XVII- Muntik na

5.1K 110 0
                                    

[Frey P.O.V]

7 palang nasa opisina na ako. Medyo madaming trabahong tambak kaya pumasok na ako ng maaga.

Kanina pa ko nagtatype habang ang kape ko ay nasa gilid ng computer katabi ang phone ma binigay sa akin ni Knight. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali.

Tinigil ko ang ginagawa ko at tumayo. Inilagay ko sa bulsa ng pants ko ang phone ko at kinuha ang kape at dumiretso sa may table ni Nathan. Tumingin-tingin lang ako doon hanggang sa may napansin akong maliit na chip sa may bandang ilalim.

"Camera" Simpleng sambit ko at tumayo. Dumiretso ako sa may bintana at hindi nga ako nagkamali. There are 3 men standing in the other building. And a sniper pointing here at my location. Agad akong nagtago sa kurtina at sandaling inilapag ang kape ko bago ko ilabas ang baril kong may silencer.

*RingRing*

Napatingin ako sa cellphone ko at ng mabasang si Knight iyon ay sinagot ko kaagad.

[Don't shoot them. Mababasag ang salamin. Let my men do their job.]

"Pero..."

[What?]

"There is a camera." Simpleng sambit ko.

[Destroy it. Nathan is in the First Floor. Kadadating lang nya]

Agad ko ng pinatay ang tawag at dumiretso sa table nya at tinanggal ang camera at inapakan ko iyon sa may gilid. Wasak. Napangiti na lamang ako at tinignan ang mga lalaki kanina pero nakita ko nalang silang duguan kaya napangisi na lamang ako at bumalik sa table ko at ipinagpatuloy ang pagt-type.

Bumukas ang pinto kaya napatayo ako kaagad.

"Good Morning Sir" Dating gawi. Ganun naman nalang talaga. Sumimpleng tingin ako sa orasan at nakitang 8:15 palang. Maaga ata si Sir Nathan ngayon?

Tinignan ko sya at seryoso ang itsura nyang nakatingin sa akin at dire-diretsong nagpunta sa kinaroroonan ko.

"Nasaan ka ngayon?" Seryosong tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Im asking you Freya, dumaan ako kanina sa apartment ni Des but you're not staying there anymore" Seryosong tanong nya.

"L-lumipat na ako." Sagot ko at umalis sa kinatatayuan ko at kinuha ang notebook.

"Then, Saan? Bakit?" He asked.

"Sir, you have an appointment at 10am to Mr. Lee---"

"Answer my question Freya" Sambit nya at napatingin nalang ako sa kanya. He's serious, but his eyes seems so worried.

Huminga ako ng malalim at tinignan ko sya.

"Lumipat na ako. Medyo mas malapit na apartment dito. Kaya ko na namang magrent tutal kaya sa sahod ko. And, I want my own apartment, yung kahit anong gawin ko, pwede" Sagot ko pero nakatingin parin sya sa akin.

"Im Fine. Okey? Don't worry" Ngiting pahayag ko at sa wakas tumango sya.

*RingRing*

Agad kong sinagot ang tawag ni Knight at tumingin ako kay Nathan na nakakunot ang noo sa akin.

[Don't forget what I have told you yesterday]

"Of course"

[Kumain ka na ba?]

"Huh? Coffee"

[Let's have breakfast sa cafeteria]

"Okey"

Pinatay ko na ang tawag pero napaiwas ng tingin si Nathan.

"You have already a new phone" Simpleng kumento nya at napatango ako.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon