Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 136

1.1M 37.5K 20.3K
                                        


Falling In Love

Jay-jay's POV

"WHERE HAVE YOU BEEN?!" galit na bungad sa 'kin ni Keifer habang naka-cross arm.

Kamot batok akong tumingin sa ibang direksyon. "L-late na ako nagising."

"Sabi ni Ci-N, may pinuntahan ka daw," sabi ni Yuri.

Agad kong hinanap ang batang kumag. Lokong 'yon! Sinabi nang sabihin na na-late ako ng gising.

"M-meron nga... K-kaya nga ang tagal ko, 'di ba?" palusot ko. Pero masama pa rin ang tingin sa 'kin ni Keifer. Nakayuko akong dumaan sa harap niya.

"Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo?" ma-awtoridad niyang tanong.

"K-kasi... Ano... Alam kong ikaw yung tumatawag," sagot ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.

Ang bad ko ba!

"Pwede, next time, sabihin mo agad sa 'min? Nag-aalala kami sa 'yo. Paano kung maulit yung insidente sa inyo ni Rory?" nag-aalalang sabi ni Yuri.

Napayuko na lang ako. "S-sorry... Promise! Next time," sabi ko sabay taas ng isang kamay.

"Wooohhh... Promise! Promise! Hindi 'yan matutupad," pang-aasar ni Eren kaya tiningnan ko siya nang masama.

"Promises are meant to be broken," gatong ni Ci-N.

Aba! Pagtulungan daw ba ako. Mga impaktong 'to!

"Pero saan ka talaga galing, Jay?" tanong ni Kit. Naubo ako dahil do'n.

"A-ano... Diyan lang..." pabulong kong sagot. Hindi ko masabi nang maayos. Hindi ko alam kung anong lugar yung sasabihin ko.

"Ano?" tanong nila.

"Anoooo... Diyaaaan... Saaaa..." mahaba kong sagot at hinintay naman nila yung sasabihin ko.

"Kung ayaw mong sabihin... e di 'wag!" galit na sabi ni Keifer at dumeretso sa upuan niya. Hinayaan na lang din ako ng iba at naupo na sila. Sakto naman at dumaating ang sunod naming teacher.

Habang nagkaklase, hindi ko maiwasang hindi tingnan si Edrix. Naalala ko kasi yung sinabi ni Kiko sa 'kin. Mukhang na-in love siya sa maling tao.

Pero ano kayang nangyari sa kaniya at napunta siya sa tatlong 'to?!

Meron nga palang sinabi sa 'kin si Rakki dati. Yung may something daw kina Aries at Freya dati. Hindi kaya 'yon yung sinasabi ni Kiko?

Wala akong pwedeng sabihin kay Edrix. Wala rin naman kasi akong balak na tulungan siya. Hindi sa naninira ako o ano pa man. Pero ayoko si Freya para sa kaniya. Alam kong mapang-husga yung dating pero kasi... Hindi pa ako sigurado sa totoong nangyari sa kaniya at sa pagitan nung tatlo. Baka mamaya, masaktan lang siya ulit.

Natapos ang subject namin nang gano'n-gano'n na lang. Kasi naman, mahirap makinig sa klase nang maraming iniisip.

"Jay-jay..." tawag sa 'kin ni Eren. Tiningnan ko siya at sinesenyasan niya akong lumabas ng room. Sumunod naman ako sa kaniya. Pagdating sa labas, akala ko may kailangan siya pero hinatak niya ko papunta sa hagdan.

"Aano tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Si Mayo kasi..." sabi niya at tumingin sa pinto ng room namin sandali. "Kinukulit niya ako. Nakikiusap na tulungan ko siya kay Kit."

"E di tulungan mo..." bored kong sagot. 'Yon na nga lang kasi, iistorbohin pa ako.

"Hindi pwede... Binantaan ako ni Kit. Kapag daw nakialam ako sa kanila ni Mayo, isusumbong niya ko s mga girlfriend ko. Kaya sana..." Hinintay kong ituloy niya ang sasabihin niya. "...Ikaw na ang kumausap sa kanila."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon