Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 128

1.1M 39K 31.3K
                                    


Roommate

Jay-jay's POV

Kanino 'to?

Ang laking maleta nito. Kasya yata ako sa loob. Ito na yata ang pinakamalaki sa lahat ng nakita ko, pero kanino 'to? Pagkadilat ng mata ko, ito agad ang bumungad sa 'kin. Namalikmata pa ako, akala ko kung ano.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Sinipat ko yung maleta at naghanap ng pwedeng pagkakakilanlan. Bubuksan ko rin sana pero naka-lock yung zipper at may code pa.

Sinubukan kong itulak at ilipat ng pwesto. Sagabal din kasi sa daan.

Ang bigat!

Tao yata ang laman nito! Saksakan ng bigat, parang buong bahay ang nakalagay sa loob.

"Kanino ba 'to?" inis na sabi ko.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Basta-basta na lang kasing napunta rito 'to nang hindi ko nararamdaman. Tiningnan ko yung oras sa wall clock. Maaga pa naman.

Dumeretso ako sa banyo para maghilamos. Pagkatapos, nagpalit din ako ng damit. Lumabas ako ng kwarto at agad na hinanap sina Tita. Baka kasi sila ang naglagay n'on sa kwarto ko. Sa kusina ang tuloy ko. Nando'n sila 'pag ganitong oras at tapos nang mag-almusal. Malayo pa ako, dinig na dinig ko na yung malakas na tawa ni Tita.

Binilisan ko yung lakad ko para kasing ang saya-saya nila. Pagpasok sa loob, napahinto ako.

Ci-N?!

"...loko kang bata ka," natatawang sabi ni Tita.

"Gwapo naman po," sagot ni Ci-N na nagpalakas pa lalo ng tawa ni Tita. Pati si Tito na nagkakape ay natatawa na rin sa kanila. Kahit si Kuya, ngumingiti rin habang napapailing.

"Kumain ka na nga," utos sa kaniya ni Tita.

"Mamaya na po. Sabay na po kami ni—Jay!" tawag niya sa 'kin nang makita niya ako.

"Good morning, Jay... Kumain ka na. Sabayan mo na 'tong kaibigan mo," sabi sa 'kin ni Tito Julz.

Tiningnan lang ako ni Kuya Angelo. Ayoko pa ring makipag-usap sa kaniya. Bahala siya!

"S-sige po."

"Punta na po kami sa dining," paalam ni Ci-N.

Naglakad na ako palabas ng kusina. Nakasunod naman sa 'kin ang loko. Bago pa kami makapasok sa dining, hinawakan ko agad si Ci sa kwelyo.

"Aw... Jay!" sigaw niya.

"Loko ka! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" inis na tanong ko pero may halong pag-aalala.

Sino ba naman kasing hindi mag-aalala sa batang kumag na 'to? Grabe! Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa kaniya... pati kina Keifer at Yuri.

"K-kasi..."

"Ano?! Ano nang nangyari sa 'yo?!"

"K-kinulong ako ni Kuya, eh," halos pabulong niyang sagot. Natigilan ako. Binitiwan ko rin siya at tiningnan sa mga mata.

"Sabi niya ipapadala na daw niya ako sa London. Hindi ako pumayag kaya kinulong niya ako sa kwarto ko," paliwanag niya.

Tsk!

Nakaramdam ako ng galit sa busit na kapatid niya. Hindi ata nag-iisip ang lalaki na yun. Ikulong daw ba si Ci-N?!

"Nag-alala kami sa 'yo ni Lola," sabi ko.

"S-sorry... Kinuha din niya kasi yung mga gadget ko."

"'Y-yon lang ba ang ginawa niya sa 'yo? Hindi ka naman niya sinaktan?" nag-aalalang tanong ko. Wala na akong tiwala sa kuya niya. Baka hindi lang pala 'yon ang ginawa niya kay Ci.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon