RICA'S POV
Biglang umatungal ang isang halimaw na nagpatayo ng balahibo ko.. Sarado ang sasakyan namin ng trapal kaya wala kang makikita sa labas.. Biglang huminto ang sasakyan at tumayo si Leiryn
"Walang lalabas o sisilip man lang.. That's an order! Even you"-Ryn at tinuro ako
Hindi baril ang dala ni Leiryn kundi espada, bumaba ito ng sasakyan at isinara muli ang trapal.. Umandar ng mabagal ang sasakyan
"Si Ryn.. Baka maiwan natin si Ryn"-ako
"Marv, stop mo ang sasakyan"-usal ni Claire
"Air, andito ako"-saad naman ng lalaki na kanina pa nasa tapat ko
"I don't know kung sino ipinalit ni Lieutenant, pero kung sino man siya malamang abo na ito"-wika ni Marv
"Panong umaandar ang sasakyan?"-ako
"Hey who ever you are! Stop this!"-sigaw ni Claire na sinipa ang bakal na pagitan nila ng driver
Walang narinig ritong sagot tanging pagbuhos ng ulan at makina lang ng umaandar na sasakyan ang maririnig sa paligid
"I can't take it at all!"-giit ng lalaking pinakamatanda sa amin
Binuksan niya ang silipan ng mata sa pagitan niya at ng driver at nagulat ito sa nakita dahil sa bigla niyang pagsara ng butas at pagkaupo sa sahig
"Anong nangyari kuya Thomas?"-Claire
"Ang killer of night nasa labas"-Thomas
"Nakita niya ba ang mata mo?"-Claire
"H-Hindi ko alam"-Thomas
"Killer of night?"-ako
"Mga KON, sila ay uri ng halimaw na anyo ng namatay na nagugutom na bampira.. Wala silang mga mata kaya naiingit sila sa ating tao, kinukuha nila ang mga mata ng tao at sa oras na mabuo nila ang anim nitong mga mata sila na ang mamumuno roon sa buong lipi.. Mga walang utak pero may di nakikitang buntot na siyang gamit nila sa pagpatay ng mga biktima"-Claire
"LAHAT KAYO PUMIKIT! WALANG MUMULAT!"-rinig naming sigaw ni Leiryn sa labas
Pumikit ako at narinig ang sigaw ng ilan sa mga sundalo.. Naiiyak na ako
"Wag kang iiyak, matatapos rin ito"-wika ni Ryn na hinawakan ang kamay ko
"Seni Mahi.. PROTECT! Nou Mahi.. LIGHT!"-rinig kong bulong ni Ryn na binibigyang diin ang 'protect' at 'light'
Biglang nagliwanag ang paligid na nagpariin sa mga mata ko.. Maya-maya pa'y bumulong uli si Ryn
"Ingcluse Mahi.. PORTAL"
Naramdaman kong may humila sa akin pero may humawak sa isa ko pang kamay
"Tumigil ka na Leila"-saad ng isang pamilyar na boses
Napamulat ako ng mata at nakita si Harem na hawak ang kanang kamay ko at si Ryn naman sa kabila
"Sinong Leila?"-takang tanong ni Ryn
Sinakal ni Harem si Leiryn na pilit kong pinigilan
"I need air to breath! Senro! I'm a vampire"-Ryn at sinipa si Harem na agad ring naglaho
"How could--"-Ryn
"I'm a time keeper, honey"-saad nito at sinipa sa likuran si Ryn
"I have no time doing business with you"-bulyaw ni Ryn at hinila kami pareho ni Harem sa kakaibang portal na parang hall way ng hotel, pagkahila nito ay bumalik siya sa sasakyan? Panong? Bumalik muli siya sa tabi ko dala ang mga natirang sundalo at naglaho na ang sasakyan namin at purong hall way na ito

BINABASA MO ANG
RCG10
FantasyWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...