Chapter 17:Forget

8 1 0
                                        

RICA'S POV

Hindi ako makapaniwala, nakita ko ang sarili ko sa isang tube at kung ano-ano ang ginagawa nila sa akin, halos di ko maalala ang mga sakit na dala nito. Si Leiryn, bakit 4 na taon palang ata siya pero kung umasal parang mas mataas pa ang ranggo niya sa kanila. Si Arven, kumpirmadong bampira siya samantalang si Jessa, isa sya sa mga doktor na pinag-eksperimentuha n ang katawan ko. Nagulat ako sa pagsigaw ni Ryn

"SOU MAHI.. DARKNESS"

Nagdilim ang paligid at halata ang takot sa mga mata nila liban nalang kay Jessa at si Arven na bitbit ang walang malay na ako

"INGCLUSE MAHI.. HYPNOTISM"-dagdag ni Ryn

"I, LEIRYN CORTELIUS COMMAND YOU TO DESTROY EVERYTHING IN THIS LABORATORY AND KILL YOURSELF IF YOU SINNED AGAINST MY ORDERS"-maatoridad niyang wika

Nasusunog na ang buong laboratoryo kasama ang mga doktor maliban kay mama

"Para sayo Rica, Ingcluse Mahi.. MEMORY"-saad ni Ryn at isinara na ang pinto

Nang makalabas ako, nagplay uli ang video

".. Baka di ka patulugin ng konsensya mo"-cold nyang wika

Napaluhod na ako sa huling mensahe ni Ryn.. Kasalanan ko ito, hindi ko dapat ginawa yun.. Malaki ang utang na loob ko kay Leiryn.. Sobra, siya ang nagbigay ng kalayaan ko.. Ang buong akala ko tapos na pero narinig ko ang pag-uusap nina Ryn

"Young lady.."-mama

"Arci, may ipapakiusap ako sayo"-Ryn

"Ano po yun? Kahit ano po para sa inyo"-mama

"Hindi para sa akin pero parang nagkagayon na rin.. Maaari bang ihanap mo ako ng karapat-dapat na mag-alaga kay Rica"-Ryn

"Kung inyong mararapatin maaari po bang ako na lang? Ako at ang aking matalik na kaibigan"-saad niya

"Mas gagaan ang aking pakiramdam kung saka-sakali.. Sige, Ric.. Rica.. Alam kong mabubura na ko sa iyong alaala matapos nito pero babantayan kita.. Mahalin mo ang pamilyang pinagkait sa akin.. Mag-ingat ka sa manyak na si Conrad"-nakarinig ako ng batok

"ARVEN! ARF! ARF KA! ARF!"-asar ni Ryn na nagpatawa sa kanila

"Wag ka ngang magbata-bataan.. Higit 100 ka na!"-Arv

"Na nasa 5 taong katawan.. Huwaaahh! Arci oh! Inaaway ako ng aso!"-Ryn at umiiyak

Tumawa na naman ang paligid at naglaho na ang mga boses

"Alam mo na?"-mama

Niyakap niya ko ng mahigpit at doon na ako nagsimulang umiyak.. Binigyan ako ng buhay ni Ryn, binigyan niya ko ng kalayaan at pamilya na di man totoo pero naranasan ko.. Pinatay ko ang taong pinagkakautangan ko ng buhay.. Hindi ko nga talagang kilala si Leiryn, hindi sapat na bampira lang siya, natagpuan niya ko nung 9 na taon palang ako dahil kilala na niya ako kahit nung 5 palang ako.. Hindi sapat na ipangalandakan kong kasalanan niya ang pagkawasak ng pamilya ko kahit di naman.. Hindi si Leiryn ang selfish sa simula palang.. Ako, ako ang selfish sa aming dalawa.. Bukod doon, narumihan ang kamay ko ng dugong dapat pinapasalamatan ko.. Pinatay ko ang taong nagmahal sa akin ng totoo.. 

"Pinatay ko siya!"-paulit-ulit kong usal

Pinapatahan ako ni mama pero di ko kayang kontrolin ang mga traydor kong luha.. Hindi, ako pala ang traydor dahil nanangis ang mga mata kong saksi sa kasalanan ko.. Dinala na ako ni mama sa aking kwarto nang mapakalma niya ko ng kaunti. Humiga ako sa kama ko at pakiramdam ko'y kahit ilang timba ang iiyak ko di pa rin magbabago ang nangyari. Hindi malilinis ng mga luha ang kasalanan ko, sa lalim at pagkawasak ng aking wisyo di ko namalayang ako'y nakatulog na pala

THIRD PERSON'S POV

Habang naiidlip si Rica pumasok sa loob ang isang lalaki. Hinawakan nito ang kanyang ulo na tila ba nababasa niya ang panaginip nito

"Master Servion"-malumanay na usal ni Jessa

Ngiti lang ang isinagot ni Servion sa kanya at bumalik na ulit ang tingin kay Rica

"Masyado nang marami ang nagpapagulo sa iyong isip, hayaan mong solusyonan ko ito"-Servion

"Ingcluse Mahi.. ERASE"-dagdag pa nito

"S-Sino?"-Jessa

"Hindi na masama kung babaguhin ko ang kwento, hindi na kailangan pang maalala ang awa ng nakaraan pagkat hadlang iyon sa kinabukasan.. Ang propesiya, hangga't maaari patatagalin ko pa"-nakangiting wika ni Servion

"Pero.."-Jessa

"Nakakatuwa talaga kapag nangingialam ka"-Servion

Namula noon si Jessa at lumabas ang kanyang tainga

"Hala!"-tuwang-tuwan g usal ni Servion at hinipo pa ang tainga ni Jessa na fox

"Master, tila natutuwa ka sa gumiho?"-wika ng bagong dating na babae

Tumikhim nalang si Jessa at tumabi

"Cari! Pinaunlakan mo ang aking imbitasyon? Nakakataba naman ng puso"-Servion

"Bakit hindi? Isang Servion Cortelius ba naman ang mag-imbita? Isang gwapo, mataas na ranggo at matipunong lalaki na nagpapatibok sa'king puso?"-Cari

"Hahaha, hindi ka pa rin nagbabago. Mapaglaro pa rin ang iyong salita"-Servion

"Wala namang epekto sa iyo na lubha kong kinalulungkot"-Cari

"Kung di mo mamasamain Master nais kong umalis"-Jessa

"Aalis ka na?"-malungkot na tanong ni Servion

Walang emosyong tumango si Jessa. Ngumisi naman si Cari at niyakap mula sa likod ni Servion. Hindi nagsalita si Jessa at naglaho na

"Anong iyong ipag-uutos?"-pag-iib a ni Cari sa usapan

"Too possessive Cari"-Servion

Napangisi na naman doon si Cari. Ramdam nya ang inis sa boses nito ngunit nakangiti pa rin ito

"Binura ko ang alaala ng liwanag sa dilim, nais kong ikaw ang ipalit. Magaling ka namang magpanggap hindi ba? Nagawa mo ngang utuin ang oras at dimensyon na si Harem ang katawan mo pa kaya?"-patuloy nito pero sa seryosong pananalita

"Kaluluwa lang ako"-Cari

"Hindi na masama sa isang dummy"-Servion

"Servion o di kaya Priest Councelor Servion Cortelius, ito ba'y patungkol na naman sa nakaraan? Ikaw ang kanang-kamay ni Haring Revouen ama ng dalwang prinsipeng ngayo'y nagpapatayan"-saad niya at tumawa

"Patungkol pa rin ba ang digmaan sa setro o sa aming makapangyarihan sa inyo?"-Cari

"Tampalasan! Isa ka lang hamak na mababang uri, pinili ka ng liwanag subalit ang puso mo'y balot ng kadiliman"-Servion

"Ha! Nakakatawang kapatid ka ng dating hari subalit alila ka ng dalwa nitong anak. Bumaba na ang iyong dignidad at ranggo"-Cari

"TAHIMIK! Hawak ko pa ang sinulid ng mga manika kaya nasa akin pa rin ang huling halakhak. Gawin mo ang utos ko dahil kapag natalo ka ng dilim ako ang unang halakhak na maririnig mo" -Servion

"Yan ang nagustuhan ko sayo Servion the Sera Orai. The Seraph of End, a demon with an angel's mask"-Cari

Naglaho bigla si Servion at natawa na lang si Cari

"Hindi ko pinaikot si Harem minahal ko siya pero dahil malabo para sa akin ang nakaraan at ginising ako sa aking himlayan marahil mabilis maglalaho ang aking alaala gaya mo Rica. Ang iyong buhay noon ay di mo na maalala pagkat sa tuwing bubuklat ang iyong liwanag binubura nito ang maaaring maging sanhi ng kamatayan at isa roo'y alaala. Maswerte ka kumpara sa ibang imortal pagkat nakakalimutan ka ng lahat at lilisan sila ng mundo ganun ka rin pagkat ang alaala mo sa kanila'y naglalaho. Ang iyong balikat ay magaan ang dalahin kumpara sa mga katulad ni Leiryn, napapaisip tuloy ako sino nga kayang masama sa amin ng dilim? Ang katawan nito o ang kaluluwa? Hindi ako masama kaya alam kong hugas na ang iyong kamay Rica. Hindi mo na kailangan pang lumuha pagkat ako na ang sasalo ng bigat nito sa iyong balikat. Ngumiti ka nalang habang may oras pa"-Cari

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon