Kiss
Jay-jay's POV
Isinusumpa ko 'tong hari ng mga ulupong na 'to! Ninakawan na naman niya ako ng halik. Ang masama, sa harap talaga ni Yuri. Yung mga walang saysay na ulupong naman nakatanga lang sa 'min.
Kainis!
"Yuri..." tawag ko sa kaniya. Kanina niya pa ako hindi pinapansin. Nagalit yata dahil sa ginawa ni Keifer kumag. Lagot!
"Hm?" Tiningnan niya ko sandali tapos bumalik sa notes na kaharap niya.
"Uy..." tawag ko ulit sa kaniya. "Bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Kasi nag-aaral tayo."
"Weh? Bakit dati—"
"Ms. Mariano, may gusto ka bang i-share sa klase na 'to?" tawag sa 'kin ng teacher.
Agad akong umiling at umayos ng upo. Ayan! Kinagalitan na ako ng teacher. Grabehan! Si Yuri kasi, ayaw akong pansinin.
Tiningnan ko siya sandali. Inayos niya yung notes niya at nagbuntonghininga.
Gusto ko pa sana siyang tanungin ulit. Kaya lang baka makagalitan na naman ako ng teacher. Tiningnan ko yung notes kong puro guhit lang ang laman. Hindi kasi ako nagsulat, hindi naman kasi ako nakikinig.
Pumilas ako ng kapiraso at sinulatan 'yon.
'Yuri kasi!' sulat ko ro'n sa papel at tinupi 'yon at mabilis na inabot sa kaniya.
Alanganin pa siya nung una kung tatanggapin ba niya o hindi. Tumaas pa isang kilay niya bago ako tingnan at sagutan yung papel.
Mabilis niyang binato pabalik sa 'kin 'yon.
'Please! Pay attention to our lesson and not to me.' sagot niya.
Touché!
Sakit yata! Tagos sa kalaman-lamanan. Benggal ako ro'n, ah. Okay, dahil napahiya, nilukot ko na lang yung papel at tinapon sa bag ko.
Nakapangalumbaba pa akong humarap sa board. Kainis! Yung nag-effort ka tapos pinahiya ka naman.
May bigla na lang tumilapon na papel sa table ko. Alam kong galing kay Yuri kaya hindi ko pinansin. Pay attention daw sa lesson, e di sa lesson tayo!
Hindi nagtagal, nasundan na naman yung papel. Sandali ko siyang tiningnan pero patay malisya siya kaya hindi ko ulit ginalaw yung papel.
Maya-maya, may panibago na naman. Nasundan na naman yung ng isa pa. Medyo naiinis na ako sa ginagawa niya kaya inis ko siyang tiningnan.
Kinuha ko lahat ng papel na hinagis niya sa table ko at inis na inilagay 'yon lahat sa table niya.
"Ms. Mariano! Kung wala kang balak makinig pwede ka ng lumabas!" galit na sabi sa 'kin nung teacher namin.
Anak ng...
"P-pero Ma'am—"
"LABAS!" putol niya sa sasabihin ko.
Napilitan akong tumayo. Tiningnan ko nang masama si Yuri. Kingina kasi! Nakayuko pa akong naglakad palabas pero hindi nakaiwas sa paningin ko yung pagtawa ni Ci-N sa 'kin.
Batang kumag!
Yari sa 'kin tong Ci-N na 'to sa bahay!
Paglabas, dumeretso ako sa gilid ng room. Nagpunta ako sa part na mapuno. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan.
Salamat kay Yuri!
Umupo ako sa bangkuan na pinwestuhan namin dati. Naalala ko bigla, dito ako unang hinalikan ni Yuri.

BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General FictionPagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maayos na ang sitwasyon nila. Pero paano kung malaman niyang kasinungalingan lang pala ang lahat? Magagawa pa rin ba niyang patawarin ang taong nanakit sa kaniya o hindi...
Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte