LEIRYN'S POV
Nakaalis na ang sasakyan sa boundary gate, andito ako sa may likuran kasama ang ibang mga knight, sa grupo namin 8 lang ang babae kabilang ako at ang apat nito ay nasa kabilang sasakyan kasama si Arven
"Lieutenant, pede bang tumabi?"-wika ni Claire, isang baguhan
Tumango lang ako at umupo siya sa tabi ko.. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya, senyales na kinakabahan ito
"Kung magtatanong ka magsalita ka na, hindi ako kumakain ng tao, pumapatay lang"-saad ko
Nagulat siya sa inusal ko kaya naghalf-smile ako
"Hindi ako nasa posisyon kung takot akong pumatay at mamatay"-paglilinaw ko
Ngumiti sya at tila kumalma na
"Gusto ko pong malaman kung para kanino kayo lumalaban"-nag-aalan gan niya tanong
"Una, wag kang mag'po' dahil 16 lang ako. Pangalawa, lumalaban ako para mabuhay kaya hindi ako tumatanggap ng utang na loob. At huli, kung sa lider takot ka, makalabit mo pa kaya ang gatilyo kung kalaban mo na kaharap mo? Sundalo ka at pinili mo yan kaya maging matapang ka, para sa kanila"-ako
"Pasensya na po, ang sabi po kasi nila masungit kayo. Lieutenant, Koa neiru para sa Moon demon ang sinabi niyo noon pero iba ang sagot nyo ngayon"-Claire
"Hindi kasi porke sundalo laban para sa bayan ang gusto may sarili tayong dahilan kaya--"-naputol ang sinasabi ko dahil sa atungal ng isang halimaw
Huminto ang sasakyan pero sinabi kong magpatuloy, tumuntong ako sa harang at umakyat sa bubong ng sasakyan. Hinanda ko na ang aking espada at tumalon nang biglang may humigit sa kamay ko at yumakap sa akin
"Suicide fight?"-bulong ni Arven
Umirap ako at binitawan niya ako sa oras na iyon ay agad akong tumalon, malaki ang halimaw na iyon. Nang makita niya ako ay inihampas niya ang kamay niya, agad akong umakyat at tumakbo. Hahabol pa sana si Arven kaso di niya naabutan, hindi siya maaaring gumamit ng kapangyarihan. Nang marating ko ang batok
"Seal of death, blood of war. Prepare for judgement, I declare the punishment! Wreck!"-wika ko at sinaksak ang batok nito agad naging abo ang halimaw at sinalo ako ni Arv
"Too much for a masochist"-Arv
"We aren't ordinary"-bulong ko
Tumigil ang mga sasakyan namin
"Ang galing mo Lieutenant!"-saad ng Knights
Inakbayan ako ni Arven pero tinanggal ko rin ito agad
Paakyat na ako sa sasakyan nang mapahawak ako sa tainga ko sa sobrang lakas ng atungal ng apat pang kasamahan ng napatay ko. Agad nagsibabaan ang mga tao ko at hinanda ang sarili para umatake
"3rd unit humanda.. Fire! Puntirya--"-ako
"AAAAAAHH"-sigaw ni Claire
"Claire"-gulat kong usal
Mabilis akong tumakbo at hinila ang kamay nito bago pa tuluyang maisubo kaso
"LIEUTENANT"-huli kong narinig na wika ni Claire at tuluyan na akong nilamon ng halimaw
THIRD PERSON'S POV
Isang spy ang pinagbantay ni Reimer sa kalagayan ng dalawa
"Nilamon na ng halimaw si Lieutenant, ngayon ang pinagkasunduan natin.. Ang mag-ina ko"-lalaki
"Wag kang mag-alala, ligtas sila"-Reimer at pinatay ang tawag
"PAPA!"-sigaw ng bata
Inatake niya ang bata

BINABASA MO ANG
RCG10
FantezieWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...