Chapter 13: Vampire in His Blood

5 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Unti-unting bumangon si Arven at kinagat ang kanyang labi upang magdugo ito

"This is my way of saying I love you.. Please stay with me forever"-Arven at hinalikan si Leiryn

Blangko ang mga mata nito at tila walang pag-asa dahil ramdam pa rin niya ang virus sa katawan niya pero magsasalin siya ng dugo dahil kailangan ito ni Leiryn samantala tuwang-tuwa naman ang babaeng kumausap kay Reimer dahil sa kanyang paglakas

"Mukhang naghahanda na ang katawang aking sasalinan.. Syempre hindi ako papayag na mahina siya, pero ang kirot kanina sa aking pisngi.. Hindi nakakatuwang nagpapabaya siya ng kanyang sarili, pero hindi muna ko bibisita sa ngayon para masopresa ko naman ang pinakamamahal kong si Raven hahahaha"-tuwang-tuw ang wika nito sa sarili at pinaglaruan ang maskarang VP

Nagising ako sa kakaibang pakiramdam, iminulat ko ang mata ko at nakita si Arven na mahimbing na natutulog.. Napakalapit ng mukha niya sakin at may pleasure na gusto ko siyang halikan pero pinigil ko ang sarili ko at pinikit ang aking mata pero muli itong iminulat, halata ang pagod sa kanyang mukha pero hindi pa rin mawawala ang maamo at kakisigan nito.. Bigla itong umibo na senyales na gising na siya kaya't muli akong nagtulug-tulugan.. Hinalikan niya ang noo ko at ibinulong

"Ang aggresive mo kagabi ha, pinagod mo ko"-Arven

Umakyat lahat ng dugo ko sa sinabi nito nang maalalang nakatuwalya lang ako nung pumasok si Arven sa kwarto at mawalan ng malay.. Nakasuot na ko ngayon ng pangtulog na mas ikinainit ng mukha ko

"Binihisan na kita baka kasi mailang ka, well minsan ko na rin namang nakita yan at hindi na BIG deal kasi nga---"-siya at tumayo na para isuot ang shirt niya

Binato ko siya ng unan at agad sumugod inilagay ko ang mga braso ko sa leeg niya at sinimulan siyang sakalin habang ang mga binti ko ay iniipit ang katawan niya para di ako mahulog.. Umikot siya at humiga muli sa kama na iniipit ako.. Tumawa siya ng tumawa na parang wala lang ang mga pinaggagawa ko sa kanya kaya sa huli sumuko na lang ako.. Di ako makapaniwala na siya ang makakakuha nun. Di bale kesa naman si Conrad pero.. ARGH!

"PAPATAYIN TALAGA KITA RAVEN CORTELIUS!"-sigaw ko nang maiharang ko sa mukha ko ang unan

Ramdam ko ang pag-ibo ng balikat niya sa tiyan ko dahil sa pagtawa niya

"Pede ko haha bang haha malaman haha k-kung haha kung bakit?"-Arv

"SENRO! DI AKO MAKAPANIWALANG IKAW NAKAUNA SA AKIN! ARGGH!"-sigaw ko sa unan na mas lalong nagpatawa sa kanya

Tumayo siya at hinigit ako para mayakap

"Gwapo naman ang magiging ama nyan kung meron nga kong magiging anak sayo hahaha"-Arv na utas pa rin katatawa

"Ano?"-ako

"Huwag kang aalis sa yakap ha.. Hahaha.. Walang nangyari satin okay.. Wala.. Nainfect ka ng virus pero inubos ko ang lahat ng dugo mo, hindi ka na ngayon bampira sa spell.. Totoong bampira ka na Leiryn.. Dugo ko na ang nananalaytay sayo, pagmamay-ari na kita at hindi ng kapatid ko"-Arv

Nanghinayang ako nang malaman ko yun..Niyakap ko siya pabalik

"Salamat Arv, masaya akong ikaw na ang bagong master ko.. I'll stay with you forever and its a commitment not a promise.. I'll be forever yours"-saad ko

"That's what I want to hear from you because the time you are with my brother it breaks my heart.. I'm already yours Leiryn before and until forever.. Huwag kang mamamatay.. Matatapos rin ang digmaan at magiging masaya tayo malayo sa kanila"-masayang wika ni Arven at hinigpitan pa ang yakap

"I hope so, Arv.. I'm hoping that too"-ako

RICA'S POV

Nagising ako sa katok sa pinto.. Agad ko itong binuksan at nakita si Reimer na umiiyak nang ako ang makita niya ay niyakap ako nito.. Paulit-ulit niyang sinasabing 'I'm sorry Rica, mahal na mahal kita'.. Pinapasok ko siya sa kwarto at di ko inexpect ang sunod niyang ginawa.. Hinalikan niya ko.. Millions of volts ang naramdaman ko kahit ilang segundo lang ang halik na iyon at isang suntok ang dahilan kung bakit iyon nahinto

"Okay ka lang Cari? Hindi ba sabi ko umalis ka na? Layuan mo na siya"-sigaw ni Harem

Tulala pa rin ako sa mga nangyayari ngayon.. Pano nakarating si Harem dito at sino si Cari?? 

"Huwag kang makialam rito Harem! Kung ayaw mong maglaho sa mundo"-nakayukong usal ni Reimer

"Ano bang nangyayari dito?"-gulung-gulo kong tanong nakiusyoso na sina Jhyz, Geil, Sheen, Pau at Jess. Hinawakan ni Jessa sa balikat si Reimer at niyakap ito. Biglang may kumirot na kung ano sa dibdib ko sa ginawa niyang iyon. Kaibigan ko si Jessa kaya hindi dapat ako magalit pero ang pakiramdam ko dapat ko siyang bugbugin, sabunutan at torturin sa paghawak niya kay Reimer. Hinawakan ako sa balikat ni Harem na ikinagulat ko

"Kung maipapakita ko at sasabihin ko kung sino ako maniniwala ka ba sa akin?"-Harem

Umiwas ako ng tingin

"Cari, eduse.. I have to protect you now or he'll kill you"-Harem

"ANO BA? BAKIT BA LAHAT KAYO PINIPILIT NA MANIWALA AKO? ANO BANG AKALA NYO? BOBO AKO? WALANG ALAM? WALA AKONG NAIINTINDIHAN KAYA PEDE BA! TAMA NA!!"-sigaw ko at tumakbo palayo

Kapag ganitong sitwasyon si Leiryn bumabago sa mood ko, sya parati ang kausap ko. Dinala ko ng paa ko sa garden kung saan nangako akong magtitiwala sa kanya, kay Reimer pero sa pinaggagawa niya ngayon ewan ko.. Wala akong maintindihan

"Umiiyak ka na naman?"-wika ng pamilyar na boses

"Ryn?"-ako

"Buti tanda mo baka batukan kita pag hindi"-siya at tumawa

"Dumating ka nung kailangan kita, lakas naman ng radar mo"-ako

Tumawa lang siya at umupo sa tabi ko

"May lovelife eh"-sya

"Malandi ka pa rin"-wika ko na nagpatawa samin pareho

"Tanomore wanekase"-ako
(Tanomore wanekase-long time no see)

"Sumipag ka yata at nag-aral ka ng Mari language?"-siya

"Edi ikaw na matalino"-ako

"Si Pau yun hindi ako"-siya

"Ryn? Kung magtitiwala ka kanino at bakit?"-ako

"AY PAGEANT QUESTY? Thank you for your wonderful question"-siya at binatukan ko na nagpatawa uli sa amin

"Sayo, kay Jess at kay Arven.. Alam ko kasing marami kayong maitutulong pero si Arv kahit di ko sabihin alam kong alam na niya gaya ng pagtakas ko ngayon sa duty"-siya at tumawa na naman

"Duty? Wala naman tayo sa college at di tayo graduates.. Duty?"-ako

"Nakalimutan kong magpakilala bago na pala code ko, LCLK, Leiryn Cortelius, Lieutenant Knight of moon demon's army.. Koa neiru Moon Demon!"-wika niya in serious tone na nagpanganga sa akin

"L-lieutenant ka agad? Di ba mga.."-ako

"Yep! Mas bata ako sa mga knights ng 7 na taon sa pinakabata"-proud pa siya

"Kaya ba umalis ka?"-ako

"Hindi, matagal na kong undercover at knights nung 9 pa lang tayo kaya nga kita nakilala.. Dahil sa papa mong si Conrad pero mas close kami ni Arci noh?"-pagyayabang pa niya

"Kilala mo sila?"-ako

"Oo naman, si Conrad ang commander general ng area namin eh.. Siya ang Captain namin ngayon"-siya na di pa rin nakakaramdam

"Alam mong buhay sila pero tinago mo sa akin at pinalabas na patay na sila?"-ako na umiiyak na

Nahinto siya sa pagsasalita

"RICA! NAMISS KITA!"-sigaw ni Leiryn sa akin at niyakap ako pero itinulak ko siya at nahulog ito sa tubig

Ang tiwala parang tubig, kapag sinayang di mo na mapapakinabangan.. Ang sakit Leiryn.. Bakit ba ako na lang parati ang pinaglalaruan nyo? Ang t*ng* ko rin naman para maniwala sa inyo.

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon