XI- Heartbeats

5.1K 113 0
                                    

[Frey P.O.V]

Nagising na lang akong katabi ko na si Nathan na mahimbing na natutulog.

Mukha syang anghel. His face, hindi yoon mukha ng isang Mafioso.

T-teka?! Agad akong napa-ikot kaya bumagsak ako sa unan.

"Awts." Sambit ko dahil nagulat akong magkatabi na kami samantalang nung natulog kami kagabi nasa ibaba ako.

Bumangon na ako na tahimik na nagligpit at naingat dahil paniguradong mararamdaman nya ang galaw ko.

Alas-kwatro na ng madaling araw. Literal na gising dito sa probinsya. Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit tinignan ko na lamang sya at lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko naabutan kong nag-aayos na sila Nanay at naglilinis si Kuya.

"Magandang Umaga!" Ngiting bati ko at tumango lamang sila

"Ipagtitimpla mo ba kami ng Kape Freya?" Nakangiting tanong ni Tatay kaya tumango ako

"Sandali lang po ah" Sambit ko at inilapag ang Medical Bag at ginawan ko sila ng Kape

.
.
.

"Nakakamiss" Napatingin ako kay Kuya habang humihigop ng kape kaya niyakap ko sya patalikod.

"Namiss ko kayo. Sobra" Sambit ko kaya hinawakan nya ang braso ko kaya agad akong napabitaw.

"Hija, ano ba talagang nangyari dyaan?" Tanong ni Tatay kaya umupo na lang ako sa sofa at inilabas ang mga panlinis ng sugat ko kaya doon din sila pumwesto.

"Pauwi na po kami ako sa bahay ni Des nung naholdap po yung sinasakyan kong jeep" Hindi ko maiwasang hindi mapapikit habang tinatanggal ang benda dahil ngayon pa lang ako nakapagsinungaling kila Nanay.

"May nanlaban po kasing pasahero tapos nakipag-agawan sya ng gamit nya kaya sa akin bumanda yung bala ng baril" Paliwanag ko at tinignan ang sugat. Malapit na palang magsara kaya hindi ko na gaanong nararamdaman.

"Jusko Anak, delikado pala doon. Dumito ka na lang" Sambit ni Nanay at umiling ako. Nilagyan ko na ng gamot ang bulak at ipinahid sa sugat.

"Tay, ano eh, naibigay sa akin yung cellphone na niregalo nyo" Sambit ko at nilagyan na ng gamot ang sugat.

"Anak, ang mahalaga ligtas ka. Materyal na bagay lamang yoon, napakadaling palitan noon." Sambit nya at tipid na ngiti lamang ang naisagot ko.

"Kay Desiree ka nakatira?" Tanong ni Kuya at tumango ako at nilagyan na ng gaza ang sugat at nagsimula na akong maglagay ng benda

"Maliit na apartment po na may dalawang kwarto at may CR na po yoon sa loob. Bali naghati na po kami ng pambayad" Sagot ko at tumango naman sila.

"Buti naman at may kasama ka doon" Sambit ni Nanay at tumango ako Iniligpit ko na ang mga gamit.

"Parehas rin po kami ng pinagt-trabahuhan." Sambit ko pero bigla akong natigilan.

"Anu ba yan, wala man lang akong pasalubong sa inyo" Panghihinayang ko dahil biglaan ang paguwi namin ni Nathan.

"Hindi naman mahalaga yoon, ang mahalaga naisipan mong umuwi" Ngiting sambit ni Nanay at napangiti ako.

"So... dating gawi?" Tanong ko at nagtawanan sila. Dating gawi, pagkagising ipagtitimpla ko na sila ng Kape, tapos maglilinis na ako sa labas samantalang sina Nanay at Tatay didiretso na sa palayan at si Kuya magsusugo na ng kalabaw sa gitnang bukid

.
.
.
.
.
.
.

"Morning" Agad akong napatingin ng may nagsalita at unti-unti kong iniangat ang katawan ko simula sa pagkakayuko.

Nathan. All I can see was a very simple man standing infront of me smiling. He's wearing a man short and a white Vneck Shirt at naka-tsinelas lang sya. Kahit sobrang simple ng suot nya, hindi pa rin mawawala yung itsura nyang mayaman at pagkagwapo nya.

"Matunaw ako" Ngiting sambit nya kaya napa-iwas ako ng tingin.

"G-Good Morning. Ang aga mo atang magising." Sambit ko at tumango lang sya.

"Nagulat kasi ako wala ka na dun. Besides, oras talaga ng gising ko." Sambit nya at tumango ako

Inilapag ko muna ang walis tingting at tinignan ko sya.

"You want to jog?" Tanong ko at inilibot nya ang mata nya sa kapaligiran.

"May be tomorrow. Is that your bicycle?" Tanong nya at tumango ako. Kinuha ko na ang mountain bike at inilapit sa kanya.

"Punta tayo sa plaza, kuya have his own bike. Yun na lang gamitin mo. Do you know how to use it?" Tanong ko at ngumisi sya.

"Of course" Sambit nya at kinuha ang katabi ng bike ko kanina.

"Sandali lang ha" Sambit ko at pumasok ulit sa bahay para magpalit ng suot at kumuha ng pera.

.
.
.

"Let's go" Aya nya at tumango ako.

Walang gaanong sasakyan ang dumadaan sa amin dahil di naman ito main road.

Sakto lang ang pagpidal ko pero napatingin na lamang ako ng nakita kong magkatapat na kami ni Nathan at nakangiti sya kaya mas binilisan ko ang pagpidal. But, napapantayan nya pa rin ako kaya mas lalo kong binilisan ang pagpidal.

"Hey! Be careful! May pagkaroughroad ang daan nyo dito" Nanlaki ang mata ko ng bigla syang huminto sa harapan ko at buti nalang ay nakapagpreno agad ako.

"Don't worry Nathan, sanay ako." Ngiting sambit ko at tinignan ko ang daanan. Tanaw na dito ang tore ang munisipyo.

"Nathan, ang plaza, dire-diretso lang. Let's race?" Panghahamon ko pero nakita kong umangat ang gilid ng labi nya.

"Sure. What will be the price then?" Tanong nya at napaisip ako bigla.

"Bahala na kung sinong manalo" Sambit ko at tumango sya.

"Ready?" I asked at tumango sya.

"Go!" Sigaw ko at agad na akong nagpidal.

Hindi ko alam pero habang nagkakarera kami, we keep on laughing. At ito ang unang beses na makita ko syang masaya. Tumatawa. Hindi seryoso.

*Lub.Dub.Lub.Dub.Lub.Dub.*

I don't know kung bakit ko to nararamdaman. Parang tumitigil yung pagpatak ng oras sa bawat tawanan naming dalawa. Parang bumabagal lahat ng pangyayari. At parang kaming dalawa lang yung tao sa paligid.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon