(Knight Harold Gomez)
[Frey P.O.V]
"Alam mo Frey, maganda yung pinapakita mong performance" Sambit nya kaya tumungo lang ako.
Isang buwan na rin pala akong nandito. Kagagaling lang namin sa Perapadala agency. Pinadala ko na kila nanay ang una kong sahod para malaman nilang okey lang ako. Tinatatagan ko yung loob ko na hindi sila kausapin dahil baka mamaya marinig ko lang boses ni Nanay umuwi agad ako.
"Alam mo kasi, simula ng nakapasok ako sa Corp. Mahigit tatlong linggo lang yung pinakamatagal kaya masasabi kong ang galing galing mo talaga kasi nakalagpas ka ng Buwan" Sambit nya at ngumiti na lang ako.
Isang buwan. Isang buwan narin pala ng mangyari yung pakikialam ko sa opisina nya. At laking pasalamat ko na hindi nya ako tinanggal kaya simula noon, di na ko nagsasalita kung hindi naman na kailangan. Isa pa, sa Sahod na natatanggap ko. Sakto lang para makaipon ako ng Tatlong Milyon sa loob ng isang taon.
"Des. Alam mo? Mahirap pakisamahan si Sir Nathan. Tama nga kayo. Grabe sya. Pero alam mo namang kailangan ko ng pera para kila nanay. Kaya Less Talk less chance na mafired ako" Sagot ko at nagtawanan nalang kaming dalawa.
"Fudge?" Ang tanging nasambit ko ng makitang wala ng asukal sa pantry at mga purong kape na lamang.
8:45 am. Kaya pa to. Mga 9:00 naman dumadating si Sir.
Agad na akong bumaba sa Cafetiria at kinausap ko ang chef doon.
"Anong gagawin mo?" Tanong nila habang pinapanood akong iniinit ang mga Kape.
"Ganito kami magkape sa Probinsya" Ngiting sambit ko at hinaluan na yoon ng fresh milk at pinakulo ng makita kong kumulo na ay dinagdagan ko ng tubig.
"Ang bango naman" Sambit nila at ngumiti ako.
"Ayan! Tapos na! Tikman nyo ha?" Sambit ko at naglagay na sa pinaka-tray at nagmadali na akong umakyat dahil nakita kong 9:10 na.
"Coffee" Bungad nya sa akin kaya agad akong dumiretso sa Pantry para ipaglagay sya non.
"Coffee Sir" Masaya kong sabi pagkalapag ng kape pero tinignan nya ako.
"I want Black Coffee." Sambit nya kaya agad nawala ang ngiti ko.
"Sir. I-try nyo po. Masarap po yan!" Pilit ko pero bigla syang tumahimik.
"Miss Sebastian. I said. I want a f*cking black coffee! Throw this!" Sigaw nya kaya agad kong kinuha ang kape at malungkot na tumalikod.
"Good Morning!" Masayang bati ni Sir Knight at pinilit kong ngumiti at binati rin sya.
"Hey. What's that?" Tanong nya
"White Coffee po" Sambit ko
"Wow. Saan mo dadalhin?" Tanong nya
"I-Itatapon po" Hindi ko naiwasang malungkot dahil naalala ko kung paano hanap-hanapin nila nanay ang ginagawa kong kape.
BINABASA MO ANG
Say It Again [COMPLETE]
General FictionFrey Sebastian. Simpleng babaeng namumuhay kasama ng kanyang magulang at kapatid. She wants everything to be okey for her family. But unexpected thing happened kaya kinailangan nyang lumuwas ng Maynila. But the question is.... What will happen if sh...