder at sumandali nya itong tignan.
"Trust yourself and more Confidence" Sambit nya at nagthumbs up.
"Thank You Desiree" Sambit ko at ngumiti lang sya.
"Ito man lang maging pasasalamat ko sayo simula nung naging magkaklase tayo" Sambit nya at niyakap ako.
Kanina pa ako nakatayo dito sa may Waiting Area pero ang tagal ng Mag-aassist sa akin.
"Kalmahin mo nga sarili mo" Kausap ko sa sarili ko at napatingin ako ng may malungkot na babaeng lumabas mula sa isang kwarto kung saan iniinterview ang mga aplikante.
"Ms. Sebastian" Tawag sa akin kaya agad akong tumayo at pumasok doon.
"What can you do?" Hindi pa ako nakakaupo pero tinanong nya na ako kaagad. Lalaki sya at matamang tinitignan ako Profile ko dahil nakatakip sa mukha nya ang Folder ko.
"A-anything S-Sir" Sambit ko at ibinaba nya ang folder kaya nasilayan ko ang kanyang mukha at bahagyang nanlaki ang mata nya.
"Leave." Sambit nya at napabuntong hininga ako at tumalikod na.
"Not you Miss Sebastian" Sambit nya kaya nagkatinginan kami nung isang babae at ngumiti sya sa akin.
"You Sit" Utos nya at agad akong tumayo.
"Freya Daniella Sebastian. 23. 5'6. You came from the Province" Sambit nya kaya tumango ako.
"Anong nagtulak sayo at dito ka nag-apply? May I know the reason?" Tanong nya kaya napayuko ako at naiyukom ko ang mga palad ko.
"My Friend is Working here. Desiree Villaruel. If Im not mistaken nasa Frontdesk sya." Sambit ko.
"Is that all?" Ramdam ko sa boses nyang may hinihintay syang sagot kaya bumuntong hininga ako.
"I need money. I need it in order to save our house. I need it for my Family. And Desiree told me na maayos kayo ditong magpasweldo. I will do any kind of Job... J-Just please. Hire me" Sambit ko at narinig kong tumawa sya.
"Anything Miss Sebastian? Even it will make you harm?... or Die?" Bigla akong nanlamig sa sinabi nya.
"Kidding. You passed. Come with me, dadalhin kita sa boss mo. By the way, I'm Knight. And Pinsan ko ang CEO dito. You will work as his Secretary. Got it?" Sambit nya kaya bigla akong napa-ngiti. At kinamayan sya.
"Thank You sir Knight!" Masayang sambit ko at ngumiti lang sya at ini-abot na sa akin ang isang folder.
"These are the Rules and Regulations, the Contract. Paki-fill-up an na lang and paki-bigay kay Miss Villaruel" Sambit nya at tumango ako.
"Come with me" Sambit nya at sumunod na ako
Thank God. May trabaho na ako.
"Nathan?" Sambit nya pumasok na kami.
Halos mamangha ako sa itsura ng office na ito. Puro Glass ang pader kaya kitang kita ang labas. Grey and White ang kulay ng dingding at malawak. Pero nakuha ng atensyon ko ang lalaking nakatingin sa akin kaya napalunok ako bigla.
"Who is she?" Sobrang lamig ng boses nya. Halata sa kanyang istrikto at masungit sya.
"She will be your new Secretary Couz." Sambit ni Sir Knight at tumayo sa inuupuan nya si Sir Nathan.
"I want everything to be perfect. I want you to do your job perfectly or else, I will kill you" Sambit nya kaya feeling ko bigla akong namutla.
"Ahehehe. Go back tomorrow Ms. Sebastian, tomorrow will be your start. You may go" Sambit ni Sir Knight at tumango ako.
[Nathan P.O.V]
"Why did you choose her?" Tanong ko kay Knight.
"I know she can do her job excellently" Sambit nya habang nakatingala sa kisame ng opisina ko.
"She's innocent." Sambit ko
"That's it! She's innocent Nathan! Mas maganda yun. She is from Province at wala syang alam regarding sa nangyayari dito. All she need to do is to do her job as your secretary. Hindi ba't mas maganda yun?" katwiran nya pero napapikit na lang ako.
"Ayokong may madamay na inosente rito" Sambit ko pero umiling-iling sya.
"As far as wala syang alam, hindi sya madadamay. I gotta go, madami pa akong kailangang asikasuhin sa ibaba. Madami kang tinanggal na empleyado. By the way, this is her profile. Alam kong alam mo na yung gagawin mo dyan. Dating gawi diba?" Sambit nya at inihagis sa table ko ang folder.
Freya Daniella Sebastian. You are very wrong applying in my company. Ni-working experience wala? Nababaliw na ba talaga ang pinsan ko?
BINABASA MO ANG
Say It Again [COMPLETE]
General FictionFrey Sebastian. Simpleng babaeng namumuhay kasama ng kanyang magulang at kapatid. She wants everything to be okey for her family. But unexpected thing happened kaya kinailangan nyang lumuwas ng Maynila. But the question is.... What will happen if sh...