IX- RoadTrip

5.7K 125 0
                                    

[Fre P.O.V]

"Frey!" Naalimpungatan ako ng kumatok si Des sa pintuan ko.

Argh. It's too early! 4:00am pa lang.

"Freya!" Kalampag nya sa pintuan.

"Antok pa ko! Maaga pa!" Sigaw ko

"Freya Daniella Sebastian! Gumising ka na. Please!" Nagtakip ako ng kumot at unan para hindi ko sya marinig.

"Freya?"

Wala pa sa tatlumpung segundo at nabuksan ko na ang pintuan.

"Sir Nathan?" Gulat na tanong ko kaya agad kong sinarado ang pintuan.

"Pack up. Uuwi tayo sa province nyo and well stay there for a week. I'll wait you" Sambit nya kaya binuksan ko ulit ang pinto.

"Seryoso?" Sambit ko at nakita kong nakaupo na sya kaagad.

"Yeah" Maikling sagot nya kaya wala na akong sinayang na oras.




"Anong sumagi sa isip mo Sir?" Tanong ko sa kanya habang nasa sasakyan kami.

"This is my way how I say thank you para sa nagawa mo sakin ng isang buwan. Don't worry about the money, sagot ko lahat. Also, may bonus akong inilagay sa ATM mo" He said habang nagd-drive kaya napatulala ako bigla.

"Thank you" Yun lang ang nasambit ko at tumango lang sya.

"Why don't you call them?" He suggest kaya napatigil ako bigla.

"Ahehehe. Sir, mas maganda po kapag surprise" Sambit ko at sandali nya akong tinignan.

"Really?" He asked kaya napangiwi na lang ako.

"Y-Yes" Sambit ko at narinig ko syang tumikhim.

"I called you last night many times but your phone is cannot be reach. What happened?" He asked

"Nung naholdap yung sinasakyan ko nun." Simpleng sambit ko kaya namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

"Luma na naman yoon. Kahit nakakapanghinayang dahil regalo sa akin ni Tatay yun nung nag18 ako. Hayaan nalang natin" Sambit ko at pinilit na ngumiti kaya tinignan nya lang ako.

"Here. Call them" Sambit nya at ini-abot sa akin ang cellphine nyang Iphone 8--- Wait? Alam ko sabi ni Des Iphone 7S palang pero bakit may Iphone 8 na sya kaagad?

Kinuha ko sa body bag ko yung maliit na notebook at hinanap ko yung number ni Des.

[Sir?] Bungad nya kaya napangiti ako.

"Si Frey to" Sambit ko at tumingin sa bintana.

[Uy! Goodluck sa Byahe ha?! Tyaka regards kila Tita. Tapos pasalubungan mo ko ha?] Sambit nya

"Copy. Wait, Baka next week pa ang balik namin. Nakalimutan kong isoli yung Laptop mo, nandoon sa gilid ng table sa loob ng kwarto. Salamat talaga sa pagpapahiram Des!" Sambit ko at narinig ko syang tumawa sa kabilang linya

[Walang anuman. Sige na. Ibaba mo na to. Nakakahiya kay Sir Nathan. Alagaan mo yan mabuti. Hindi sanay sa probisnya yan] Sambit nya at tumango ako.

"Noted Des! Salamat talaga! Goodbye!" Ngiting sambit ko at binaba na ang linya.

"Thank you" Sambit ko kay Nathan at ini-abot sa kanya yung cellphone nya.

"I told you to call your parents and not Ms. Villaruel" Sambit nya kaya hindi ko naiwasanf hindi ngumuso.

"Alam mo Sir, gusto kong makita yung reaksyon nila Nanay kaya isusurprise ko sila" Ngitimg sambit ko at tumango na lang sya.

"Nathan. Cut the po and the Sir" Sambit nya at nagkibit balikat ako.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon