VII- Mafia

6.1K 149 5
                                    

[Frey P.O.V]

"Get up Frey! Get up!" Pinipilit kong hindi pansinin ang sakit pero pagod na pagod na ako.

Hinagisan ko ng Smokebang si Knight at pinilit kong magtago sa isang pader.

Nasa isang abandonadong building kami. At Training ko na. It's been a month simula ng tinuruan nya ako.

"Stop hiding Frey! Harapin mo ko!" Sigaw nya kaya agad kong iniready ang baril at pinaputukan sya.

Nagsasalitan lang kami ng Baril hanggang sa maubusan ako ng bala.

"No. Sh*t!" Sambit ko at agad kong kinuha ang katana sa ilalim ng jacket ko at mabilis na tumakbo sa kanya pero...

*Bang*

"Argh!" Daing ko ng matamaan ako sa braso.

"F*ck!" Sigaw nya at agad akong nilapitan.

"Im sorry! Im sorry!" Sambit nya at agad hinubad sa akin ang Safety Jacket at binuhat ako. I don't know what happen next pero natandaan ko pa ang sinabi nya.

"Kaya mo yan Frey. Hold on. Dadalhin kita sa Hospital..." He said pero ramdam na ramdam ko ang pag-aalala sa boses nya.





[Third Persons P.O.V]

"I'm dead." Bulong ni Knight sa sarili nya habang hinihintay ang paglabas ng doctor.

"Please. Kayanin mo Frey" He said while praying.

.
.
.
.
.

"Huh? It's already 8 pero wala pa sya" Kunot noong tanong ni Nathan sa kanyang sarili.

Sa susunod na araw ay maaari na syang makalabas ng hospital at bumalik sa trabaho.

He tried to call his secretary pero ring lang ito ng ring.

"Where are you Freya?" Sambit nya dahil ngayon lang ito hindi pumunta sa kanya

Sa loob ng halos isang buwan. Aminin man nya o hindi sa kanyang sarili, ito ang naging dahilan kung bakit sya tumagal doon dahil nalilibang sya nito.

.
.
.
.
.
.

"How is she Doc?" Tanong ni Knight ng lumabas ang doctor

"She's already awake. Are you a relative?" Tanong nito at napatango na lang sya.

"Yes doc. I'am her fiancee" Sambit nito at napakagat ng labi dahil sa nasagot nya.

"She's a strong woman. Pagkatapos namin syang gamutin kanina she kept on saying na pwede na syang lumabas at kaya na nya. Mababaw lang naman ang tama ng bala kaya mga after 2 weeks sumarado na ang sugat" Paliwanag nito at pareho silang napatingin ng lumabas si Frey galing sa loob ng ER na nakangiti pero may bandages sa ibang-ibang bahagi ng katawan.

"Ayos na ko. I just need rest" Nakangiting sambit nito at napangiti na lamang ang doctor.

"Take care of her Hijo. Nasa kanya na rin yung mga dapat nyang inumin" Sambit ng doctor at tumango na lamang ito at iniwan silang dalawa.

"Alam mo. Lagot ako kay Nathan kapag nakita ka nyang ganyan" Halos sabunutan na ni Knight ang kanyang sarili dahilan para mapatawa si Freya

"Ako ng bahala sa kanya. Teka, pagod talaga ako Knight. Gusto kong magpahinga" Sambit ng dalaga at tumango ito.

"It's better kung sa condo ka nalang muna tumuloy para mabantayan kita. Pero we need to buy your medicines first before we go home" Sambit ng binata at tumango sya.

[Frey P.O.V]

Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa nangyari. Nabaril ako pero kailangan para sa kaligtasan ni Nathan.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon