Chapter 29: Bloody War Part 1

15 1 0
                                    

  Raven's POV

 "Hihiramin ko muna si Rica!" nakangisi kong saad sabay higit kay Rica at pinaglaho.. 

 Nakita ko pa ang paghabol ng kapatid ko sa akin.. Galit na galit siya.. Tumango lamang si Leiryn sa akin at pinaikot ang mga dahon upang mawala ang atensyon sa akin..

 "Galit ako sa yo" saad ko 

 "Pede ba?? Patayin nyo na lang ako!! Ayoko na!! Kung wala ding katapusan ito!! Pagod na pagod na ako!! Heto ang dugo koo!! Patayin nyo na ako!!" sigaw niya habang umiiyak 

 "Kulang pa ang nakikita mo sa pagpaparusang ginawa mo kay Leiryn!! Wala siyang ginawang masama sayo!! Ang kasalanan lamang niya ay mahalin ka at ipagtanggol!! Kaibigan ka niya di ba?? Ngayon sumunod ka sa sasabihin ko" saad ko

 "Walang kaibigan ang papatay sa kapwa niya kaibi---"

 " Huwag kang manghusga na parang alam mo ang lahat! Pinatay ni Pauline si Jessa!! Pinatay ni Leiryn si Pau dahil di kayang pangatwiranan ni Pau ang nagawa niya!! Sa simulat sapul makasalanan si Pau!! Wala pang nagagawang kasalanan si Jessa liban kung para sa dating kaharian! Nakakatawa ka alam mo ba?? Huwag kang hangal!! Ikaw ang pinakabobo sa lahat!!" sigaw ko 

 Tumahimik siya sa sinabi ko.. Pumasok sa kubo si Leiryn at binuksan ang ilaw.. Nakita niya ang mga litrato ni Leila.. 

 " Kamukha ko pala talaga siya.. Arv.. Sinong minahal mo?? Ang mukha ko o ako??"- she asked

 " I love you Leiryn kaya nga pinagtatanggol kita.." sagot ko 

 " May sinabi kang masama kay Rica?" tanong niya 

 " Wala.." sagot ko

 Isang sampal ang dumapo sa mukha ko.. I look at her trying to understand why she did that.. I raise my hands at hinarang niya ang dalwa niyang kamay sa kanyang mukha.. She's scared on me.. Like a slave 

 " ARGGH!! I'll take the guard.. Tell her the plan" wika ko ng di siya nililingon 

 " yes.. I will" she saidI walked out of the room and run.. 

Nakarating ako sa nawasak na kaharian ng palasyo nina Geila.. I shout.. Shout till I can't feel I have the power to shout more

 " Leiryn!! Bakit ka ba laging ganyan?? Kahit gaano kitang ilayo sa kapahamakan parati kang sumusugod ng wala man lang armas na dala-dala!! I hate that part of you!! Can you be selfish?? I guess you can't because that's what attitude I love about you" sigaw ko at isang mainit na likido ang tumulo sa aking mga mata

 " Huwag kang tumangis Mahal ko pagkat ako'y naririto.. Pangungulila nati'y tapos na dahil gagawa tayo ng bagong mundo"- Saad ng isang boses

 " Leila"- hindi makapaniwala kong usal 

 " Oo mahal ko.. Ako nga ang pinakamamahal mo subalit ang katawan ko'y di buo pagkat ninakaw ito ng kung sino.. Siya'y kilala mo"- nakangisi niyang wika

 Hindi ko gustong lumapit sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maglakad.. Nang malapit na ako sa kanya may isang malaking bato ang tumama sa kanya at agad naglaho.. Hindi ako pwedeng magkamali isa iyong mahika.. Lumingon ako sa pinanggalingan ng mahika at nakita ko si Leiryn, umiiyak.. Hindi ko alam ang gagawin ko.. 

 " M-Mahal, tu-tulungan m-mo ako!"- naghihingalong wika ni Leila

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Leiryn 

 " Sa oras na bumitaw ka sa tingin.. Iiwan kita sa walang kwentang digmaang ito.. Sa oras na di ka pa lumapit.. Pangako.. Hinding-hindi mo na uli ako makikita saan mang sulok ng mundo"- wika niya sa aking isipan

RCG10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon