Why and When
Jay-jay's POV
"Ahhh!" sigaw ni Ci-N. "Bakit ganiyan ang mata mo?"
Hinawakan ko yung ilalim ng mata ko. Yung eyebags kong may eyebags din. Badtrip!
Hindi na kasi sumagot si Percy pagkatapos nung huling message niya. Halos agawin ko yung cellphone ni David sa pagmamakaawa ko. Pero ayaw na akong tulungan ni David. Pilit niya akong hinatid pauwi. Wala akong nagawa kundi umiyak. Siya na rin ang bumili ng pagkain ni Ci-N na hindi naman din niya kinain dahil tulog na siya pagdating ko.
"Hindi nga ako nakatulog nang maayos," sagot ko at dumeretso sa banyo.
Hindi talaga nakatulog.
Sinubukan kong pumikit at magbilang ng tupa, kambing, kabayo, palaka, kalabaw, at aso sa isip ko pero wala pa rin. Ang sakit-sakit tuloy ng ulo ko at ang bigat din ng katawan ko.
Ang hindi ko pa maintindihan, kung bakit gano'n yung message niya. Ano 'yon? Na-wrong send? Pero imposible. Si Yuri yung binanggit niya at yung singsing. Hindi kaya alam niya yung engagement? Pero paano niya nalaman?
Agh! 'Yan na naman!
Sumasakit na naman ang ulo ko. Agad akong naghilamos at nagsipilyo. Tinali ko rin yung buhok ko pa-bun.
Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Ci-N na parang may hinahanap. Nabaliktad na rin niya yung kutson na hinihigaan niya sa sahig pero mukhang hindi pa rin niya makita.
"Ano'ng hinahanap mo?" tanong ko.
"Yung tumutunog."
Pagkasabi niya n'on, awtimatikong hinanap ng mata ko yung cellphone ko. Akin 'yon, eh! Ringtone ko 'yon!
Nabaliktad ko na rin yung kama ko pero wala. Hanggang sa napatingin ako sa basurahan.
Pakshit!
Tinapon ko nga pala yung cellphone ko sa sobrang inis. Nanlulumo ako kagabi. Feeling ko walang pakinabang ang cellphone ko kaya dumeretso sa basurahan. Kinuha ko naman 'yon agad at tiningnan yung tumatawag.
King Ulupong Calling...
Tiningnan ko muna si Ci-N bago sagutin 'yon.
"Hello," sabi ko pagkasagot ng tawag.
"Kindly explain why you're not answering any of my phone calls and text messages," ma-awtoridad na sabi niya.
"H-ha? A-ano... K-kasi... Eh." 'Yon na na lang ang naisagot ko habang naghihimas ng batok.
Bigla rin kasi siyang tumawag kagabi pero hindi ko sinagot dahil busy nga ako sa pakikiusap kay David at pag-iyak na rin.
"Tss."
Bigla na lang akong napatigil. Yung feeling na nanibago bigla ako sa hindi ko maintindihan na dahilan o mas tama yatang sabihin na parang na-miss ko yung 'tss' na 'yon.
"Sasama ka ba kay Eman mag-grocery?"
Ay, oo nga pala! Tiningnan ko yung oras sa wall clock. Buti na lang at maaga pa.
"O-oo... Sasama ako. Bakit?"
"Magkita tayo pagkatapos," sabi niya at bigla na lang namatay yung tawag.
Bastusan?!
Animal 'tong kumag na 'to! Ka-aga-aga, bubusitin ako. Hinarap ko si Ci-N para sana ipaalala sa kaniya na maggo-grocery kami. Sasama raw kasi siya sabi niya kahapon. Pero seryosong-seryoso ang itsura niya habang nakatingin sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Narrativa generale60% Off! Stop everything and start saving Sale ends on Mar 24 The global hit returns! Enjoy Season 2 on Viva One and revisit the original story that started it all. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maay...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte
