Chapter 9: Puppeteer

19 2 0
                                        

RICA'S POV

Nagulat ako sa sinabi ni Reimer at bumalik sa katinuan ng ibaba na niya ako.. Malayo na iyon sa school at hindi ko ito alam dahil bahay, school at dorm lang ako.. Malawak ang school pero mas malawak ang kabuuan ng boundary, hindi ko lang talaga nagawang maglakwatsa dahil sa maaaring sabihin ng pamilya ni Leiryn

"UH!"-wika ko nang matapilok ako sa bato pero agad akong nasalo ni Reimer

Namula ako nang mapansing malapit ang mukha namin sa sa isa't isa.. Napansin siguro yun ni Reimer kaya muntik na kong mabitawan.. Huminga ako ng malalim.. Ang hirap huminga, ang bilis ng kabog ng dibdib ko.. Walang nagsalita sa amin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.. Napansin ko ang paligid , napakaganda at talagang moderno.. Totoong nakabangon na kami sa trahedya pero paano ang buhay sa labas? Kailan ba kami lalabas rito

"San mo gustong pumunta?"-Reimer pero di tumitingin sa akin

Namumula ang mga tainga niya

"Hmm.. Kahit saan, basta wag mo kong iiwan ha"-saad ko at bigla na lang iyong tinakpan

Bumuka ang bibig ko kahit wala akong iniisip na salita? Ano? Ang weird pero nagulat si Reimer sa nasabi ko

"Eh pano kung maglaho ako?"-Rei

Ano? Paano---

"Alam mo sa mundong ito may 3 taong nabubuhay, ang puppeteer, puppets at audience.. Saan ka kaya nabibilang? Hindi mo magagawang maglaho dahil alam kong parte ka ng tatlo at di matatapos ang palabas nang nawawala ang isa"-dire-diretso kong usal

Napahinto sa paglalakad si Reimer at tumingin sa paligid, kitang-kita ang gulat at takot sa kanyang mga mata.. May mali sa akin, ano ba ito? Nanlabo ang paningin ko at tanging puti na lang ang nakita ko

THIRD PERSON'S POV

Kinokontrol si Rica ng isang babae, napansin iyon ni Reimer dahil sa mga sagot nito

"Mahal ko, bakit tila nabagabag ka? Inuusig ka ba ng konsensya mo? Hahaha!"-isang bulong sa hangin na usal nito

Hindi iyon pinansin ni Reimer at nagtanong pa subalit nagpatuloy ang hipnotismo na di nalalaman ni Rica

"May naaalala ka na ba? Alin ka doon, Reimer? Sabihin mo mahal ko at handa akong lumaban sa tabi mo KUNG alam mo ang iyong uri"-dagdag pa nito

Hindi kinaya ni Rica ang sobrang kapangyarihang dumaloy sa kanya kaya't nawalan ito ng malay.. Nagpatuloy ang tawa ng babae, walang nagawa si Reimer kundi buhatin si Rica at hayaan na magwagi ang boses.. Bumalik ang malay ni Rica nang mawala ang presensya ng babae

"Anong nangyari?"-Rica

Umiwas ng tingin si Reimer at gumawa ng pekeng ngiti upang makapagsinungaling ito

"Nakasakay tayo dun sa sasakyan, nakatulog ka eh"-Reimer

Napakamot ito sa ulo at napatingin sa bilihan ng motor.. Hinila nya si Rica

"Di ba gusto mong makita ang kabuuan nito? Tara!"-Rei

Pumunta sila roon at bumili ng isa

"Anlaki naman ng baon mo"-Rica

"Kami ang may-ari nito"-Reimer

"Oo nga pala, kung tutuusin kayo ang pinakanakakataas.. Kaano-ano mo nga pala si Leiryn"-Rica

"Wala"-Rei

"Ang rare ng apelyido niyo tapos malayong kamag-anak?"-Rica

Hindi sumagot si Reimer dahil sa isip nito dalawa na lang ang lahi ng Cortelius at dapat pang maglaho ang isa.. Sumakay na sila sa motor at nagsimula nang gumala sa kabuuang boundary at inabot na sila ng hapon wala pa sila sa kalahati

"Rei! Thanks! Nag-enjoy ako promise"-saad ni Rica

Isang totoong ngiti ang nakita sa mukha ni Reimer

"Walang anuman.. Ang mahalaga maging masaya ka"-Reimer

Biglang tumunog ang cellphone ni Reimer at daglian niya iyong sinagot.. Humingi siya ng tawad kay Rica at lumayo ng bahagya

"Mahal ko.."-isang tinig ng babae kanina ang nasa kabilang linya

"Tigilan mo na ako.. Matagal ka nang nabura sa mundo!"-nanggagalait ing saad nito

"Dahil ba ikaw ang pumatay sa akin kaya ka nakakasiguro?"- nawala ang lambing sa boses nito

"OO! KAYA MAGLAHO KA NA"-Reimer

Humalakhak ang nasa kabilang linya na tila ba wala lang ang sinabi ni Reimer

"Ang rude mo naman mahal ko.. Hindi lahat ng naglalaho totoong naglaho, parte ako ng palabas hindi ba? Ang kwento'y nagsisimula pa lamang at ito'y isang pagpapakilala kaya huwag ka munang mapikon wala pa nga ang istorya sa kalagitnaan! Mag-ingat ka, hindi mo kayang protektahan ang dalawa.. Magtiwala ka ma'y asahan mong ika'y malililo"-wika ng tinig at nawala na ito sa linya

Muling tumawag ang numero

"Mahirap mawalan nang nasunog na katawan kaya't ibato mo na ang iyong cellphone! 3.. 2.."-babae sa linya

Agad binato ni Reimer ang cellphone at nabasag, natanggal rin ang baterya nito ngunit muling umilaw

"1.. Hahaha biro lang"-babae sa kabilang linya

Lilimutin sana muli iyon ni Rica pero pinigilan ito ni Reimer

"OOPS! Tama pala! BOOM!"-wika ng babae at sumabog ito

"Hala!"-Rica

"Napindot ko ang self-destruct.. Hayaan mo na"-Reimer

Bumalik na ito sa Campus at doon naghihintay ang mga kaibigan ni Rica

"UYY! NAGDATE SILA!"-Jhyzz

"Wala pa ring Forever"-Shena

"Anong status?"-Geil

Tumingin si Reimer kay Jessa at tinitigan siya nito na parang alam niya ang nangyari.. Kinagabihan, sumadya si Jessa sa RCG10 floor.. Nalungkot ito habang naglalakad sa hall dahil doon nagsimula ang lahat.. Ang boundary ay kalahati ng hindi pa tuluyang gumuho na bayan ng Moon Light Kingdom.. Doon niya unang nakilala si Leiryn, para bang ibinabalik siya nito sa nakaraan.. Hinabol nito si Leiryn na pumasok sa isang kwarto subalit nang buksan nito ang pinto ay walang Leiryn na bumubulaga at hahagalpak ng tawa kapag nakita ang reaksyon niya.. Pumatak ang kanina pa nitong pinipigil na luha

"Marunong palang umiyak ang tulad mo?"-Reimer

"Kung marunong kang magmahal, marunong rin akong masaktan.. Nagsalita na siya?"-Jessa at pinunasan ang kaniyang luha

"Oo, pero hindi siya ang nasa likod nito"-Rei

"Kilala ko pero hindi ko nais sumira ng sopresa, pero may sasabihin ako.. Kating-kati na ang dila ko tungkol rito.."-Jessa

"Ano ito?"-Rei

"Mamamatay si Rica isang maling hakbang mo lang"-Jessa at pinaglaho ang sarili

Natahimik si Reimer sa isiniwalat ni Jessa at bigla nitong naalala ang babae sa kabilang linya maging ang sinabi ng kanyang guro noong una

"Mahal na prinsipe iyo sanang pakatandaan, kung may takot at pangamba bumabagabag sa isang kaharian malapit na ito sa tiyak na pagbagsak"-guro

"3 uri ng tao sa isang palabas? Alin nga ba ako roon? Teka? Ako ang susunod na hari ng bagong mundo kaya't kaya kong manipulahin ang lahat maging ang kapatid ko pa.. Wala akong ikinatatakot pagkat ang babae kanina'y tiyak na manloloko.. Hangga't ligtas ang aking Sei, wala akong dapat ipangamba.. Masyado na kong malakas bago matalo ng iba.. Kahit ang mga Mahikans pa ang lumaban sa akin"-anito sa sarili

"Ipagpatuloy mo lang ang pagtanggal sa mga agam-agam mo anak ko, subalit kahit anong iyong gawin di mo pa rin mababago ang nakatadhanang mangyari.. Hangad ko ang katahimikan sa mundong ito kahit kapalit nito'y digmaan.. Sisiguraduhin kong magaganap ang dapat na mangyari at wala ritong makakapigil kahit ikaw pa.." saad ng boses

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon