XXIX

5.3K 93 1
                                    

[Freya P.O.V]

Nagmadali akong tumakbo paakyat pero ng malapit na ko sa isang pintuan biglang lumakas ang tibok ng puso ko at sumakit ang puson ko.

"B-Baby... Please... Please hold on... Malapit na tayo kay Daddy mo" Kagat labi kong tiniis ang sakit at napa-iling.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at agad kong inihanda ang katana ko at sinipa ang pintuan.

Agad kong hinarap ang lalaking nakatutok ang baril kay Nathan at sinipa ko sya ng malakas.

Agad kong tinanggal ang maskara nya at nagulat ako ng makita ko ang mukha nya.

"D-Dave?" Gulat na tanong ko pero ngumisi lang sya at sinipa ako sa puson ko dahil para mapahiga ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Tito Niel na nakangiti sa akin at hawak-hawak ang banda ng puso nya na umaagos ang dugo.

"F-Freya! Ahhh!" Napapikit nalang ako ng marinig ko ang sigaw at putok ng baril

"Oras na mapatay kita. Makukuha ko lahat!" Sigaw nya kay Nathan.

"Ang dapat na sa amin at lahat ng bagay na dapat ay sa akin!" Sigaw nya at nagpaputok na naman ng baril

Pumikit ako at dahan dahang tumayo. Iniwasan kong makalikha ng ingay.

"Magpaalam ka na Nathan! Ahahahaha--"

Sabay sa pagtawa nya ang pagtusok ko ng katana sa likod nya sa tapat ng puso.

"N-No Dave. I-ikaw ang magpaalam" Mahinang sambit ko at napatingin sa ibaba.

"B-Blood" Sambit ko ng makitang umaagos iyon mula sa akin.

Hinugot ko ang katana sa likod nya at unti-unti syang napaupo hanggang sa mapahiga.

*Bang!

*Bang!

Dalawang magkasunod na putok ang narinig ko at isang bala ang naramdaman kong tumama sa likod ko dahilan para mamanhid ako at lumabo ang paningin.

"L-Lady Freyaaa!" It's Zed voice.

"Freyaaaaa!" Sigaw ni Nathan ang huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Kuya.

"K-Kuya..." Sambit ko at agad syang lumuha kaya nagulat ako. Unti-unti akong gumalaw pero napapikit ako sa sakit.

"Wag! Wag ka munang gumalaw!" Sambit nya habang umiiyak.

"K-Kuya bakit ka umiiyak?" Hirap na tanong ko pero umiling sya.

Natigilan ako bigla at napakapa sa puson ko.

"My baby is still here right?" Kabadong tanong ko at unti-unti syang tumango kaya napahinga ako ng malalim.

"Kababae mong tao! Buntis ka pa! Sumusugod ka sa Gera!" Inis na iyak nya kaya napangiti nalang ako.

"Okey na ako Kuya. Mahalaga buhay ako pati ang Bata" Sambit ko at hinawakan sya sa kamay.

"Mahigit dalawang linggo ka na dyan. Matapos ang surgery na isinagawa nawalan ka ng pulso. Akala ko mawawala ka na. Pero buti nalang biglang bumalik at naging successful ang lahat. Nailigtas rin ang baby mo!" Iyak nya at kumunot ang noo ko.

"B-Bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong ko at umiyak sya lalo.

"Hindi biro ang nangyari Freya! Lalo na sayo! Hindi biro ang lahat! Halos mawala ka na sa amin!" Iyak nya kaya napatango na lang ako.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon