Message
Jay-jay's POV
Kung may bibig lang ang mata ko. Kanina pa ko minura nito. Bukod sa patong-patong na eyebag nadagdagan na naman ng panibago.
Buti nalang at hindi pa ko nakikita nila Tita at Kuya. Kundi tatadtarin na naman nila ako ng tanung.
"May nangyari ba?" Tanung sakin ni Ci-N.
Umiling lang ako. "W-wala to..."
Binaba nya yung dala nya at naupo sa tabi ko. Kahit wala ng luha, pinupunasan ko pa rin yung mata ko.
"Jay... Anu ngang nangyari?" Tanung nya.
"May nalaman lang ako tungkol kay Papa."
"Hindi ba dapat masaya ka?"
Nagpilit ako ng ngiti. "Masaya naman ako. Ang komplikado lang kasi ng sitwasyon namin." Nagbabadya na naman ang mga luha ko.
"Okay lang yan..." Inakbayan nya ko at hinimas sa balikat. "...Bababa din ang singil sa kuryente." Sabi nya dahilan para mapangiwi ako.
Anung connect ng kuryente?
Bigla nalang sya'ng tumawa ng malakas. Impakto! Nagda-drama ako dito tapos biglang hihirit ng ganun.
"Hahahaha... S-sorry! Hahahahaha."
Kumuha ako ng unan at hinampas sa muka nya. Hindi pa rin sya tumigil sa pagtawa kaya pinaghahampas ko na sya ng unan.
"Hahahahaha... Aray! Hahahahaha... T-teka lang! Hahaha Tama na!"
Panu kaya ako titigil kung ayaw nyang tumigil sa pagtawa?
Kusa din kaming napagod kaya huminto na ko. Panira ng moment tong Bata'ng Kumag na to.
"Ikaw na masaya." Inis na sabi ko.
"S-sorry na... Hindi lang ako sanay ng malungkot ka." Sabi nya habang nakangiti sakin.
Sabagay, kahit ako din. Hindi na rin ako sanay ng malungkot ako. Lagi kasi'ng masaya tong mga Ulupong na at syempre nakakahawa.
Pero kahit wala nama'ng connection yung sinabi ni Ci-N sa mga sinabi ko. Nagawa pa rin nun na pagaanin ang loob ko.
"Anu palang nangyari sa lakad mo?" Pag-iiba ko sa usapan.
"A-anu... A-ayus lang." Sagot nya sakin habang umiiwas ng tingin.
Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Napangiti nalang ako ng di-oras. Hindi ko alam kung aasarin ko ba sya tungkol dun o ililihim ko muna.
"Ahhh..." Sabi ko habang nag-nod.
Napatingin ako sa dala nya na binaba nya kanina bago tumabi sakin. Dalawa'ng EcoBag at isang paper bag.
"Anu to?" Tanung ko at binuksan yung isa sa EcoBag.
Chibog!
Dami pagkain! Mukang nag-grocery ang luko. Sunod kong binuksan yung paper bag. Magazine ang laman nun, kumuha ako ng isa at tinignan.
Condo unit? Penthouse? Apartment?
Anu to? Parang brochure ng mga pwedeng tirhan. May estimated price din sa bawat dulo ng page.
"Bakit may ganito ka?" Tanung ko kay Ci na kasalukuya'ng nagbibihis.
"Bigay ni Ate sakin... Mamili na daw ako. Ikukuha daw nya ko."
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...