THIRD PERSON'S POV
"Master Rei, di ko inaasahan ang mga nakalap ko"-Pau
"Ano?"-Reimer
"Si Jessa Titania, hindi siya isang bampira, galing siya sa angkan ng mga mensahero, ang gumiho.. Hindi kayo maniniwala subalit, dalwa pa kayong Cortelius.. Sa palagay ko'y nanganganib ang inyong trono
Tahimik lang si Reimer na nakikinig, ibig sabihin tauhan ni Raven si Jessa kaya ba ganun na lang ang pagmamalaki nito sa kanya? May sikreto kaya ang mga ito na plano?
"Nagtatrabaho siya sa lalaking nagngangalang Servion Ouen Cortelius ang kanang-kamay ng inyong ama at ang inyong guro"-Pau
Agad dumapo ang malakas na sampal kay Pau
"Hangal! Tatlo na kami! Akala ko ba matalino ka? Pare-pareho lang pala kayong walang kwenta"-Reimer
"Ipagpaumanhin niyo Master"-Pau
"Mangalap ka pa ng impormasyon!"-galit na usal ni Reimer
"Bakit pa Rei? Andito na ko, magtanong ka't aking sasagutin sa abot ng aking makakaya"-Servion na nakaupo sa upuan ni Reimer
Agad umatake si Reimer pero naglaho si Servion
"Nag-uumapaw na galit? Sabihin mo, anong aking pagkukulang para kamuhian mo ako ng ganyan"-nakangiti nitong wika na nasa likuran na ni Pau
"Umalis ka na at baka madamay ka, puputulan ko ng sungay ang batang demonyo"-Servion at nagwika ng isang mahika
Mula sa ilalim ni Pau ay nagkaportal at nahulog siya mula rito
"Emosyon ang sumisira sa konsentrasyon, ilang beses ko bang sasabihin yan?"-nakangiti pa ring wika ni Servion
Hindi pinansin ni Reimer ang iwinika nito at nagpatuloy sa pag-atake. Agad hinawakan ni Servion ang kamay nito at inilagay sa likod
"Palabasa man ako ng libro marunong pa rin ako sa mga ganito.. Hindi ako magiging kanang-kamay ng kapatid ko para lang sa plano"-Servion at muling ngumiti
"T-Tiyo??"-Reimer
"Hayy... Ilang taon mo lang akong di nakita nakalimutan mo na??"-Servion
Binitiwan na ni Servion si Reimer at muling umupo
"Kamusta??"-Servion
"Hindi ka pa rin nagbabago, Tiyo"-Reimer
"Ganun ka rin, matigas pa rin ang iyong ulo"-Servion at tumawa
"Anong plano mo??"-Reimer
"Hayy... Namomoproblema ka ba sa digmaan o sa iyong korona?? Huwag kang mag-alala wala akong habol roon.. Nais ko lang maglaro"-Servion
"Ano itong sinasabi ng gumiho?"-Reimer
"Kinakabahan ka ba sa aking mensahero?? Hahaha nandito ako para pigilan ang digmaan"-Servion
"Pigilan??"-Reimer
"Tayong mga bampira ay mahilig sa pagdanak ng dugo subalit ayokong maulit ang nakaraan... Huwag mo nang ituloy ang digmaan"-Servion
"HINDI!!"-galit na giit ni Reimer
"I order you as your guardian at bilang nakatataas sa Cortelius family"-Servion
Sa unang pagkakataon, nagmulat ang mga masayahing mata ni Servion... Ito ay may lilang mata subalit pula ang kabila... Punung-puno ito ng atoridad at tila ba nagbago ang aurang lumilibot sa RCG10 floor.. Kung noon ay nababalot ito ng itim na aura, mas lalo pa itong dumilim
BINABASA MO ANG
RCG10
FantasiaWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...
