Sundate
Jay-jay's POV
"Fried chicken?" tanong ko.
"Legs!" sagot ni Yuri.
"Pareho tayo... Kailangan pa ba ng flavoring mix?"
"Siguro... Kuha na rin tayo," sabi niya at dumampot ng isang pakete ng chicken mix.
Kasalukuyan kaming nasa supermarket. Napagdesisyunan naming magluto na lang. Nakakatamad kasing mamasyal sa ibang lugar. Tapos makikita ko lang yung kagaya ng grupo ng mga babae kanina. Naku!
Naghahanap kami ng mga pwede pang bilhin bukod sa lulutuin namin.
"Snacks? Kuha tayo?" tanong niya habang nakaturo sa mga sitsirya.
"Sige... Sige..."
Lumapit naman kami sa area ng junkfoods at kumuha nang kumuha. Para kaming mag-boyfriend at girlfriend sa ginagawa namin. Nakakatuwa rin pala yung ganito.
"Pwede na 'to! Tara na sa cashier!"
Dahil maaga pa, hindi naging problema sa 'min ang pila. Kaunti pa lang kasi yung tao. Mukha ngang kami pa nitong si Yuri ang nauna.
Habang hinihintay matapos yung babae sa pag-punch nung mga binili namin, napatingin ako ro'n sa 3kg na chicken legs na binili namin.
Saan pala kami magluluto?
Kinalabit ko si Yuri na kasalukuyang hinihintay matapos yung babae.
"Saan pala tayo magluluto?" tanong ko sa kaniya.
"Sa bahay namin... Hindi naman pwede sa inyo. Baka mag-away lang kami ni Aries."
May point siya ro'n. Baka magkainitan lang silang dalawa. Mahirap na, masayang lang 'tong binili namin.
Natapos ang ginagawa nung babae at nagbayad na si Yuri. Wala akong contribution kundi yung pagtuturo ng bibilhin.
Sa parking agad kami dumeretso kung nasaan ang kotse niya. Sinakay niya sa back seat yung mga binili namin.
"Tara na... Let's cook our lunch," sabi niya at pinaandar na ang kotse.
Tahimik lang kami sa buong biyahe, pero nakikita ko siya na napapangiti nang walang dahilan.
Naaning na yata!
"Hoy! Napapa'no ka?" tawag ko sa kaniya.
"Ha?"
"Ngumingiti ka mag-isa."
"Ay... Sorry. Nae-excite lang kasi ako."
Napangiwi na lang ako. Baliw na 'tong Yuri na 'to! Baka may tama na pala sa utak ang walang hiya, hindi ko pa alam. Ayoko pa namang magpakasal sa baliw.
Nakarating kami sa mamahaling gusali nila. Sa basement na naman ang parking niya. Paghinto, napatingin ako sa mga kotseng nakaparada. Naalala ko yung MGA kotse nung hari.
Ano kayang ginagawa niya ngayon?
STOP! 'Wag mo siyang isipin, Jay! Si Yuri ang kasama mo ngayon. Sa kaniya dapat ang focus mo. Very wrong!
Bumaba agad ako sa kotse at kinuha yung mga punamili namin pero inagaw ni Yuri 'yon.
"Ako na..."
"Hati na lang tayo," sabi ko at pilit kinuha yung isang plastic na malaki sa kaniya.
"Ako na lang. Kaya ko naman," pilit niya. Hinayaan ko na lang at hindi na ako nakipagtalo. Ang hirap ding kausap nito, eh. Siyang-siya nung tropa niya.
Naglakad na kami papunta sa elevator. Pagsara ng pinto, may bigla nalang akong naalala.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Ficción General60% Off! Stop everything and start saving Sale ends on Mar 24 The global hit returns! Enjoy Season 2 on Viva One and revisit the original story that started it all. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maay...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte
