THIRD PERSON'S POV
"Nakakainis kang bruhildang manika! Masyado kang lumalapit sa pagmamay-ari ko!"-nanggagalaiting wika ng babae kanina na tumawag
"Tumahimik ka at magpatuloy sa pagmamatyag"-usal ng isang babaeng tila kaedaran ni Conrad
"Nakakainis kasi siya eh! Akin lang ang mahal ko! Akin lang si Reimer! Akin lang ang anak mo!"-sigaw na wika ng babaeng kasing-edaran ni Rica
"Kung ganun gumawa ka ng paraan para makuha ang para sa iyo"-sagot nito at pinaglaho ang sarili
"Masusunod ang iyong iniatas aking reyna.. Hahahaha! Humanda ka manika, dumating na ang araw ng iyong magandang panaginip.. Color asenu se!"-giit naman ng babae at isinuot ang maskara ng VP
(Color asenu se-Color hair now)Nag-echo ang tawa ng babae habang naglalaho na lingid sa kaalaman ng dalawang nakatakda na masayang nagkukwentuhan habang pabalik sa kanilang mga kwarto..
~~~~~
"HMMM..HMMM..HMMM"-h um ng isang babae na nagpagising kay Rica sa pagkakatulog
Bumangon ito at sinundan ang himig 3am palang ng umaga kaya't antok pa si Rica... Nagpatuloy ang awitin at huminto sa corridor ng school.. Wala sa wisyo si Rica kaya't di ito nakakaramdam ng takot
"Ric.. Rica.. Ric.. Hahaha! Halina't maglaro tayo! Hahaha"-ani ng babae
Tumayo ang balahibo ni Rica na nagpabalik sa lumipad na kaluluwa nito.. Napagtanto na kasi nitong wala pang tao sa kanilang eskwelahan at tanging siya lamang ang naroon
"Leche flan na walang tamis.. crying emoticon"-nausal ni Rica sa sarili
"Ano't ika'y natatakot? Ako'y nakikipaglaro lamang.."-saad ng babae na nagsimula nang umawit
"Oh aking manlalaro, huwag kang palililo
Ako'y abang mandaraya't panggulo simulan na ang ating palaro
Pinagmulang tinig iyong hanapin upang matapos ang guluhin
Halina't ako'y hanapin at palaisipa'y tapusin..Hmm.. Hmm..Hmmm.."-awit niyaDi malaman ni Rica kung san magsisimula kahit ito'y kanyang teritoryo.. Naglaho ang mga labasan maging mga bintanang maaaring labasan kaya't walang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa kanyang kagustuhan.. Nagsimula na siyang maglakad at inuna ang mga ground floor room,
"Wala ko riyan, hahaha.. Talasan iyong pandinig, may hindi ka nakikitang palatandaan.. Di ka mananalo sa takot kung wala kang lakas ng loob"-babae
Nakaakyat na si Rica sa 4th floor ngunit wala pa rin siyang nakikitang senyales na may tao.. Nanggagaling sa lahat ng sulok ang boses ng babae kaya't wala si Ricang alam upang masolusyonan ang lahat
"Tayo'y maglaro
Sabayan mo ako
Tumingin sa kanan at kaliwa, tingin sa ibaba at taas"-pagkanta niya paSumunod si Rica sa lahat ng iwinika nito
"Ngayo'y lumingon ka sa likod nang iyong makita ang kamatayan.."-babae
Lumingon si Rica sa harapan
"BOO!"-panggugulat ng babae
Itim ang buhok nito ngunit puti ang padulo, may maskara ito ng VP at gaya nang nakita ni Rica noon sa forbidden floor.. Nag-echo ang tawa nito na nagpapikit kay Rica na ngayo'y nagdadasal na panaginip lang lahat
"Natatakot ka na ba? Pero mas nakakatakot ang nakatakda, Rica.. Layuan mo na si Reimer bago ka pa mapahamak"-usal ng babae at sinakal si Rica
Nang malapit ng malagutan ng hininga si Rica isang kamay ang humigit sa kanya sa loob ng ilusyon
"S-Sino k-ka?"-huling usal ni Rica bago mawalan ng malay
Ngumiti ang lalaki nang masalo niya si Rica..
"Masyadong padalos-dalos ang babaeng yun.. Magpahinga ka lang mahal ko, kay tagal kong pinangarap na mahaplos muli ang iyong mukha"- usal ng lalaki at binuhat na si Rica
Nagsimula nang umawit ang lalaki nang madala na niya si Rica sa kama nito.. Nagliwanag ang kwintas sa kanyang dibdib sa inaawit ng lalaki
"Konti pang panahon, sisikapin kong lumayo ka sa kanya, mahal ko"-usal ng lalaki at naglaho na
~~~~
"Nasan ba kasi yun?"-Arven
"Anong hinahanap mo?"-maangas na tanong ni Conrad
"Karayom at sinulid nang manahimik ka na"-Arv
Nawawala ang maskara ni Leiryn, ito ang hinahanap ngayon ni Arven pagkat doon nakatago ang ilan sa mga spell na makakapigil sa pagkalat ng virus sa katawan ni Leiryn.. Noong nagkaroon ng Imperil Virus, ang mga tao na nainfect ay naging mga halimaw na gawa ng mga bampira.. Kung hindi kasi ang Council o ang mga progenitor ang magbibigay ng dugo sa mga tao, nagiging halimaw ito ngunit ang ibang hamak na bampirang nagutom ay mas malakas na halimaw kumpara sa eksperimento
"Tatawag ako ng nurse"-Conrad
"HINDI! TUMAHIMIK KA AT UMALIS!"-utos ni Arven na ginamitan ng hipnotismo na siyang ginawa ni Conrad
"Itong ayaw ko sa vampire spell kahit may kapangyarihan ka ng bampira, tao pa rin ang dugo mo kaya't maiinfect ka pa rin"-naiiritang wika ni Arven
"Mukang wala nang pagpipilian.."-anito at kinagat na sa leeg si Leiryn upang kunin ang dugo nito
Saktong nagmulat ang mata nito at unting nagbago ang kulay ng kanyang balat.. Nagkakaroon na rin ito ng sungay, hinawakan ni Arven ang dalwang kamay ni Leiryn para di ito makapalag hanggang sa maubos na nito ang lahat ng dugo.. Napahawak si Arven sa kanyang leeg dahil pinipilit ng virus na sakupin maging siya..
"Kailangang matapos na ito.. Argh!!"-nahihirapang usal ni Arven
RICA'S POV
Pagmulat ng mata ko nasa kwarto na ko, pero hindi ito ang kwarto namin ni Leiryn.. Kinapa ko ang katawan ko at baka may nawawala, ganun pa rin suot ko kaya okay na.. Huminga ko ng maluwag ng makita ko ang lalaking nagbibihis sa tapat ng kabinet.. Meron itong itim na buhok at maputing kutis.. Masasabi kong gwapo siya sa postura palang ng pangangatawan
"Enjoying the view?"-lalaki
Nag-init ang mukha ko at napatawa naman siya
"Nakita kita kagabi na nag-iisleep walk kaya binuhat na kita dito sa kwarto di ko kasi alam ang room mo.."-lalaki
"Sino ka?"-ako
"Ise sonito HJMT.. Harem Jimenez, Math Teacher.. Soremaru! Rica-sei, ise marisaru"-bati niya
"Huh?"-ako
Sorry hindi ako nag-aral ng buong sipag sa alien language
"Hindi ba Mari language yun? Mali ba grammar ko?"-confused nyang tanong
"Hehehe, sa palagay ko walang mali dun.. Tingin ko lang"-nahihiya kong wika
"I guess may masipag na bata rito ah"-siya
Alam nyo yung tipong para kang binato ng bato sa likurang ulo kahit wala naman talaga? Yun nangyari sa akin na nagpatawa sa kanya
"I said, I'm HJMT, Harem Jimenez, Math Teacher.. Good morning prinsesang tulog mantika"-siya at humagalpak ng tawa
Aray ko.. Kung di ka lang teacher nabatukan na kita at kung di mo lang ako nailigtas at utang na loob sa'yo baka natadyakan na kita.. crying emoticon nakakairita ang teacher na ito sarap saksakin sa lungs eh.. expressionless emoticon NAKAKAINIS! ARGH!! ITAPON SA BANGIN! ITAPON! KAIRITA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(Soremaru Rica-sei, ise marisaru-Good morning Prinsesa Rica, mahal ko) wahahaha di ba iniba niya? I love you Harem ikaw na! Wahahaha

BINABASA MO ANG
RCG10
FantasiWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...