LEIRYN'S POV
Makalipas ang ilang mga araw muling nagbalik si Arven pero kitang-kita ko ang itinatago nitong galit sa kanyang mga ngiti... Napaatras ako nang makita kong papalapit ito sa akin.. Hindi ko alam pero awtomatikong tumaas ang dalwa kong kamay upang harangan ang aking mukha.. Natatakot ako sa kanya.. HA!!! Nagpapatawa ba ako?? Si Leiryn?? Ibinaba nito ang kamay niya na plano sanang guluhin ang buhok ko.. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha
"Natatakot ka ba sa akin??"-Arv
"H-Hindi..."-Nauutal kong wika
Bakit ba ko nauutal?? Hindi naman dapat ako matakot kay Arven...
"Sabihin mo lang kung may kailangan ka.. Naroon lang ako sa Judgement room.."-Arv
Hinila ko ang damit sa kanyang likuran na nagpahinto sa kanya sa paglayo sa akin.. Hangga't maaari ayoko.. Ayokong lumayo sa kanya.. Buo na kasi ang desisyon ko.. Babaguhin ko ang nakatakda..
ARVEN'S POV
Nagulat ako sa iginawi ni Leiryn... Napatulala ako at muli na namang nanariwa ang alaala ng nakaraan..
Flashback
"Raven?? Nakikinig ka ba?? Mapapahamak ka sa paglabas-labas mo ng palasyo!!"-usal ni Dainus isa sa mga kamag-aaral ko at nabibilang sa angkan ng mga konseho
"Mabilis lamang ako.. Hindi ka ba natuwa sa ating paglabas noon?? Hindi ba kasiya-siya silang kasama kumpara sa mapangmatang nasa loob ng kwartong ito??"-Sagot ko
"Peroo.."-Dainus
"Ako ang susunod na hari kaya't mahalaga para sa aking malaman ang pangangailangan ng aking pamumunuan!!"-ako
"Pano kung may mangyari?!? Raven, malapit na ang iyong pagtatalaga sa trono.. Tandaan mong nasa sapat ka ng gulang upang palitan ang iyong ama!!"-Dainus
"Mabilis lamang ako.. Pangako!!"- Saad ko at pinaglaho ang sarili..
Isinaklob ko ang tela ng pangkaraniwan at pumasok sa magulo at masikip na palengke... Narating ako sa isang eskinita at kitang-kita ko ang paghihirap ng mga mabababang uri ng bampira.. Marahil kinapopootan nila ang mga mayayaman sa pag-apak sa kanila.. Ang buhay nila ay nakatakda na.. Nakatakda silang maging pagkain ng matataas na ranggo at maging eksperimento ng mga mananaliksik.. Nahinto ako sa paglakad ng may humila sa ilalim ng aking tela..
"Hindi ka taga-rito"-usal ng isang babae
"Nagkakamali ka isa ako sa inyo"-sagot ko
"Kilala ako sa lugar na ito at kinatatakutan! Anong aking pangalan?? Marapat lamang na ito'y iyong alam pagkat ako'y iyong dapat bigyang galang tampalasan"-inis na wika ng babaeng sa aking palagay ay kaedaran ko..
Payat siya at halatang walang makain.. Kitang-kita na hindi nito kayang alagaan ang sarili na siyang nagpatawa sa akin..
"IKAW?!? Nagpapatawa ka ba?!? Sa itsura mong yan?? Hahahaha!!"-ako
Napaupo ako sa sahig ng isang suntok ang tumama sa aking kanang pisngi.. Lapastangang babae!! Walang sinuman ang makakapanakit sa susunod na hari!!! Agad akong tumayo sa sinampal siya subalit bago pa makaabot ang kamay ko ay sinipa na niya ako sa aking tiyan..
"Sumunod ka sa akin!!"-utos nito saka tumalikod..
Dapat ay tatakbo na ako palayo upang hindi mahalata ni Priest Servion ang pagkawala ko subalit nahigit na ako ng babae at hindi ako binibitawan..
"Bitawan mo ko.."-malamig kong usal na walang sinumang nakakakontra
"Maharlika ka di ba??"-siya
BINABASA MO ANG
RCG10
FantasyWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...