Rica's POV
8 years ago
"Bakit ngayon ka lang? "- mama
"Trabaho.."- maikling wika ni papa
"Trabaho o babae? Kilala kita Conrad!"- mama
"Wag mo kong simulan Arci! Pagod ako!"- pagbulyaw ni papa
"Hindi pa ko tapos sayo!"- mama
Tinabing ni papa ang paghawak ni mama sa braso niya at bago pa ito makaakyat sa hagdanang aking kinalulugaran, agad akong tumakbo pabalik sa kwarto..
" CONRAAADDD!!"- sigaw ni mama na biglang nagpalabas sa amin ni papa..
Bumaba kaagad kami ni papa dahil baka isisilang na nito ang aking nakababatang kapatid na lalaki..
" ARGGHHH!"- impit na sigaw nito habang hawak ang kanyang tiyan..
Napaluha ako sa aking nakita, si mama, lumuluha ng dugo at maging ang mga binti nito'y may dumadaloy na dugo.. Nang lumapit si papa kay mama bigla nalamang itong nagsuka ng dugo at maging mga tainga nito may tumutulong dugo.. Umakyat ako sa taas at nagtago sa kabinet habang humahagulgol.. Ano bang nangyayari? Bigla akong nakarinig ng bumukas na pintuan, agad akong lumabas ng kabinet at isang bata ang bumuluga sa akin.. Isang batang bulag.. May itim na buhok at maamong mukha, batang babae na tila isang anghel sa puti nitong damit..
"Jessa? Ikaw ba yan? Umiiyak ka na naman?"-bata
"Younglady, hindi po ko umiiyak.."- wika ng isa pang batang babaeng may scarlet na buhok at dark blue na mga mata.. Umikab pa ito at saka ako napansin..
"Xera! May nakaligtas rito! Tulungan natin siya at magsagawa ng test"- wika ng Jessa at pumasok ang isang babaeng kaidaran nila mama at binuhat ako.. Sa sobrang pagod dala ng pag-iyak, tuluyan na akong nawalan ng malay..
PRESENT
" RIC! Rica! Ric! Rica!! Wake up!! Malelate na tayo!!!"- sigaw ni Leiryn sa tainga ko..
" Maaga pa!!!"- ako
" Makikita na tayo mamaya ng mga student di ko na naman makikita ang loob ng RCG10 floor.. Di ka ba nakucurious kung bakit ipinagbabawal ang floor na yun??"- siya
" HINDI!! Leiryn, pagbawal bawal... Tulog na lang tayo..."- ako at babalik na sana sa pagtulog nang...
" May SUNOG!!!!!!!"- sigaw ni Leiryn
Napabalikwas ako ng bangon sa sigaw niyang yun....
" Okay!! Bangon na at maligo!! Ayokong malate!!"- wika niya at lumabas na ng kwarto.
Ngayon ko lang napansin, nakauniform na siya??? 8 pa naman ang klase tapos 5 palang... T_T Gusto ko pang matulog... Bumangon na ako at...
BOOOGHSSSHHH!!!!
" LEIRYN!!!"- sigaw ko...
" And now she is really awake!!!"- Leiryn at narinig ko ang mga yabag niyang tumatakbo palayo sa pintuan ng kwarto ko...
Paano ba naman ang magaling na si Leiryn, iniwanan ang mga libro ko sa sahig, take note magkakapatong pa, tig dadalawa at nakalinya.. -_- Hindi ba yun sinadya??? Ngayon nakikita ko ang pintuan ng Dreamland papalayo sa akin..Nooooooo!!!! T_T
" Alam mo bang masarap maglakad tuwing umaga??"- daldal ni Leiryn
Hayy... Sa ingay niya nakalimutan ko nang magpakilala... Ako nga pala si Rica Collantes... 15 years old... Grade 10, nakatira sa bahay nina Leiryn Cortelius... Ang pamilya niya ang nag-ampon sa akin... Matapos ang kaso ng Imperil Virus, walang sinuman ang nangangahas na lumabas sa takot na may natitira pang living cell ang virus at mahawaan sila... Takot mamatay sa madaling salita... Anong itsura ko?? Simple.. May kagandahan at sure namang kahit papaano may ipaglalaban... Matangkad ng konti sa akin si Leiryn pero sabi nga nila.. Cute ang height ko... Joke... Andito kami sa loob ng CMAU, naglalakbay este naglalakad pala sa corridor.. Ganito kasi yun... May 2 building na magkaugnay.. Twin Building ang tawag, ngayon ang building sa right, hindi pwedeng pumasok kase nga siya ang forbidden floor, ang RCG10 na kahit ang pangalang iyo'y kinatatakutan... Ewan ko kung ano ang nangyayari sa pumapasok pero sabi karumaldumal... Well, sa 3 years ko sa high department hanggang ngayon di parin kami bumababa ni Leiryn dun kahit nag-iimbestiga kami... Kapag tinatanong ko siya kung bakit kailangang imbestigahan, sagot niya, tamad na raw siya sa paglalakad sa bridge na kehaba haba kaya kailangang matapos na ang haka-haka tungkol sa...
"Aaaahhhh!!!"- sigaw ko
" Ric?? Rica!! Ric!!"- sigaw ni Leiryn
-_- Bastusan!! Itulak ba naman ako sa hagdan??? Aray ha!!! Mababaw lang ang pinaghulugan ko pero masakit pa rin noh!! Napalingat ako sa paligid... O-O Noo.. Don't tell me... Biglang humangin ng malakas kahit saradong sarado ang lugar at imposibleng pasukan ng hangin maliban kung sa may hagdan galing ang hangin pero... Pero.. Sa harap ko galing ehhh... Bigla akong napalingon sa shadow na dumaan sa may bubong... Bigla akong nakarinig ng pigil na tawa ng isang babae at may sumipol sa tainga ko...
" Maglaro tayo!!"- bulong ng isang bata at muling impit na tumawa...
Nagtayuan ang mga balahibo ko at mas lalong lumakas ang tawa na parang galing sa lahat ng sulok ng floor na iyon... Nagpatuloy ang mga shadow sa pagtakbo sa iba't ibang direksiyon.... Ito nga.. Ang RCG10 floor..
" Hahahahaha!! Magtago ka na!!"- muling wika ng batang babae
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alam nyo na ang past ng ating bida.. Sino kaya ang kanyang nakita sa ipinagbabawal na floor???
![](https://img.wattpad.com/cover/94493209-288-k292633.jpg)
BINABASA MO ANG
RCG10
FantasyWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...