Ash
Jay-jay's POV
"Aalis ka na ng Section E?!" gulat na tanong nila sa 'kin.
Bigla na lang naglabasan ng room ang mga ulupong nang marinig nila yung sigaw ni Keifer.
Eskandaloso talaga 'to!
Agad akong umiling. "H-hindi..."
"Pero 'yon ang sabi niya sa 'kin," pagpipilit ni Ci. "Kasi daw mas gusto mo daw makasama ang papa mo kaysa sa 'min."
Anak ng...
Ang lakas ng tama ng Aries na 'yon. Kay Ci-N niya pa talaga sinabi. Kaya pala bigla na lang siyang tumamlay. Ay naku! May araw sa 'kin 'tong horoscope na 'to.
"Ha?! Bakit naman gano'n, Jay?!"
"Ayaw mo na ba kaming kasama?!"
"Akala ko ba solid Section E ka?!"
"Jay-jay! Wala naman ganiyanan!"
Sabay-sabay nilang sabi at naglapitan pa sa 'kin. Halos masiksik nila ako pero hindi 'yon ang iniinda ko.
"T-teka lang! H-hindi gano'n 'yon!"
"Si Aries ba?" ma-awtoridad na tanong ni Keifer dahilan para tumigil silang lahat.
Hindi ako sumagot pero tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi ko maiwasang hindi mailang kaya umiwas ako ng tingin.
Bigla na lang siyang naglakad paalis. Kahit hindi siya magsalita, alam kong si Aries ang pupuntahan niya. Susundan ko sana siya pero bigla na lang yumakap si Ci-N sa binti ko at nag-iiyak.
Hala!
"Ci! Ano ba 'yan?!" sigaw ko.
"'Wag kang aalis! Dito ka lang sa Section E!" sigaw niya habang humahagulgol.
Pinilit kong alisin yung mga bisig niya sa binti ko pero hinigpitan lang niya ang kapit sa 'kin.
"Jay-jay! Please!" pagmamakaawa niya.
"H-hindi! Hindi nga ako aalis! Bumitaw ka na!"
"Jay-jay!"
Tinignan ko yung mga ulupong para manghingi ng tulong sa kanila pero tiningnan lang nila ako.
Paano ko pipigilan yung isa kung hindi ako makakaalis dito?
"Alisin niyo nga si Ci-N!" utos ko sa kanila.
"Mangako ka muna na hindi ka aalis ng Section E," sabi ni Eren.
Tengene nemen!
"Hindi nga ako aalis! Kailangan kong pigilan yung hari ng mga ulupong kaya alisin niyo na 'to!" sigaw ko sa kanila.
Dahan-dahan silang lumapit sa 'kin at hinawakan si Ci-N pero bigla na lang niyang pinaghahampas ang kamay nila.
"HINDI! DITO LANG AKO!" sigaw niya.
"Ci-N naman!"
"Jay-jay!" tawag sa 'kin ng kung sino.
Pinilit kong tiningnan kung sino 'yon. Si Yuri, tumatakbo siya palapit sa 'min.
"Ano'ng... Bakit nakaganiyan si Ci-N sa 'yo?" tanong niya.
"Kasi—"
"AALIS NA SI JAY-JAY NG SECTION E!" putol ni Ci-N sa sasabihin ko.
Agad akong tiningnan ni Yuri. "Totoo?"
"Hindi! Mamaya ko na ipapaliwanag! Puntahan mo si Keifer baka mag-away sila ni Aries!" utos ko. Halata kasing mamaya pa ako makakaalis dito. Hindi ko na maabutan pa yung isa kaya pinakiusap ko na kay Yuri. Agad naman siyang sumunod. Very good! Very good!
![](https://img.wattpad.com/cover/95169428-288-k305787.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General FictionPagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maayos na ang sitwasyon nila. Pero paano kung malaman niyang kasinungalingan lang pala ang lahat? Magagawa pa rin ba niyang patawarin ang taong nanakit sa kaniya o hindi...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte