Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 126

1.7M 43.3K 29.2K
                                    

Back to school

Jay-jay's POV

Very wrong!

Feeling ko mababaliw na ako. O baliw na talaga ako?

Nakakainis!

Hindi ko maintindihan yung nangyayari sa 'kin. Tinanggap ko na yung alok ni Yuri. Dapat hindi ko na ginawa yung ano kay Keifer.

Basta yung ano—nung New Year.

Lakas kasing maka-gago nung animal na 'yon. ASAR! Parang ang dating tuloy, salawahan pa ako. Putik!

Ang masama nito, muntik na. Muntik na talaga! Muntik nang bumagsak ang Bataan. Punyeta!

Wala na kong mukhang ihaharap kay Yuri. Nakakainis! 'Pag naaalala ko 'yon, naku! Bumibilis yung tibok ng puso ko. Ang init tuloy ng mukha ko.

Tiningnan ko yung singsing na nakasuot sa daliri ko. Gusto nina Kuya na suotin ko na raw 'yon at 'wag nang hubarin pa.

Kaya lang tuwing nakikita ko 'yon, feeling ko nagtataksil ako.

"Hay..." bulong ko.

Tumayo na ko mula sa pagkakahiga sa kama. Back to school na. Gano'n kabilis. Hindi ko man lang nadama or na-enjoy yung new year celebration.

Si Keifer kasi...

Dumeretso na ako sa banyo para maligo at mag-ayos. Medyo nagmadali pa ako, ayoko kasing ma-late. Paglabas, habang nagbibihis, may naririnig akong nag-uusap sa labas lang ng kwarto ko.

Alam kong sina Tita Gema at Kuya Angelo 'yon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan nilang mag-usap sa tapat ng kwarto ko.

Pagkatapos mag-ayos, lumabas na ako dahilan para tumigil sina Kuya at Tita.

"Good morning po," bati ko sa kanila.

"Good morning din. Kumain ka na do'n," sabi ni Tita at nginitian ako. Hindi ko talaga tiningnan or binati si Kuya Angelo. Masama nga kasi ang loob ko sa kaniya.

Dumeretso na ako sa dining. Naabutan ko si Aries na kumakain. As usual, seryosong-seryoso na naman. Kailan ba ngingiti 'to?

Kapag kasama nyia si Ella.

Habang kumakain, napapansin ko si Aries na panay ang tingin sa 'kin at parang may gustong sabihin.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ang may sasabihin sa 'kin," sagot niya at taka ko siyang tiningnan.

"Ha?"

"Ano'ng desisyon mo? You'll stay in that stupid section of yours?"

Ito na naman siya. Ngayon pa kaya niya ako mapapaalis do'n? Siyempre, hindi papayag si Kuya. Kasama ko yung—so-called—fiancé ko sa section na 'yon.

Hindi ako sumagot at bumalik lang ako sa pagkain. Halatang nainis si Aries sa ginawa ko.

Tumayo siya bigla. "Kung nakinig ka sa 'kin, hindi ka sana na-set up sa engagement na 'yan," sabi niya at tuluyan nang naglakad paalis.

Huminto ako. Kung sumunod nga ba ako sa kaniya, mangyayari nga ba 'to? Matatali nga ba ako sa kasal na inayos nila? Sa totoo lang, napapagod na ako sa kakaisip sa lintik na engagement na 'yan.

Tinapos ko na yung pagkain ko at agad nag-ayos. Lumakad na ko at dumeretso sa labas. Napansin ko sa garahe yung kotse ni Aries.

Akala ko umalis na 'to!

Napatingin ako sa gate. Nando'n kasi si Aries at parang merong kausap. Lumapit ako sa kaniya at medyo nagulat pa ko nang makita yung kaharap niya.

"Yuri..." tawag ko sa kaniya. "B-bakit nandito ka?"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon