Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Chapter 132

1.2M 39.6K 30.4K
                                        


Karate

David's POV

"How is she?" Percy asked over the phone.

"She looked terrified when I found them. Akala ko siya yung nasaksak sa dami ng dugo, pero niyakap lang pala niya si Rory," I explained.

Akala ko nung una, simpleng gulo lang yung nadaanan ko. Away ng magkabilang school. Hanggang sa narinig ko yung isa sa kanila na binanggit ang pangalan ni Keifer at girlfriend daw niya.

It's a good thing I followed my instinct. Hindi na gumagalaw si Jay-jay sa sahig habang nakatingin sa mga kamay niyang puno ng dugo nang makita ko siya sa gitna at pinalilibutan ng mga kalalakihan. Si Rory naman, putlang-putla at pilit nakikipaglaban kahit mukhang nanghihina na.

Kung hindi ako dumating, baka kung ano nang nangyari sa kanila.

"Bakit nangyari 'to?! Anong katangahan na naman ang ginawa ni Keifer at nadamay si Jay-jay?!" galit na tanong niya.

Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob kong binabalikan na siya ng mga nakaaway niya dati. Especially now that Ram no longer has the throne and power.

"Mukhang si Jay-jay ang gusto nilang gamitin para makaganti kay Keifer."

"Ha! Wala talagang isip ang Keifer na 'yan!"

"Ano nang balak mo?"

"Wala pa. Pero pagbalik ko diyan, humanda sa 'kin si Yuri," he said and ended the call.

Ibang klase! Mukhang lalong nagatungan ang galit niya kay Yuri. Hindi ko alam ang buong kuwento nilang magkakaibigan. Ayokong maki-usyoso at hindi ko gawain 'yon.

But I know somehow that Yuri owes something to him. While Keifer makes him mad because of Jay-jay. I don't hear him saying anything about Aries. Maybe in the future, I'll know what exactly happened to them.

Babalik na sana ako sa loob ng ospital pero nakita ko yung mga classmate ko na palabas na. Nakita ko pang nakaupo sa wheelchair sina Rory at Ci-N samantalang akay-akay nina Keifer at Yuri si Jay-jay.

While looking at them, hindi ko maiwasang hindi isipin si Ella. The same history was repeated in the same section and the same person. Sana lang kaya ni Jay-jay na tanggapin ang tunay na ugali ng dalawang 'yan at ng buong Section E kapag nagkagulo na.

++++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Karatey! Karatey!" paulit-ulit na sigaw ni Ci-N habang sumisipa sa ere.

Sasampalin ko na 'to, eh!

Para siyang sirang plaka. Malapit-lapit nang matulig ang tainga ko. Feeling ko nalaglag na lahat ng tulok ko. Bwisit kasi!

Nabanggit kasi nina Mayo na mas mabuti raw na turuan ako kahit self-defense lang. Basta dapat makatakbo ako agad at makahingi ako ng tulong. Ayaw nila akong payagan na makipaglaban kahit kaya ko naman.

Pfffttt... Daya!

"Karatey! Karatey!"

Natampal ko na lang ang sarili kong noo dahil sa pinaggagagawa niya. Nasa harap lang kami ng room, nakaupo ako sa isa sa mga bangkong nakatambak dito sa tapat namin.

"Ci-N!" tawag ko sa kaniya. "Batok mo ang kakaratey-hin ko kapag hindi ka tumigil!"

Huminto naman ang loko at kamot ulong lumapit sa 'kin.

"Tagal kasi nina Keifer," sabi niya.

"Naku! 'Wag ka nang umasang maaga ang walang hiyang 'yon. Dinaig pa niya principal sa oras ng pasok niya."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon