X- Hometown

5.2K 116 0
                                    

[Frey P.O.V]

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin pero alam ko sa sarili kong nag-uunahan ang kaba at lakas ng tibok ng puso ko. Halos maglilimang minuto na akong nakatayo sa harap ng pintuan namin pero natatakot akong kumatok. Halos tatlong buwan na akong nawalay sa kanila. At alam kong galit si nanay at tatay, pero lalo na si Kuya.

"Are you afraid?" Napatingin ako kay Nathan ng nagsalita sya kaya napabuga na lang ako sa hangin.

"I don't know if I can do this" Sambit ko at ngumiti lang sya.

"Nandito lang ako. You can do it" Pagpapalakas nya sa loob ko kaya tumango ako.

"I can do this" Sambit ko at tumango sya.

*Tok-Tok-Tok*

I try to calm myself lalo na ng si kuya ang nagbukas nito at nagkatinginan lang kami.

"Frey!" Sigaw nya at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Kuya." Sambit ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat sa Diyos at naisipan mo na ring umuwi" sambit nya kaya napayuko na lang ako.

"Nay. Tay" Sambit ko ng makita ko sila kaya agad akong bumitaw kay Kuya at niyakap silang dalawa.

"Akala ko wala ka ng balak umuwi" Naiiyak na sambit ni Nanay kaya napangiti lang ako

"Nay naman" Sambit ko at nakangiting tumango na lamang si Nanay.

Pero napansin kong tumingin si Tatay sa labas kaya agad kong naalala si Nathan.

"Ahm. Nay, Tay si Sir Nathan po. Boss ko" Sambit ko kaya agad nanlaki ang mata nila.

"Hello Sir! Welcome po!" Masayang bati ni Nanay kaya napangiti ako bigla.

"Nako Hijo, pasok kayo." Paanyaya ni Tatay kaya tinignan ko si Nathan at tumango lang sya.

"Uhm. Pagpasensyahan mo na yung bahay namin, maliit lang eh" Sambit ko at ngumiti lang sya.

"Yeah. Small but looks like it's comfortable" Sambit nya at ngumiti sa akin kaya napangiti rin ako.

"*Ehem* Akin na yung gamit mo Frey" Agad kinuha ni Kuya yung gamit kong hawak ni Nathan kaya tinignan ko lang sya.

"Sumunod na kayo sa loob" Sambit nya kaya tumango lang ako.

"Si Kuya Froilan." Sabi ko at tumango lang sya.

"Am I welcome here?" Tanong nya kaya tumango ako.

"Nemern" Sambit ko at naglakad na papasok kaya pumasok narin sya.

"Hijo, maupo ka muna" Sambit ni Tatay ay iginiya sya sa Upuan.

"Puntahan ko lang po si Nanay" paalam ko at tumango silang pareho

"Nay?" nakita kong nagtitimpla ng Juice si Nanay kaya naglabas na ako ng baso.

"Sya ba yung nagbigay sayo ng Tatlong Milyon?" Nakangiting tanong ni Nanay kaya umiling ako.

"Nay. Hindi po. Yung pinsan nya po yun pero Nay, please wag na wag nyong sasabihin na bayad na yun. Okey?" Sambit ko at tumango lang sya.

"Gwapo sya anak" Natatawang sambit ni Nanay kaya napangiwi ako.

"Nay naman" Sambit ko.

"Kaso Mayaman. Halata." Sambit nya kaya napatango ako.

"Pagmamay-ari nya po yung pinagt-trabahuhan ko" Sambit ko kaya agad napatingin si Nanay sa akin.

"Jusmiyo. Anong pumasok sa isip mo at isinama mo dito?" Tanong nya at nagkibit-balikat ako.

"Sya po yung nag-aya. Gusto nya daw maranasan yung buhay dito" Sambit ko.

"Talaga? Gusto nya?" Napatingin ako sa nagsalita at ngumuso ako ng nakita kong si Kuya pala yun.

"Kuyaaaa..." Sambit ko.

"Umalis ka na lang basta-basta tapos walang pasabing dadating ka. Alam mo bang sobra kaming nag-alala?" Malamig na sambit nya kaya napasimangot ako.

"Alam mong mali ka diba? Frey--- Teka, ano yang benda dyan sa braso mo?" Tanong nya at akmang hahawakan yun ng itinago ko kaagad sa likod ko ang braso ko.

"W-Wala." Sambit ko at tinignan nya ako sa mata.

"Kuya... Kaya lang naman ako umalis kasi gusto ko ring makatulong sa inyo. " Mahinang sambit ko pero nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap.

"Nako naman. Mga anak, wag dito mag-iyakan. May bisita tayo. Magluto ka na Froi. At ikaw Frey magpahinga muna kayo" Sambit sa akin ni Nanay at inilapit ang tray na may pitsel at baso.

"Sige po" Sagot ko at pinuntahan ko na sina Tatay at naabutan ko silang nagk-kwentuhan.

"Oh. Anak" Bati ni Tatay kaya ngumiti ako.

"Tay. Pagpahingahin nyo po muna si Nathan, medyo mahaba-haba din po kasi ang byahe namin" Sambit ko kaya tumango sya.

"Saang Hotel ka ba tutuloy Hijo?" Tanong ni Tatay kaya napatingin sa akin si Nathan.

"Kung hindi nyo po mamasamain, nais ko po sanang dito na lang tumuloy sa inyo" Nanlaki ang mata ko sa sagot nya. Aside sa alam kong hindi sya sanay sa ganito yung pagiging magalang nya kay Tatay.

"Ganun ba hijo? Sa kwarto ka na lang ni Frey tutal maluwag naman doon, kasya kayong dalawa" Malaki ang ngiti sa labi ni Nanay ng sinabi nya yoon kaya napangiti rin ng nakakaloko si Tatay pero sumimangot ako.

"Naman e--"

"Ayos lang po sa akin yun. Wag po kayong mag-alala---"

"Sige na. Umakyat na kayo, paniguradong pagod kayong dalawa" Tinulak ako ni Nanay kaya kumunot ang noo ko pero nakangiti lamang sila ni Tatay

Pagkapasok naming dalawa sa kwarto hindi ko napigilang mapangiti at lumundag sa kama.

"Grabe. Medyo matagal din akong nawala" Sambit ko.

"You like Black?" Tanong nya sa akin kaya tumango ako at tumayo sa kama.

"Black and White. Black and Red" Sambit ko at tumango lang sya.

"Uhm. Wala kaming aircon dito. Sa katunayan nyan, sa gabi hindi na rin kami gumagamit ng belintilador" Sambit ko kaya agad sya napatingin sa akin.

"Belintilador?" Tanong nya

"Electric Fan" Sagot ko at kinuha na yung bag ko at inilagay sa gilid. Kukunin ko na rin sana yung sa kanya pero natigilan ako ng makita kong napatigil sya sa pagtingin sa mga trophy at medals ko dahil nakahawak pa sya sa Medalya habang nakatingin sa isang picture frame.

"Hey?" Sambit ko at tinignan nya ako.

"This art. I mean this painting. It's very meaningful" Sambit nya at napatango lang ako.

I painted it. It's my hidden talent na ayokong ilabas. The painting has a girl in the center, closed eyes, and sa ilalim ng ulo mukha nya ay may malaking rose at sa bawat petals ng rose na yun may mga luha. I don't know why I did that pero nagandahan ako kaya idinisplay ko.

"Achiever" Ngiting sambit nya sa akin kaya ngumiti lang ako.

"Sila Nanay at Tatay yung naging inspirasyon ko" Ngiting sagot ko at tumango lang sya.

"Uhm. Magpahinga ka na lang muna, dito ka na sa kama" Sambit ko at itinuro ang kama kaya tumingin sya sa akin.

"How about you?" Tanong nya sa akin

"Sa lapag, sanay naman ako" Sambit ko pero umiling sya

"Tabi na lang tayo. Maglalagay na lang tayo ng unan sa gitna" Sambit nya pero umiling ako.

"Hindi kasing laki ng kama mo yung kama ko kaya paniguradong hindi ka magiging komportable" Sambit ko kaya nagkibit balikat na lamang sya at nagtanggal ng sapatos tyaka humiga.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon