Leiryn's POV
Ngayon na ang nakatakdang oras.. Napalingon ako sa singsing sa aking daliri at hinawakan iyon sabay bumulong
"Nou Mahi.. Destroy.. Give me the power.. Unseal the chain.. Break the bond.. Before DEATH comes"
Tumayo ako sa kama at binuksan ang bintana.. Pakiramdam ko ang tagal ko nang nalayo sa CMAU.. Napahagikhik ako sa mga alaala ng pagsasama namin ni Rica.. Ang pagiging clumsy niya at pagiging abusado ko.. Tanaw ko din dito ang lugar kung saan tinapos ko ang koneksiyon namin pero hindi ko kayang iwan siya sa labas ng boundary kaya naglaho ang mga pader na itinayo ko para hindi siya maramdaman..
"Naging makasarili ako.. Ano sa palagay mo Cari?" saad ko at lumingon sa aking likuran
"Yo!! Naalala mo pa ako? It's an honor para sa long lost princess ng Mahi at dakilang sunud-sunuran ng anak ko" Nakangising wika niya
"Hindi ka man lang marunong tumanaw ng utang na loob.. Hindi ba ako ang dahilan kung bakit narito sa kinatatayuan niya si Reimer?? Hindi ba ikaw rin ang dahilan kung bakit kailangang magtago ni Reimer sa coffin?? Ikaw ang may kasalanan sa pagbagsak ng Moonlight Kingdom.. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang kapayapaan kaya ikaw rin ang may kasalanan kung bakit nagsisimula na naman ang digmaan" bulyaw ko
Humalakhak siya na para bang iyon na ang huli niyang tawa.. Humahalakhak siya na parang dadalhin na siya nito sa kamatayan
"Paano mo nalaman?? Saan ka nakakuha ng impormasyon??"- Cari
"300 taon na ang nakakalipas.. Lumapit ka sa akin.. Akala ko ay mabuti ang iyong hangad pagkat si Reimer ay iyong anak.. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal ni Raven.. Inutusan mo si Reimer na patayin si Leiryn.. Inutusan mo siya para hindi mawalan ng lugar sa trono ang anak mo.. Ang anak mong hindi karapat-dapat!!" nanggagalaiti kong wika
Huminto siya sa pagtawa at lumingon sa akin..
" Paano mo nalaman lahat ng ito?" itim na aura ang bumalot sa paligid namin at dumidiin ang pagkakahawak niya sa aking braso
"Ang seal of truth.. Hinawakan ko iyon.. Doon ko napagtugma-tugma ang mga bagay-bagay! Pati na rin ang mga butas sa kasinungalingan mo noon.. Ang pagsasabing namatay ka sa kulungan matapos kang gahasain ng dating hari?? O di naman kaya'y ang pagpapatay sayo ni Geonevere dahil sa iyong ginawang pag-ahas sa kanyang asawa.. Hindi ka namatay Cari! Isinumpa ka ng Ring of Wisdom.. Makuha mo man ang katawan ni Rica wala kang mapagtatagumpayan" seryoso kong saad sa kanya
Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga bagay na nabanggit ko
" May alam ka sa sumpa?? Paano?!? IKAW na BRUHA!! Aahhhh!! Tama naa!! Huwag kang mag-isipppl!! AAAAhhh!!" sigaw niya
" Nalaman ko rin na may kahinaan ka... Ang salitang may sumpa.. Ang papatay sayo... Nais mo bang ibulong ko??" nakangisi kong wika
" Hindi imposible.. Hindi ako naniniwala pagkat isa ka ring sinungaling..
" Cari, Ise kowes onesher.. Breus diun" bulong ko sa kanya at dumiretso palabas ng kwarto
(Ise kowes onesher.. Breus diun- I know your secret. Rest in Peace..)
"Magaling.. Magaling... Mas lalo akong natutuwa sayo Ry-Ryn.." rinig kong bulong ni Cynod sa isang bahagi ng utak ko
Napangisi ako.. Kung gayon nagsisimula na nga.. Nagsisimula na ang paglukob ng dilim sa buong pagkatao ko.. Patawarin mo ko Cari.. Kailangan mong magalit sa iyong matalik na kaibigan.. Kailangan kitang magalit para hindi ka magdalwang isip na patayin ako.. Patayin si Leila..
BINABASA MO ANG
RCG10
FantasíaWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...