Chapter 12: His annoying but sweet

5 1 0
                                    

RICA'S POV

"Rica-sei!"-sigaw ng teacher na ito at kumaway pa

Okay, nagbago ang time schedule simula nang umalis si Leiryn.. Math na ang una namin at parating vacant kasi wala na yung teacher, ewan naglaho siya bigla eh.. Maganda, single at sexy pa naman.. Kung magladlad ko siya liligawan ko pero dahil babaeng babae ako sa isip, salita at gawa nakamove on ako ng 3 minutes back to reality na ngayo'y hinihigit ako ni Harem papuntang klase dahil EXCITED RAW siyang turuan ang MASIPAG na gaya ko.. Argh! At isa pa ha! Pinagtitinginan kami sa corridor dahil sa pagtawag niya ng sei sa akin at ang paghawak niya pa sa kamay ko.. Lagot!

"Rica-sei! Bilisan mo, hanggang ngayon mantika ka pa rin?"-siya

"Sir, ayoko ng issue! Bitawan nyo na ko"-bulong ko

"Hayaan mo sila kakausapin ko ang principal, itutuitor kita"-Sir

Pede rin dito ang tuitor at may special priviledge silang magganito na pinapalabas na ayaw KONG pumasok sa klase namin. Leche flan na mapakla! I WILL NEVER EVER SKIP MY CLASS!! Pero hinuhusgahan na nila ko... Pagpasok namin sa klase napalingon si Reimer sa pinto

"Good morning Class, Rica-sei, kindly introduce me to them.."-Harem

At kapag may tuitor, double utusan, teacher's pet, dakilang alalay at maid ka na nya.. expressionless emoticon what a privilege, right? Umubo ako para mapansin ng ibang walang kamalay-malay na teacher pala ang katabi ko

"Classmates stand"-Pau

"Greet"-Pau

"Bow"-Pau

"Sit"-Pau

Lahat ng iniutos ni Pau sinunod nila

"Soremaru classmates.. HJMT, Sir Harem Jimenez our new math teacher.. Hope you can understand what SAMT, Miss Sheryl Aribela our last math teacher happen and enjoy Sir Harem's company for the whole class"-ako at umupo

Si Reimer pumalit sa pwesto ni Leiryn sa tabi ko then kinulbit ako ni Shena na nasa likuran ko na pala ngayon

"San mo nakilala yan?"-siya

"Sa dorm, baliw siya.."-bulong ko

"Rica-sei, you aren't listening.. Get one-whole sheet of paper and answer this"-sabi ni Harem

"Pe---"-ako

"No buts Sei, its easy naman"-siya

Natawa ang demonyita sa likod ko.. Kainis talaga!! Patay ako... "Also you, girl at the back of Rica-sei since ikaw ang naunang dumaldal sa kanya kaya di niya na ko pinakinggan.. Everyone who'll disturb Rica-sei from studying will be punish.. It can be in a form like that or much difficult than that"-saad ni Sir

Hindi ko alam kung ano ang minimean niya pero nanindig lahat ng balahibo ko nung sinabi niya yun.. Nagbago ang seating arrangement, ako nasa gitnang unahan sa harap ng teacher's table, katabi ko si Jessa sa kanan at Pau sa kaliwa.. Si Jhyz at Shena asa dulong likod magkatabi pa rin, si Geila sa pagitan ng RB, Ronquillo at Bercht.. Nawawala na si Cenon kaya di na sila buo.. Si Reimer, ayun parang bad boy na nasa kasuluk-sulukan ng classroom.. Alam nyo bang hindi lang basta math teacher namin si Harem? Siya ang WHOLE subject teacher at adviser namin ngayon.. Wow! Nakakaumay lang ha.. Dumating na ang oras ng kalayaan! Recess time!! Agad akong lumabas ng classroom at nagtago

"Anong ginagawa mo dyan?"-Rei

"Nagtatago kay Sir"-ako 

Nagbago naman ang aura ni Reimer.. Hindi ko alam kung saan ako matatakot sa aura ngayon ni Rei o kay Sir pero makina na ata ako at automatic na hinawakan ko siya sa kamay sabay sabing

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon