VIII- First

5.5K 127 1
                                    

[Frey P.O.V]

Hindi ko maiwasang hindi maramdaman yung sakit sa braso ko.

"Too early" Agad akong napatayo ng biglang dumating si Sir Nathan.

"Good Morning Sir" Sambit ko at tumango lang sya.

Well I guess, back to normal na ang lahat. Kalalabas nya lang kahapon sa hospital at ayan na nga. Nandito na sya ulit.

"Coffee" Sambit nya kaya agad akong pumunta sa pantry at ikinuha sya ng kape.

"Sir Coffee" Sambit ko at inilapag ang coffee sa gilid nya.

"Your appointment sir for this day, 10am at the Cafe for Ms. Lazaro. 1am Conference Room. 3pm Mr. Gonzales will be arriving here and 5pm Denny's Cuisine" Sambit ko.

"C-Can you please make the coffee that you made last month?" Tanong nya sa akin kaya agad aking natigilan.

"Sir?" Pag-uulit ko.

"I want your white coffee" Sambit nya kaya agad akong napangiti.

"Coming" Masayang sambit ko at inilapag ang notebook sa table ko at lumabas.

"Hey!"

"Sir Knight! Good Morning" Sambit ko at ngumiti sya.

"Where are you going?" He asked.

"White Coffee" Sambit ko.

"Okey na ba yang braso mo?" Tanong nya at tumango ako.

"Kaya na pero kumikirot pa rin." Sambit ko at tumango sya.
.
.
.
.
.
.
"May schedule na ba ako for the whole week?" Tanong nya at tumango ako

"Yes Sir. 3 for tomorrow. 1 for the next day. 2 for the other day" Sambit ko.

"Make it all for 1 day" Sambit nya kaya napatango na lang ako bigla.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Excuse me" Pagpapaalam ko dahil kailangan ko talagang magCR. Kaya tumango lang si Sir Nathan at nginitian lang ako ni Ms. Lazaro.

Kanina pa kumukulo yung dugo ko sa babaeng yoon. Yung tono ng pananalita nya tyaka sa kilos nya halatang halatang hindi lang about sa business yung pinunta.

"Ouch" Ngiwi ko ng tumama yung braso ko sa pintuan ng cubicle pagkalabas ko.

"Nakakainis naman. Dapat nasa bahay lang ako eh" Kausap ko sa sarili ko habang naghuhugas ng kamay.

Kamusta na kaya sila Nanay? Si Kuya? Fudge! Naalala ko, nawawala nga pala yung cellphone kong bigay ni Tatay. Hindi ko alam kung saan napunta kung nahulog ba o naiwan ko sa abandonadong building.

Pinatay ko na ang gripo at lumabas pero nanlaki ang mata ko ng nakitang nakayakap si Ms. Lazaro kay Sir Nathan na para bang nadulas sya at nasalo ni Sir kaya nagtago muna ako sa gilid. Ano? Ang tagal nilang nakaganun? Kailangan kapag mag-uusap nasa ganung posisyon?

Nanlaki ang mata ko ng nakita kong bumunot ng kutsilyo si Ms. Lazaro kaya agad kong binunot ang baril ko na may silencer at itinutok sa kamay nya.

"Woh! Freya! Unang beses to. Isang maling baril mo, si Sir Nathan ang tatamaan" Sambit ko sa sarili ko at nakita kong ini-angat na nya ang kutsilyo sa likod ni Sir kaya agad kong binaril yun.

"Gotcha!" Simpleng sambit ko ng nakita kong nalaglag ang kutsilyo at nagdugo ang kamay nya.

"Fight!" Narinig ko na lang na sigaw nya at kalahati sa mga tao dito sa restaurant ang naglabas ng baril kaya wala na akong sinayang na oras kundi pagbabarilin sila.

"Syems. I need back up" Sambit ko sa sarili ko.

"Hmp!" Agad kong siniko ang lalaking nagtakip sa bunganga ko kaya biglang sumakit ang braso ko.

"You did great. Now all you have to do is get Nathan out of here" Nakahinga ako ng maluwag ng si Knight pala yoon.

"So may kasama ka?" Sigaw ni Ms. Lazaro kay Sir Nathan pero agad syang sinipa ni Sir Nathan at agad syang naglabas ng baril.

"What do you want from me huh?" Tanong nya ng may sobrang lamig na boses kaya napatingin ako kay Knight.

"Kill that Lazaro Frey" Sambit nya kaya tumango lang ako.

"Akala ko namatay ka na sa hospital pero masamang damo ka kaya siguro hindi ka pa mamatay-mat-- *ack!" Napapikit na lang ako ng natamaan ko sya sa ulo kaya agad inagaw ni Knight ang baril sa akin at niyakap ako.

"Just act Frey. Act like you're scared" Bulong nya.

"Let's get out of here" nagulat na lang ako ng may humatak sa akin at si Nathan iyon.

"P-Pero si Knight!" Sambit ko

"He can do it. Nasa labas na ang tauhan namin" Sambit nya kaya tumango lang ako.

Hindi ko alam kung saan kami dumaan pero mukhang sa Fire Exit dahil sa likod kami lumabas.

"Sir!" Napatingin na lang ako sa daang taong biglang yumuko ng nakita si Nathan. Lahat sila nakatayo pa pero kitang kita ang mga taong walang malay na. So ito ang sinasabi ni Knight na tauhan nya sa Mafia? Madami naman ata masyado.

"Couz! You forget this!" Pareho kaming napatingin ni Nathan kay Knight ng lumabas itong may bag. At tyaka hinagis ito.

"Ts. The papers" Simpleng sambit nya at sinalo ang bag.

"Let's go" Sambit nya at tumango lang ako.

Binuksan na nya ang Passenger's Door kaya kumunot ang noo ko, luh? Di ako marunong magdrive?

"Get in Freya. Time is running" Sambit nya kaya agad akong natauhan at pumasok. Pagkapasok ko agad na nyang sinara ang pinto. Gentleman din naman pala si Sir eh.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon