RICA'S POV
Wala ako sa mood na makipag-usap o kung ano pa man.. Patuloy lang ako sa paglalakad dahil maaga akong bumangon at kasalukuyang naglalakwatsa sa hallway.. Napalingon ako sa pintuan ng RCG10 floor ang dating kinatatakutan kong lugar pero ngayo'y paulit-ulit kong pinapasok dahil kay Reimer na parang ginawa akong alarm clock..
"Rei----"
Naputol ang sasabihin ko nang may mabilis na anino ang naglalaro sa mga pader ng RCG10 floor..
"Anong ginagawa mo rito?"- saad ng babaeng kulay gold ang buhok na nasa harapan ko
"Hindi ka ba natatakot sa mga penalty mo??"- nakangising usal ng babaeng green ang buhok
"Dealing business is really my life.. So?? Pano natin siya paghahatian??"- Wealth
"Huwag nyong balaking galawin si Sei o kayo na mismo ang hahatiin ko sa pira-piraso"-madilim na aura ang bumalot sa likuran ko
Nanindig ang balahibo ko at napaatras sila sa lokasyon ko
"Sabi sa inyo hindi nyo dapat pakialamanan si Rica"- Jerome
"Jerome?!?"- gulantang kong saad
"Wala ako sa mood para maging si Shade.. Hindi ba halata Ric?? Sa palagay mo dapat na ba akong tumili??"- Nakasmirk na saad niya
"Jerome!! Bakit di ka nagmaskara!?!"- galit na usal ni Fame
"It's no use.. Parte na ng gulong ito si Rica.. Kung ganoon naisip mo rin pala ang nasa isip ko Jerome"- saad ni Audi at unti-unting tinanggal ang maskara
"Pau?!?"- nakanganga pa rin ako dahil sa mga nakikita ko
Isa-isa nilang tinanggal ang mga maskara nila at nakita ko ang mga mukha ng kaibigan ko sa likod ng maskara.. Totoo ngang ordinaryong tao lang ang panlabas na anyo nila.. Pero hindi ako makapaniwalang sila ang mga kaibigan ko..
"Ohh.. Kung gayon nagpakilala na ang WALANG SILBING grupo??"- usal ng isang lalaki sa dilim at pumapalakpak
"Tito.."-malamig na usal ni Reimer
Kitang-kita ang panlilisik ng mga mata ng mga kaibigan ko sa lalaki sa dilim dahil sa pang-iinsulto nito sa kanila.. Humalakhak ito at nagsimulang lumabas ang isang babae
"Hi Ric.."- wika ni Jessa
"Traydor ka Jessa!! Bakit nasa panig ka ng lalaking yan!!"- galit na wika ni Jhyz
"Dapat na ba akong matakot??"- Jessa
"You are breaking the rules Jess.. Wanna punish you??"- walang emosyong usal ni Pau na mababakas mo pa rin ang pagkairita
Muling humalakhak ang lalaki sa likuran ni Jessa
"Tito Servion.. Tama na.."- nakakuyom ang kamao ni Reimer
"Gagawin mo na ba siyang bampira?? Nais kong makita.. "- saad nito
Lumabas na sa kadiliman ang lalaki at doon ko napagtanto ang mukha nito.. Ang lalaking inililink namin kay Jessa.. Si Servy...
"O maaari bang ako na lang ang gumawa??" patuloy niya
Nanindig ang balahibo ko nang mapagtantong siya'y nasa aking likuran at ang kanyang ulo ay malapit na sa aking leeg.. Damang-dama ko ang kanyang malamig na balat na dumampi sa akin batok na para bang inilalapit pa ako sa mga pangil nitong ngayo'y nakalabas na.. Biglang sumugod si Reimer at itinulak ang kanyang tiyo.. Humagalpak sa katatawa ang lalaki samantalang ako nama'y itinago ni Reimer sa kanyang likuran.. Isang mabalahibo namang bagay ang umikot sa aking mga braso..
" Pasensya na mahinang bampira.. Hihiramin ko lang ang nagpapaligaya kay Master.. Hindi ko nga lang maipapangako kung- - -"
Naputol ang sasabihin ni Jessa ng patalsikin siya ni Pau
"Don't dare or you'll die, Darling"- nakangising usal ni Pau
Dahan-dahang tumayo si Jessa sa pagkakaupo at isang mapaglarong ngiti ang iginawad niya sa amin..
"Audi.. Sa aking palagay iyon na ang pinakamalakas na magagawa mo.. Hindi ba kaya't si Geila ang nagsasagawa ng pagpatay kase kasinghina mo ang mga laptop mo!"- buong diing wika ni Jessa
"Nagkakamali ka.. Jess.. Hindi mo nga talagang kilala ang twin assassin.."- saad ni Geila
"Hindi ko lang kasi lubos isiping papatay ako ng mga taong kasinghina ng toothpick"-nakayukong usal nito
Isang nakakatakot na aura ang lumabas kay Pau di man kasing taas ng tensiyon sa aura ni Reimer subalit masasabi kong napakalakas rin nito.. Nangilabot ako sa ngiting ipinakita ni Pau
"Wanna try me Darling! I'll teach you how to audit your ego! B***h!"- wika ni Pau at naglaho na..
Tumakbo si Jessa palayo.. Nakita kong nagliwanag ang siyam nitong buntot bago pa tuluyang maglaho sa kadiliman..
"Sino ba talaga kayo??"- walang kamalay-malay kong inusal.
LEIRYN'S POV
"Ryn.. Uuwi na tayo..!,"- seryosong wika ni Arv
Bigla akong napatango at sumunod na lamang sa kanya.. Nais ko pa sanang magtagal sa Mahi Kingdom subalit alam kong malapit na ang oras.. Kasalukuyang takipsilim na at kitang-kita ko ang lilang ulap sa kalangitan.. Kadiliman sa ganitong oras?? Marahil ay maging ang langit ay nakikiramay sa nalalapit na katapusan.. Nang makapasok kami sa tarangkahan ng CMD, agad akong nagtungo sa CMAU.. Hinanap ko roon si Rica at nang akmang yayakapin ko ito, isang babae ang hinawakan ang aking mga kamay at parang hinigop lahat ng lakas ko.. Tumulo ang aking mga luha sa pangungulila at biglang nawalan ng malay.. Subalit nakita ko ang pagtataka sa mukha ng aking kaibigan na para bang ibang tao ako sa kanyang paningin.
"Hindi ka na muna lalabas dito.. Sisirain mo ang plano natin.. Huwag ka munang magpapakita sa kanya.. Sa oras na palabasin kita sa kwartong ito.. Huwag na huwag mong aalisin ang paningin mo sa kanya.. Oras na para bawiin ko ang dapat na sa akin pagkat hindi karapat-dapat ang kapatid kong pumaslang sa akin.. Tama na ang pananahimik ngayon, si Raven Cortelius na ay magbabalik.."-saad niya
Alam kong may problema si Arven pero di ko tiyak kung ano.. May gumugulo sa kanyang isipan at di niya iyon gusto.. Tumayo ako sa aking hinihigaan at niyakap siya..
"Huwag kang mag-alala.. Hinding-hindi ako mawawala.."- usal ko
"Sana tupdin mo ang iyong naturan..."- wika niya at niyakap ako pabalik..
Biglang kumirot ang aking dibdib na para bang pinagsisisihan ko na nangako ako ng ganito sa kanya.. Ano nga ba ang nakatakda?? Hawak ko ang Ring of Destiny pero ang nalalapit na digmaan, napakalabo.. Napakahirap nitong basahin.. 10 taon na rin ang nakakalipas nang ipakita nito ang tungkol sa digmaan subalit nagkakagulo ang mga pangyayari sa kahuli-hulihan.. Hindi ko mabatid kung sino ang babaeng mamamatay sa huli.. Maging ang buhay matapos iyon.. Dahil roon tila ba kinakabahan na ako subalit hindi ko matanggihan ang mga mata ni Arven.. Isang mata na punung-puno ng tapang at tiwalang may pag-asa sa magaganap na pagbabago.. Hindi ko alam kung bakit subalit bigla na lamang akong naiyak at nakatulog sa mga bisig ng taong nagpapatibok at nagpapanatili ng buhay ko..
"Ryn?? Mukha yatang mahimbing kang natutulog.. May nais sana akong ibigay sayo subalit baka tanggihan mo kaya sana'y huwag mo itong itapon.. Ayokong maniwala kay Harem tungkol sa iyong kamatayan pero wala nang dahilan ang pananatili ko sa loob ng ilan pang daang taon kung hindi ikaw ang kasama ko.. Tanggapin mo itong singsing na nagpapatunay ng pagmamahal ko sayo.. S**t lang! Nagiging corny ako dito.. Dapat cool ka lang Arven.. Tulog ang pinakamamahal mo.. "-usal nito at mahinang tumawa
"Intindihin mo sana ako kung tila nababaliw na ako.. Dala lamang ito ng sobrang pagmamahal ko sayo.. Ang singsing na ito ay konektado sa buhay ko.. Sa oras na tanggalin ito ng nagmamay-ari.. Mamamatay ang isa pang taong may hawak ng isa.. Kaya kung saka-sakaling maglaho ka at liparin ng hangin ang iyong abo.. Asahan mo mahal.. Ako'y susunod sa iyo.. Leiryn.. Mahal na mahal kita.. Wag mo kong iwang luhaan pagkat minsan mo nang dinurog ang puso ko huwag naman sanang pati ikaw na buhay ko.."- patuloy nito saka isinuot ang singsing at tuluyan na akong nawalan ng malay..
"Hindi ako mawawala pagkat mananatili lamang ako sayo.. Sa puso mo.." yan lamang ang nais kong sa kanya'y isagot subalit ubos na ang lakas ko para makapagsalita pa..

BINABASA MO ANG
RCG10
FantasyWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...