Chapter 143

939K 33.5K 15K
                                    

Sunday Morning

Jay-jay's POV

"...Nag-sisimba ka pala?" Bungad ko kay Ci-N paglabas nya ng banyo.

"Minsan lang talaga. May nag-aya lang kasi sakin ngayon." Sagot nya.

Ayyyiieeehhhh...

Kilala ko na. Hindi na kailangan pang sagutin. Rakki San Diego lang naman ang pangalan.

Napatingin ako sa Cellphone ko ng marinig kong tumunog yun.

Yuri Calling...

Lumabas muna ko ng kwarto. Ayoko'ng ipaalam dito kay Ci-N na tumatawag si Yuri. Baka kung anu'ng isipin nya.

"Hello?" Halos pabulong kong sagot.

["Busy ka?"] Bungad nya.

"H-hindi naman... Bakit?"

["Simba tayo."] Aya nya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto. "A-anu... K-kasi..."

["Great! Sunduin kita in 20 minutes"] Sabi nya at biglang pinatay yung tawag.

Bastusan?!

Tropa talaga sila ni Keifer eh. Parehong pinapatay agad yung tawag. Panu ko magsisimba? Kaylangan makaalis na tong isa bago ko mag-ayos.

Pumasok ako sa kwarto at agad na naupo sa kama. Kuwari wala lang yung tawag.

"Ayos lang itsura ko?" Tanung ni Ci.

"Ayos naman."

"Pang-'That's my Bae' naba?" Sabi nya habang nagpapa-pogi.

"Sisimba kaba o magf-fashion show?"

Kamot batok sya'ng ngumuso. "Sisimba."

"Lumayas kana! Okay na yang itsura mo!" Inis na sabi ko.

Umalis kana!

Ilang minuto na yung nasasayang sa pakikipag-usap ko sa kanya.

"Eto na nga... Aalis na nga." Sabi nya at tsinek yung wallet at cellphone nya.

Naglakad na sya palapit ng pinto. Akala ko lalabas na sya pero humarap na naman sya sakin.

"Sure kang okay lang?" Tanung nya.

"OO NA! GWAPO KANA!" Sigaw ko ay ngumiti naman sya ng nakakaluko.

"I know you'll say that." Sabi nya sabay kindat.

Binato ko naman sya ng unan. Agad nga lang sya'ng nakalabas bago pa tumama sa kanya yun.

Paglabas nya, bahagya kong binuksan yung pinto ng kwarto ko at pinakinggan sya. Narinig kong nagpaalam na sya kay Tita Gema at Tito Julz.

Nakaalis na yan!

Agad akong tumakbo papasok ng banyo. Mabilisang ligo ang ginawa ko. Pati sa pagbibihis, mabilisan lang.

Pants at tshirt lang ang sinuot ko. Nagmamadali na kasi ako at hindi ko naman alam kung anu'ng dapat suotin.

Patakbo akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa Sala. Si Tita Gema ang sumalubong sakin.

"Jay... Saan ang lakad?"

"Sa... Sa... Sa... Mag-sim----"

"Ma'am, may tao po sa labas, hinihintay si Miss Jay-jay." Putol nung maid sa sasabihin ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon