V

6.2K 142 2
                                    

[Frey P.O.V]

"Nay." Naiiyak kong sambit

"Jusmiyo Anak! Pasalamat sa Diyos at naisipan mo rin kaming tawagan!" Ramdam kong magkahalong galit at saya ang nararamdaman ng nanay

"Sorry Nay." Yun na lamang ang tanging nasabi ko at pumikit habang nilalasap ang hangin dito sa balkonahe ng kwarto ni Sir Nathan

"Anak.... Bumalik ka na dito. Parang awa mo na" Kusang tumulo ang luha ko ng narinig ko ang boses ni Nanay na nahihirapan

"Nay. Hindi pa po pwede." Mahinang sambit ko

"Anak. Hayaan na natin ang lupa." Sorry nay pero para sa inyo rin itong gagawin ko.

"Nay. Mamaya, baka po may pumuntang tao dyaan. Samahan nyo po sya kay Don Ezekiel. Nay, yoon na po ang Tatlong Milyon pagkatapos may mga ibibigay rin sya kaya tanggapin nyo yun. Lahat po yan galing sa akin."

"Anak...."

"Nay. Maayos po ang kalagayan ko dito. Tatawag-tawagan ko na lang po kayo ha? Mahal na mahal ko kayo Nay. Pero kailangan ko ng ibaba ito." Napasandal na lamang ako sa pader at tuluyang umiyak. Mahal na mahal ko sila. At gagawin ko lahat para sa ikagaganda ng buhay nila.

"Why are you here?" Bungad na tanong sa akin ni Sir Nathan kaya umupo ako sa gilid nya

"Sor--." Ang tanging nasambit ko.

"Forget it." Sambit nya at bumuntong hininga ako.

"Alam kong galit ka sir. At kasalanan ko kung bakit ka nandyaan. Pero... pero gusto ko lang naman po sanang iligtas kayo." Sambit ko.

"Ts."

"Gaya po ng sinabi ko, magreresign na po ako" Sambit ko at nabahala ako ng bigla syang tumayo at napangiwi sa sakit.

"Sir Nathan naman eh! Hindi ka pa magaling!" Sermon ko at inalalayan syang humiga.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.

"Coffee" Sambit nya kaya agad tumaas ang isang kilay ko.

"Kape? Nakahilata ka na nga dyaan tapos magkakape ka? Kailangan mo ng masustansyang pagkain" Sambit ko.

"Who give you the reason to talk to me without proper manners? " Malamig na sambit nya.

"As I said earlier. Magreresign na ko. Teka nga" Sambit ko at ipinagbalat ko sya ng mansanas at inilapag yoon sa minitable nya.

"Kainin mo yan. Magluluto lang ako" Sambit ko at kumunot ang noo nya.

Si Nanay, sa tuwing nagkakasakit kami ni Kuya palaging Lugaw ang ipinapakain nya sa amin.








"Freya, water" tawag nya kaya sandali kong iniwan yung niluluto ko at kumuha ng tubig sa ref at ipinagsalin sya sa baso.

"Ano pang gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"I just want to sleep" Sambit nya at ngumiwi ako.

"Kakain ka muna okey? Malapit na yun" sambit ko at pinatay na ang kalan.

"What's that?" Tanong nya

"Lugaw." Simpleng sabi ko at iniharap sa kanya ang kutsarang may lugaw.

"I can eat by myself" Sambit nya at pinabayaan ko sya pero tumapon lang yoon kaya agad kong pinunasan.

"Ts. Tigas kasi ng ulo" Sambit ko

"What did you say?" Malamig na tanong nya kaya ngumiti lang ako ng malapad dahil bigla kong naalala kung sino sya.

"Sabi ko po ako na po ang magsusubo sa iyo" Sambit ko at hinipan ko na ang kutsara at tyaka isinubo sa kanya.

"Sir Nathan. Kailangan nyo tong ubusin ha? Kahit ito lang na nasa mangkok." Sambit ko at hindi na nya ako pinansin habang patuloy lang sya sa pagkain.
.
.
.

"Im full." Sambit nya kaya ini-ayos ko na yung kama nya. Sino ba naman kasing hindi mabubusog? Eh naubos nya yung lahat ng niluto ko.

"Sandali. Iinom kang gamot" Sabi ko at inabutan ko sya ng baso ng tubig at ng gamot.

Pinanood ko lang sya kung paano nya yoon inumin at humiga na kaagad pagkatapos.

"Hey Couz!" Bati ni Knight pagkapasok nya at nagkatinginan lang kami at tumango ako.

"Kamusta?" Tanong ni Nathan

"Saya. 1 Month ka dito" Mapang-asar na sambit nya at tinignan ako ni Nathan.

"Accompany Knight. Knight you will be the in-charge" Sambit nya at kinindatan ako ni Knight. Kaya napa-irap na lang ako.

"Medyo inaantok na ako. You may go" Sambit nya at tumango ako.

"Epekto yan ng gamot. Pahinga ka na. Well go" Sambit ni Knight at unti-unting napapikit si Nathan.

"Sunod ako" Sambit ko kay Knight at tumango sya.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Nathan na mahimbing na natutulog.

"Sorry. Sorry kung dahil sa akin nandyan ka. Yung gagawin ko. Bilang pagpapasalamat at para sa pamilya ko. Sorry Sir Nathan. It's all my fault."

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon