RICA'S POV
Argh! Bakit di ako makatulog? Reimer, ano bang ginawa mo sa utak ko?
"Reimer, patulugin mo na ko! Please lang! S3nro! Argh!"-wika ko sarili
Biglang may naghahum na lalaki sa kwarto, nagtayuan ang balahibo ko at ipinikit ang mata ko.. Biglang nagflashback ang sinabi ni Shena kanina nang dumalaw sila
"Naku! Ric, mag-isa ka na nga pala ngayon dito! Mag-ingat ka ha, alam mo kasi sa room na ito may nagsuicide na lalaki.. Dahil dun minsan may naririnig na naghahum ng lullaby na lalaki na parang pinapatulog ang babae pero ang katabi nito nang maglaslas ay ang litrato ng ex nya.. Hala ka! Hahaha"-Shena
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko.. Hinihele niya ko at pinapatulog pero di ko magawa! Ikaw kaya patulugin ng multo.. Tumigil na ang kanta pero andun pa rin siya
"Mahal na mahal kita.. Wag mo kong iwan"-bulong nito at tumayo na
Nakapikit pa rin ako at ilang minuto pagkatapos, tumakbo ako palabas ng kwarto, saktong bukas rin ng pinto ng kwarto nina Shena.. Naiyak na ako pero bigla niyang sinarado ang pinto.. Oo, Sheen! Tunay kang kaibigan
"Rica?"-boses ng lalaki
Napalingon ako sa likod at nakita si Reimer
"Bakit ka na naman umiiyak?"-Reimer
"May mumu.. crying emoticon"-ako
"Mumu?"-nakangiti niyang tanong
"May multo sa kwarto"-sigaw ko
Bumukas ang kwarto nina Pau
"SSHH!"-sita ni Pau at sinara ang pinto
Natawa si Reimer sa nangyari kaya sinimangutan ko siya
"Okay, sasamahan kita sa kwarto mo then pag tulog ka na, aalis na ako"-Reimer at inalalayan akong tumayo
Doon ko lang narealize na di na masakit paa ko.. Pumasok na ko sa kwarto at humiga sa kama, siya naman umupo sa tabi ko at sumandal sa pader.. Pinikit ko na ang mata ko at nagulat ako kasi naghum siya ng lullaby na kapareho ng lullaby kanina pero di ko na nasabi pa kasi dinala na ako ng kanta sa mundo ng panaginip
THIRD PERSON'S POV
Nang makatulog si Rica tumigil na sa pagkanta si Reimer.. Napatingin ito sa leeg ni Rica, dinig na dinig nito ang pag-agos ng dugo ni Rica sa katawan.. Hindi pa nga pala siya nakakakain .. Simula kasi nang mawala si Leiryn, tila nabuwag na ang RCG10 pero malaya na siyang makakain ngayon.. Nagising sa katinuan si Reimer at nakita ang sariling nakalabas ang pangil at malapit na sa leeg ni Rica
"Hindi! Mali ito.. Hanggat hindi siya nagkakagusto sa akin, hindi ko siya maaaring gawing bampira.."-anito sa sarili
"Mas mapapadali ang pagkuha mo sa iyong Sei kung gagawin mo siyang Slave"-Jessa
(Sei-princess/any in high rank)
"Soregayo Master Rei"-bati nito
(Soregayo-Good Evening)
"Bakit ka narito?"-usal ni Reimer
"Para kunin ang kaluluwa mo"-Jessa
"Hindi magandang biro hamak, anong iyong sadya?"-Reimer
"Nakahanda na ang mga ipapadala sa labas, subalit wala pang namumuno.. Ipinatatanong ni Con--Heneral Conrad rather kung sinong iyong maipapayo"-Jessa
"Leiryn at ang taksil kong kapatid.. Kailangan na silang mawala sa daraanan bago pa sila maging hadlang"-Reimer
"Imposible iyon Master, alam nyong halos magkasinglakas na ang 5th progenitor at si Leiryn kahit sa ganoong edad"-Jessa
BINABASA MO ANG
RCG10
FantasiaWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...
