Chapter 134

956K 35.2K 20.3K
                                    

Anger

Jay-jay's POV

"Ikaw na!" Sigaw ko kay Ci-N.

"Sige na kasi... Baka makita ko nung pinsan mo. Aawayin ako nun." Paki-usap nya habang pumapandyak.

Inis ako'ng napakamot sa ulo ko. Kanina pa kami ganito. Inuutusan nya kong kumuha ng ice cream sa kusina. Ayaw daw nya'ng lumabas ng kwarto dahil inaaway sya ni Aries kapag nakikita sya.

Yung feeling na ako yung may-ari ng kwarto at sya yung nakikitira pero ako yung inuutusan.

Nice!

"Kainis naman to eh!" Sabi ko sa kanya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa harap ng study table ko.

"Yehey! Salamat Jay!" Sabi nya sabay palakpak.

Ewan ko sayo!

Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso ng kusina. Si Manang lang ang naabutan kong andun. Kumuha ako ng ice cream para Bata'ng Kumag at tubig na rin.

Paglabas ko ng kusina nasa lubong ko si Tito Julz.

"Gabi na... Baka naman sumakit lalamunan mo dyan."

"Hindi yan... Dalawa naman kami'ng kakain." Sagot ko at nginitian lang ako ni Tito.

Nagtuloy na ko sa paglalakad pabalik sa kwarto ko. Pagpasok sa loob bumungad ang pumapalakpak sa tuwa na si Ci-N.

"Asan yung kutsara?" Tanung nya sakin ng iabot ko sa kanya yung ice cream.

Ay ang galing!

"Nakalimutan ko." Sabi ko at agad na lumabas ng kwarto.

Halos madulas ako sa pagtakbo. Bwisit naman kasi! Agad kong kinuha yung kailangan ko at patakbo ulit na bumalik sa kwarto.

Nakasalubong ko pa si Aries pero hindi naman nya ko pinansin.

Syempre! Anu pa nga ba?!

Pagbalik sa kwarto ko. Halos hikain ako sa paghahabol ng hangin. Tinignan ko si Ci-N at yung ice cream. Hiya'ng hiya ako!

Paubos na yung ice cream na dinala ko. Kamusta naman sya?! Kingina!

"Hoy! Ang daya mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Hehehe.. tagal mo eh!"

Sa inis ko, binato ko sa kanya yung kutsara pero ninja moves ang luko. Naiwasan nya. Badtrip!

"Magka-tonsilitis ka sana." Bulong ko.

Bumalik nalang ako sa harap ng study table ko. Kailangan kong mag-aral ng maayos.

Maayos! Hindi mabuti!

Wala na kasi sa bukabularyo ko yung 'Mag-aral ng mabuti'. Syempre, anu pang-aasahan sa katulad ko. Kaya aayusin ko nalang.

Pero panu ko kaya gagawin kung hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Keifer. Natakot talaga ako, babae pa rin naman ako at may kinatatakutan din.

Parang kay Kuya Angelo.

"Ci..." Tawag ko sa Bata'ng Kumag.

"Hm?" Sagot nya habang patuloy sa paglantak ng ice cream.

"Nakita mo na ba'ng magalit si Keifer? Yung as in, galit na galit." Tanung ko sa kanya.

Sya kasi tong mas matagal na nakasama si Keifer kaya hindi ko maiwasan na hindi itanung sa kanya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon