Chapter 21: Healing

5 1 0
                                        

RAVEN'S POV

Nang makita ko si Leiryn sa sahig na duguan, di ko malaman ang gagawin ko.. Tao pa rin siya.. Hindi pa sapat yung ilang araw na pagsasalin... Hindi pa tumitigas ang balat niya at di pa rin iyon malamig kaya hindi pa siya ganap na bampira.. Agad ko siyang binuhat at di ko alam ang gagawin ko.. Hindi pa ako nakakakain.. Lumabas ako sa HQ at nagsimula nang maghanap ng paraan.. Hindi ako pwedeng bumalik at kumain ng tauhan ko.. Malaking kaso yin sa konseho at malalaman ang identidad ko... Sa lalim ng pag-iisip ko di ko namalayan na nakalayo na pala kami, nakakita ako roon ng isang sasakyan.. May matandang mag-asawa sa loob.. Marahil ay nagbabyahe ang mga ito.. Ipagpatawad niyo kung maaga niyong lilisanin ang mundo.. Hinarang ko ang sarili ko sa sasakyan...

"Arven?? Ikaw ba yan??"-wika ng matandang lalaki

Napatunghay ako roon.. 

"Kuya??"-ako

"Cecile!!! Si Arven!!"-tuwang-tuwa ng usal niyon sa kapatid

Ang pamilya Cenon... Sina kuya Noel at ate Cecile ay mga apo sa tuhod ng matandang tumulong sa akin sa Mahi kingdom.. Ibig sabihin...

"Uuwi ka na ba sa atin??"-Kuya

"Hindi.. Anong nangyari sa babae??"-Ate

"Naku!! Halika't gamutin natin... Neri Mahi... H---"- Kuya

"Sandali... Arven, bampira rin ba iyang babae??"-Ate

Tumango ako bilang sagot... Humihina na ang spirit ni Leiryn...

"Mayroon kaming tatlong manok sa likod na sasakyan.. Bagaman kaunti ay gamitin mo na ang kanilang dugo upang kahit papaano'y bumalik ang enerhiya ng kasama mo.."-Ate

Agad kong sinunod ang kanyang utos at umakyat sa likuran.. Ininom ko lahat ng dugo ng 3 manok at saka hiniwaan ang pulsuhan ko.. Ipinatak ko mula roon ang dugo ko at idinikit sa labi ni Leiryn

"Kagaya na naman ito ng dati Lei, wag kang bibitaw ha... Kulang pa ang 200 taon na magkasama tayo.. Hindi pa iyon sapat.."-ako

Huminto ang sasakyan at pinababa kami ng mga sundalo.. Doon ko lang naalala ang mapa papunta sa dapat ay lugar ng pagpapalawak... ng lugar na iyon ay Mahi Kingdom... Bw**et ka talaga kapatid ko.. Masyado mo yatang minamadali ang kamatayan mo... Nanggagalaiti kong bulong

"Kayo riyan sa likod.. Bumaba kayo.."-utos ng isa sa kanila

Agad kong pinagaling ang sugat ko at pinunasan ang labi ni Leiryn saka ito binuhat.. Mabuti na lamang at hindi niya suot ang uniporme namin sa militar...

"Arven Cenon.."-wika ko

"Arven??"-tanong nito sa akin

"Oo bakit??"-ako

"Ang babae?"-isa pang sundalo

"Neiry, asawa niya.."- sabat ni Ate

"Bakit ngayon lang namin narinig ang pangalan iyon?"-wika naman nung isa pa

"Mag-asawa sila sa kalagitnaan nakatira.. Hindi sila naabutan ng tulong kaya't palipat-lipat ng tahanan.. Naawa kami kaya dinala
namin sila"-saad ni kuya

"Ganun ba??"-sundalo

"Sandali.. Nagpadala ako ng mensahe sa hari"-isa sa mga sundalo

"Nais makausap ng hari ang dalwang dayo.."-sundalo

Kita ang takot sa mga mata nina ate at kuya pero tinapik ko lang ang mga ito.. Sumakay na sila ng sasakyan samantalang kami nama'y pinasakay sa ibang sasakyan..

"Kay tagal kayong hinintay ng hari,"- saad ng sundalo

"Ano??"-ako

"100 at kalahating taon na rin ang nakakalipas ng bisitahin ko siya para sabihin ang magaganap.. Hindi siya makapaghintay na ginamit niya pa talaga ang setro ng imortalidad upang mabati kayo sa inyong pagdating"-sagot nito

"Kamusta!! Raven Cortelius.. Ayy.. Arven Cenon na nga pala dahil ikaw ang itinakwil na Cortelius.. Tama ba?? Ako si Harem.."-nakangising  saad nito

Nagulat ako sa pangalang iwinika niya

"Harem, the guardian of time and dimension.."- wika ko

Muli itong ngumiti..

"Masuswerte kayo't ako ang nasa tarangkahan ngayon... Hahaha"-Harem

"Bakit?? Papatayin ba kami ng mga sundalo??"-ako

"Hindi ba nasabi ni Leiryn?? Sa bagay imposible sa walang malay.. May spell ang tarangkahan na di nakikita ng sinuman.. Proteksiyon ito sa mga taga kabilang palasyo.."-Harem

"Hindi ba ikaw ang bagong guro sa CMAU??"-ako

"Pero ako ay isang spy.. Mata ako ng Mahi sa loob ng Cortelius Moon... Ang saya nga ng trabaho ko.. Mas lalo akong naging interesado.."-Harem

Biglang huminto ang sasakyan at mula roo'y lumabas na kami, nakita ko ang isang lalaki na naghihintay sa may tarangkahan ng palasyo..

"Ri-Ryn!!!!!"-sigaw nito at dali-daling tumakbo papunta sa amin

"Siya ang hari ng Mahi Kingdom.. Ang pinsan ni Leiryn"-Harem

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon