Chapter 30: Final decision

14 2 0
                                        

Third Person's POV 

 " Get all your swords and ready to fight!!" sigaw ni Reimer 

 Hindi makapaniwala si Rica.. Patay na si Leiryn.. Mayroong itim na usok ang pumasok sa loob ng katawan niya na hindi napapansin ng iba.. Inihiga ni Arven si Leiryn sa lupa at inangat ang sword niya na may crest na siya ang susunod na hari.. 

 " Mahikan!! Para sa prinsesa!! SUGOD!!" sigaw ni Arven

 Nakaupo pa rin si Rica at nakatitig lang kay Leiryn nang biglang umikot ang ulo nito sa gawi niya.. May luhang pumatak dito

 " Bakit Rica?!? Bakit? Dapat ako ngayon ang nariyan kung hindi ka nangialam.. Bakit??!?!" galit sa usal niya sa isipan ni Rica

 Tumawa ito at bigla na lamang bumangon at nilapitan si Rica

 " Wala kang kwenta" saad ni Leiryn at umupo sa harapan ni Rica

 Isang malaking pagsisisi na tumingin si Rica sa mga mata ni Leiryn.. Nang hilakbot siya dahil pinakita niyon lahat ng mangyayari.. May isang halimaw.. Lalong dumilim ang langit at nagsimulang bumaksak ang ulan.. Ang mga halimaw sa labas ng boundary ay dumating rin upang makidigma.. Subalit wala silang papanigan maging ang Mahikan man o ang Cortelius Moon Army.. Lahat kakainin niyon.. Wala nang pag-asa.. Naglaho sa harapan niya si Leiryn at buhat-buhat siya ni Harem

 " Hindi tamang iwan ka nila sa digmaan" saad nito at lahat ng Mahikan at sundalo at nakastop

 " Wala akong pinapanigan.. Babantayan na lamang kita" saad niya 

 " Wala na bang ibang paraan para matapos ito??" tanong ko sa kanya 

 Mayroong Mahikan silang dinaanan.. Nabaril ito subalit ang dugo mula sa katawan nito'y nakalutang sa ere at huminto.. Lahat ng bagay huminto 

 " Pinahinto ko sila.. Ganito rin ang ginawa ko nang ipakita ko sa iyo kung paano mamatay si Leiryn sa mismong harap mo.. Ang akala ko'y pipigilan mo siya o hihigitin man lang.. Hayaang mamatay ang dalawang magkapatid subalit hindi dapat kita inasahan.. Hindi ka dapat nila inasahan sa planong walang katuturan.. Hindi mababago ang tadhana mapwera na lang kung.." huminto si Harem na parang nagsisisi siya na dumulas iyon sa kanyang dila 

 " Kung??" tanong ni Rica na bigyan ngayon ng pag-asa 

 " Kung muling mabubuhay si Cari sa katawan mo para labanan si Leila at patayin ito subalit masyadong mapanganib.. Ang kaluluwang labis na naghahangad ng buhay ay magkakaroon ng kapangyarihang walang hanggan.. Sasakupin ang mundo sa sariling paghahangad at mas maraming buhay ang masasayang" saad naman ni Harem na para bang ito'y nakasaad sa isang tadhanang kanyang nabasa

 " Kung ganoo'y nakatanggap ka ng propesiya.." saad naman ni Rica

 " Ilang daang taong nakakaraan nang si Reyna Sonya pa ang nangangalaga sa Ring of Destiny" sagot ni Harem 

 " Reyna Sonya?" tanong ko

 " Ang tunay na ina ni Leiryn.. Ang highest priestess.. Ang Great Mage.. Ang nag-iisang babae na kasing lakas ng black sorcerer.. Ang kakambal niyang si Senri" sagot ni Harem..

 " Halika.. Ipapakita ko sayo lahat-lahat simula noong bago pa dumating ang magkapatid na Reimer at Arven at ang pagdating ni Leila.. Leiryn at Cari sa buhay ng bawat isa.. Kung paano naging konektado kaming lahat" paliwanag ni Harem

 Dinala ni Harem si Rica sa World of time at pumasok sa isang pintuang hugis orasan

 " Ang Three Gift of Gods para sa tatlong kaharian ay inihahatag ko upang magkaroon ng iba't ibang kakayahan ang mga kaharian.. Sa Moonlight Kingdom.. Pinili nyo ang imortalidad.. Ang buong lahi ng mga bampira ay magkakaroon ng kakayahang paghilumin ang sarili sa bawat pisikal na mga sugat.. Ang dugo ng mga salinlahi ay magkakaroon ng buhay na higit pa sa buhay ng mga ordinaryong bampira.. Bawat tapat na tagapaglingkod ay magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan upang maipagtanggol ang kaharian sa mga hamak na magnanasa sa kapangyarihan.. Tanggapin mo aking hari ang setro ng imortalidad" saad ng isang boses sa ilaw at ibinigay sa isang batang lalaki

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon