Chapter 16:Burdens

6 1 0
                                        

RICA'S POV

 Napatulala ako nang makita ko ang itsura ni Leiryn, puro saksak ang katawan niya pero nagagawa niya pa ring kumilos.. Nakita ko sa kamay ko ang kutsilyong dinala ko in case makalabas ako sa boundary para proteksiyon.. Binitiwan ko iyon, naramdaman ko ang haplos ni Ryn sa pisngi ko

 "G-gusto k-kong m-maging ka-kaibigan s-si Rica ha-habang buhay"-wika niya at nginitian ako 

Natumba si Leiryn sa harapan ko at naramdaman ko ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko.. Nakapatay ako, ang masakit pa doon ang best friend ko pa.. Agad akong niyakap ni mama sa nangyari at hinigit ako sa isang kwarto.. Ramdam ko ang panglalamig ng kamay niya 

 "Wala kong nakita.. Wala.. Arci, huminahon ka.. Andito ng anak mo kaya maging masaya ka"-wika ni mama sa sarili na umiiyak na rin

 "Ma, I k-killed her, I KILLED LE-LEIRYN"-ani ko at napaluhod na lang 

 Hindi ko alam ang nangyari, nakita ko lang si Leiryn habang kayakap ko si Mama.. Tapos.. Tapos.. Tapos, napatingin ako sa kamay ko. May mga talsik ito ng dugo, nakapatay ako. Nagulat ako sa biglang pagtawa ni mama 

 "Patay? Sinong patay? Hahaha!"-wika ni mama Natatakot ako.. 

Natatakot ako kay mama, nawawala na siya sa sarili.. Ang mga mata niya ay parang patay at ang mga tawa niya ay hindi tuwa kundi isang baliw na tawa.. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si papa, sinaksak niya ng kung anumang kemikal si mama 

 "Tsk.. Ayos na siya kapag nagising, parati yang nangyayari kaya di mo na dapat ikatakot pa.. Di ba ina mo yan? Alagaan mo.."-papa 

 Mas napahagulgol lang ako sa mga sinabi ni papa at dapat sanay yayakapin ko siya pero umiwas ito at umalis.. Natumba ako sa sahig at doon nagpatuloy sa pag-iyak 

"Lei.."-bulong ko 

 Narinig ko ang isang awiting pamilyar sa'king pandinig.. Nakarinig naman ako ng tawa ng isang batang babae, ang tawa ng nakamaskara sa RCG10 floor.. Tama!

 "ANO BANG KAILANGAN MO? PAGOD NA AKO! ANO BA?!?"-sigaw ko

 Umalingawngaw ang tawa niya hanggang makaramdam ako ng lamig

 "Huwag kang mangialam sa plano ko at malalaman mo ang nais ko"-bulong ng isang babae

Biglang may yumakap mula sa likuran ko

 "Reimer?"-usal ko

 "Parati lang akong narito para sayo.. Sei"

 Ang boses na yun ang dumurog ng puso ko

 "Harem.."-ako

 REIMER'S POV 

 Nasan ka na ba Rica? Isang lugar na lang ang di ko napupuntahan, sa labas ng tarangkahan.. Wag naman sana, bigla akong napaluhod 

 "Hindi mo ko kailangang sambahin mahal ko, alipin mo na ko" 

 Boses palang kilala ko na kung sino siya 

 "Leila"-ako 

 "S3nro!"-saad niya at sinampal ako 

 "Hindi ba dapat Sei at hindi pangalan ang itawag mo sa akin? Gaya ng dati, mahal ko"- patuloy pa nito

 "Tsk! You don't deserve it, you're not a princess"-iritang usal ko 

 "I'm a princess---" 

 "OH! Yes you are! Prinsesa ng mga desperada"-ako

 Nagulat ako nang mahawakan niya ko, isa siyang multo kaya't imposible

 "Tila yata nagulumihanan ka? Lumalakas na ako, ay! Hindi nagugutom ka na! Nais ko lamang ipaalam na nasa labas si Rica at huwag ka nang umasa pa pagkat ang iyong mahal ay wala na"-saad niya 

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon