[Freya P.O.V]
- 4 months after
Nakatingin lang ako sa malaking bahay sa tapat ng bahay namin habang naka-upo sa gilid ng kama dahil tanaw dito iyon mula sa bintana. Dalawang bahay iyon.
Naalala ko pa pagdating ko dito nasa kalagitnaan palang yan pero ngayon tapos na at may mga nagdeliever kahapon ng mga gamit.
"Anak?" Napatingin ako kay Nanay ng pumasok sya sa kwarto at ngumiti ako.
"Kamusta ang nararamdaman mo?" Tanong nya at ngumiti lang ako.
"Naramdaman ko lang po na sumipa ang isa sa kanila kanina" Ngiting sambit ko at napangiti si Nanay.
Kambal ang anak ko. Isang babae at isang lalaki. 8 months and a half na nga rin sila. Malaki at mabigat.
"Sabi ni Doctora anong oras man ay manganganak na ka diba? Dapat siguro manatili na tayo sa ospital" Suhestiyon ni Nanay at umiling ako.
"Kaya ko pa naman Nay. Teka, aalis po kayo?" Tanong ko at tumango sya.
"Pupunta akong bayan." Sambit nya at malapad akong ngumiti.
"Sasama ako Nay! Magbibihis lang ako sandali" Sambit ko at tinginan nya ako.
"Kaya mo pa ba? Baka matagtag ka?" Tanong ni Nanay at ngumiti lang ako.
"Kayang-kaya Nay!" Sambit ko at ngumiti sya.
"O sige, hihintayin kita sa baba" Sambit nya at tumango ako.
.
.
.
.
.(Please Click the MusicVideo! ^_^_)
"God... Nandito na naman po ako. Sana po pakinggan nyo po ako. God, thank you po. Thank you po sa pagliligtas sa aming lahat. Sa amin po ng baby ko at sa mga taong mahalaga po sa akin. God, Thank you rin po sa mga blessings na patuloy nyong ibinibigay sa amin. God, Sorry. Patawarin nyo po ako kung may mga nilabag po ako sa Ten Commandments. Sa totoo po nyan, sa puso ko po, pinagsisisihan ko po yun. God... Malapit na po kong manganak. Please guide me, protect me and my Baby... Sa inyo ko na po i-aasa ang lahat. Sa totoo po nyan, kabado na po ako.... At God... Yung lagi ko pong hinihiling sa inyo, sana po... Sana po wag nyong pababayaan si Nathan... Nawalan na po ako ng balita sa kanya. Sana po... Sana po maging maayos na sya. Amen." Pagkatapos kong magdasal ay dumilat na ako.Sandali akong umupo at napahawak sa tyan ko ng naramdaman kong sumipa na naman ang isa.
Ganito lagi ang ginagawa ko kapag nagpupuntang bayan si Nanay, Lagi akong sumasama at dito ako mamamalagi.
"Freya?" Napatingin ako sa nagsalita at ngumiti ako.
"O, Leon" Bati ako at ngumiti rin sya.
"Sabi na eh. Ikaw nga yan. Sinong kasama mo?" He asked.
"Ah. Si Nanay." sambit ko at tumango sya.
"Uhm. Sa labas na ako." Paalam ko at tumayo na pero inalalayan nya ako.
"Sasabay na ako sa inyo, pauwi na rin naman ako" Ngiting sambit nya at tumango ako.
Si Leon, naging okey na naman sya. Sya na ang pinaghahawak ng Don ng mga lupain simula ng magkasakit ang Don.
"Leon,.hijo" Bati ni Nanay at tumango si Leon."Ako na po dyaan. Pauwi na po ba kayo?" Tanong nya kay Nanay at tumango si Nanay.
"Ihahtid ko na po kayo. Tutal papunta po ako sa Farm." Sambit nya at ngumiti na si Nanay.
BINABASA MO ANG
Say It Again [COMPLETE]
General FictionFrey Sebastian. Simpleng babaeng namumuhay kasama ng kanyang magulang at kapatid. She wants everything to be okey for her family. But unexpected thing happened kaya kinailangan nyang lumuwas ng Maynila. But the question is.... What will happen if sh...