Unexpected Visitor
Jay-jay's POV
Tutuloy ba ako?! 'Wag na kaya! Dumeretso na kaya ako sa school? Pero kailangan ko siyang makita.
Badtrip!
"Jay-jay..." tawag sa 'kin ni Ci-N. "...Makakagalitan ako ni Keifer nito, ih!"
"Lakompake!" inis na sabi ko sa kaniya. Siya naman ang kakagalitan, hindi naman ako. Mga bwisit kasi! Hindi na naawa kay Kiko at gano'n na lang ang ginawa nila.
Nakausap ko na si Ci-N at nilinaw niya sa 'kin yung nakita ko sa video. Ganti raw talaga nila 'yon kay Kiko dahil sa ginawa niya sa 'kin. Pero hindi ko naitago yung galit ko sa kaniya. Oo, may kasalanan yung tao sa 'kin pero sobra-sobra naman yata yung ginawa nila.
Hindi pa ba sapat yung sinaktan nila si Kiko nung mismong gabi na niligtas nila ko sa kaniya?
"'Wag ka nang tumuloy... Baka hanapin ka ni Keifer sa 'kin. Hindi ko alam ang sasabihin ko," pagmamakaawa niya.
"Sabihin mo na-late ng gising."
"Hindi pwede!"
Napataas ang isang kilay ko. "Anong hindi pwede?!"
"A-alam ni Keifer kapag nagsisinungaling ako," sabi niya habang nagkakamot ng ulo sa inis.
"Galingan mo kasi..."
"Hindi kasi gano'n 'yon!" inis na sabi niya.
"Tsk! Umalis ka na nga!" utos ko sa kaniya sabay highkick.
May ilang beses ko nang pinag-aaralan 'yan. Halos mapilay na ako magawa lang 'yon pero hindi pa rin kaya!
"Jay-jay kasi!"
Agad kong pinara yung palapit na taxi sa kinatatayuan ko. Sumakay ako agad paghinto. Tiningnan ko muna nang masama yung batang kumag na mukha nang naiiyak sa kinatatayuan niya.
"Kuya... Sa Benedict Hospital po tayo," sabi ko sa driver at nag-nod naman siya. Umandar yung taxi at naiwanan na nang tuluyan yung batang kumag. Bahala siyang magpalusot kay Keifer.
Medyo malayo yung Benedict Hospital. Buti na lang at inamin din sa 'kin ni Ci-N kung saang ospital dinala si Kiko. Akala ko dadaanin ko pa siya sa dahas.
Nakatingin lang ako sa may bintana. Maluwag ang trapik sa araw na ito at sinabayan pa ng magandang panahon. Maganda rin ang araw na ito para—bakit naging tunog reporter?
May 20 minutes din ang naging biyahe. Butas ang bulsa ko sa pamasahe. Putik! Sana pala nanghingi ako kay Ci-N, tutal sila naman ang may kasalanan kung bakit ako pupunta rito.
Maliit lang ang ospital, hindi kagaya ng nasa isip ko. May apat na palapag lang. Kaunti lang din ang nakikita kong sasakyan na naka-park. Gano'n din ang mga taong labas-masok sa main entrance.
Maganda yung paligid. Mukhang park at maraming puno. Meron din silang cottage at mga lamesita sa gitna. May maliit na playground at pathway sa gilid.
Ospital ba talaga 'to?!
Dumeretso na ako sa main entrance ng ospital. Security gaurd ang bumungad sa 'kin. Sinilip muna niya yung loob ng bag ko bago ako tuluyang papasukin. Lumapit ako sa information counter tsutsu nila. 'Yon kasi ang nakalagay sa harap ng counter nila. 'Information'.
"Good morning po... May pasyente po ba kayong Kiko Evans?" tanong ko ro'n sa babae.
Tiningnan niya ko sandali tapos ngumiti sa 'kin. "Meron po... Classmate ka din niya?"
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Ficción General60% Off! Stop everything and start saving Sale ends on Mar 24 The global hit returns! Enjoy Season 2 on Viva One and revisit the original story that started it all. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maay...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte
