LEIRYN'S POV
Ako si Leiryn Joentus, pangalawang tagapagmana ng trono. Nakakatawa hindi ba? Parati akong pangalawa, pangalawa sa pagmamahal ng hari, pangalawa sa magaling, pangalawa sa lahat. At ang nakakatawa sa lahat, ang tunay na anak ng magulang ko ang susunod na tagapagmana ng dapat na sa akin. Bulag kasi ako, walang kwenta..
Yan ang sabi ng tinuturing kong mga taksil na magulang.. Mahal ako ng totoo kong ina dahil parati niya kong hinihiram sa taksil niyang kakambal.. Ang pamilyang Joentus ang nakatalaga at namamahala sa trono pero dahil sa pagtataksil ng lalaking kambal ni ina, nagbago ang buhay ko.. Bilang regalo, ibinigay ni ina sa akin ang kapangyarihan, ang Ring of Destiny na kakambal ng setro ng aking amang hari.. Nalaman ni ina ang totoo sa pamamagitan nito kaya't para sa akin ay hindi siya nagkulang.. Sa panahon ko, malas kung mabubuhay ka sa mundong ito dahil wala kang kakampi, wizard man o vampire.. Ang kaawaawa sa pagitan ng dalawa ay ang mga tao na siya nag-alaga nang tumakas ako sa kaharian
"Binibini, naliligaw ka ba?"-isang lalaking may matipunong tindig ang nagtanong sa akin
"Layuan mo ako isang hamak,"-giit ko at itinutok ang singsing "Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan subalit nais kong makipagkasundo"-saad niya
Malakas ang aking pakiramdam kahit ako'y bulag, nagagawa kong mahulaan ang eksaktong lokasyon ng tao
"Kung magtututok ka ng mahika mo hindi ba dapat sa akin? Hindi sa poste"-natatawa nitong giit
Paanong? Nasa likuran ko na siya? Bampira
"Kung gayon nalaman mo na? Hindi ka lang siguro isang hamak na witch.."-saad niya
"I call upon the wind, be with me and protect me.. With this ring of me, grant my wish! PROTECT"-cast ko
"Kaya kong ibalik ang paningin mo basta maging akin ka, gagawin kitang bampira at bibigyan ko ng saysay ang buhay mo"-saad niya
Nagulat ako at nawala sa focus, dahilan para mawala ang spell ko
"Muli kitang bubuhayin, ako si Reimer Cortelius ang prinsipe ng mga bampira.. Ngayo'y mamamatay ang katauhan mo at isisilang muli bilang bagong lahi ng bampira"
Doon nagsimula ang lahat, hanggang sa maging taksil ako ng sarili kong pamilya
"May magaganap na paglusob sa atin, Master Rei"-ako
"Halika ka rito munti kong alaga, maraming salamat sa impormasyon"-saad niya nang lumapit ako sa kanyang paanan at niyakap ito samantalang siya'y nakaupo sa trono at hinahawakan ang ulo ko..
Bigla nyang sabunutan ang buhok ko at iumpog sa sahig ang ulo ko.. Lumingon ako sa kanya na umiiyak
"Ano pang hinihintay mo, ipadala ang aking mensahe! Maghanda sa digmaan, isagawa ang plano at siguraduhin MONG mamamatay ang mga pesteng kalahi mo"-galit na sabi niya
Kasama ko si Shadow sa front line pero mali ang narinig ko at binago ang plano, nakatunog ang mga kalahi ko sa taksil kaya lahat ng direksiyon sa palasyo ay sinusugod.. Naglaho ako sa front line at umakyat sa pinakatuktok ng palasyo
"Death wish to be granted! Chaos should be ended---"
"Nababaliw ka na ba? Mamamatay ka!"-sigaw ni Shadow
"Para kay Master Rei..."-ako
"Dreams to be deliver! Grant my wish! SLEEP!"-wika niya
Ang huli kong malay ay nahuhulog na ko at tumalon si Arven para kunin ako.. Nang magkamalay ako, sobrang wasak na ng paligid.. Konti na lang ang mga nakaligtas na bampira, halos di mo na makilala ang magagandang lugar doon

BINABASA MO ANG
RCG10
FantasyWhen everything became confusing, you find a way to escape in it.. When you started feeling the pain, you wish it was just a dream But when you've found an unforgettable scene, you hope that this day won't end.. Paano kung makapasok ka sa kakaibang...