Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 138

1M 35.9K 13.3K
                                        



Love Hurt

Jay-jay's POV

"Kumusta si Mayo?" tanong sa 'kin ni Edrix paglabas ko ng clinic.

"Ayun... Inaasikaso nung nurse."

"Tsk! Ang lakas ng suntok mo. Dinaig mo pa yung suntok ni Kit sa kaniya," sabi niya habang napapailing.

Serre ne nge!

"Ginalit niya ako, eh," katwiran ko pero pinagtawanan lang niya ako.

Naupo ako sa waiting area sa labas lang ng clinic. Sumunod naman sa 'kin si Edrix. Ayoko pang bumalik sa room. Sure akong tatadtarin lang ako ng tanong ng mga loko.

"Ano ba'ng pinag-aawayan niyo ni Mayo?" tanong niya sa 'kin.

"W-wala... Basta! Magulo kasi..." sagot ko at umiwas ng tingin. Mukhang nakuha naman ni Edrix ang gusto kong sabihin. Hindi na siya nagtanong at tumahimik nalang.

Narinig kong tumunog ang phone niya. Kinuha niya 'yon at nakita ko agad ang muka ni Freya na wallpaper niya.

Haizt! Yung sinabi ni Kiko.

"May bago na naman siyang boyfriend," sabi ni Edrix at hinarap sa 'kin ang phone niya.

Facebook post ni Freya kasama ng isang gwapong lalaki. May caption na 'My new love.😍😘'.

Nice!

"Pangarap ko 'to..." halos pabulong na sabi ni Edrix. "...Yung i-post niya yung picture namin at ipagsigawan na ako yung pinakamamahal niya."

Ramdam ko yung sakit at hirap sa mga sinasabi niya. Gaano kaya niya katagal na itinago yung feelings niya para kay Freya?

"S-sinubukan mo na bang lumapit sa kaniya?" tanong ko. Agad siyang umiling habang nakatingin sa cellphone niya.

"Hindi ko kaya... Galit nga siya sa mga Section E, 'di ba?"

Oo nga pala. At mukhang nagatungan pa yung galit na 'yon nung dumating ako at nakabangga ko siya.

"Kung kaya lang sana kitang tulungan sa kaniya. Kaso magkaaway kami, eh," sabi ko at nagpilit ng ngiti. Gano'n din ang ginawa niya sa 'kin. Hindi ko rin naman siya tutulungan kung nagkataon na hindi kami magkaaway. Hindi ko pa alam kung ano yung totoong nangyari kina Freya, Yuri, at Keifer.

"Ang hirap ma-in love, 'no?" tanong ng kung sino.

Agad kaming napatingin sa pinto ng clinic. Nakatayo ro'n si Mayo habang may hawak na tissue at ice bag.

Naupo siya sa tabi ko. Nakapagitna na ako sa kanila ngayon.

"Haaayyy... Sakit ng suntok mo, Jay," sabi ni Mayo sa 'kin.

"Kasalanan mo naman... Ginalit mo 'ko," sumbat ko sa kaniya.

Bahagya siyang tumawa. Nagtinginan pa kami ni Edrix. Baka kasi naaaning na si Mayo o kaya naman naalog ang utak sa suntok ko.

"Sorry... Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Iba ka kay Ella. Hindi kayo pareho," sabi niya at ngumiti sa 'kin.

Iba ako sa kaniya...

"Nadala lang ako ng galit ko," dagdag niya.

"S-sorry din kung sinuntok kita," sabi ko at ngumiti rin sa kaniya.

"Okay na! Bati na kayong dalawa," sabi ni Edrix at tumayo. "Pumasok na tayo."

Tiningnan ni Mayo yung oras sa cellphone niya. Pati ako nakitingin na rin. Medyo matagal na rin pala kaming nakatengga rito.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon