Punch
Jay-jay's POV
"Papatayin ko si Edy!" sigaw ni Ci-N.
"Hindi nga Edy ang pangalan niya!" inis na sabi ni Josh habang pilit nilalayo yung pusa kay Ci-N.
Kahapon pa sila ganiyan. Matapos kasing saksakan ng anti-rabies, parang naaning na 'tong si Ci at pilit hinahanap yung pusa.
Mautak naman 'tong si Josh dahil hinawakan na niya at hindi na binitawan pa yung pusa.
"Tantanan mo na nga yang pusa!" sita ko kay Ci-N.
"Pero kinagat niya ako, Jay..." naiiyak na sagot niya sa 'kin.
Napakamot ako ng batok. Kasalanan din naman niya yung bakit siya kinagat. Sundutin daw ba kasi habang kumakain.
"Kasalanan mo naman kasi," sagot ni Mayo at hinamas yung ulo ni Edy.
"Siya na nga ang pinakain ko, ako pa kinagat niya!" sumbat ni Ci.
"Nakita mong pusa. Hindi kagaya ng aso 'yan, ano ka ba?" sermon ni Josh.
"Sige! Pagtanggol mo pa 'yang pusang 'yan!" sagot ni Ci at bigla na lang yumakap sa 'kin. "Inaaway nila ako."
Pero hindi pa man din nagtatagal yung yakap na 'yon, may kamay nang nahiwalay sa 'min. Pare-pareho kaming napatingin do'n.
Yuri...
"Masyado ka nang naka-attach kay Jay-jay, baka gusto mong i-less 'yan," sabi niya.
Hindi sumagot si Ci pero tiningnan niya ako na parang nagsasabi ng 'Problema ni Yuri?'. Umalis si Yuri pero lahat kami ay nasa kaniya pa rin yung tingin.
Nagseselos na naman yata siya.
Speaking of selos, kusa na lang akong napatingin kay Keifer. Deretso lang ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko masabi kung nagagalit siya o ano. Napaiwas ako ng tingin pero kusa ring bumalik 'yon sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan. Tapos bigla na lang siyang umirap.
Ay, bakla!
Ang talim-talim kasi maka-irap. Dinaig pa ako! Busit 'tong kumag na 'to.
"Kayo na ba ni Yuri?" tanong ni Mayo sa 'kin.
Umiling ako. "H-hindi."
"Bakit gano'n siya makaasta? Parang pagmamay-ari ka na niya?" dagdag ni Ci.
"A-ano lang... K-kasi..."
Tsk! Asar!
Si Yuri kasi, eh! Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Badtrip!
"Parang hindi mo kilala si Yuri. Ganiyan din naman siya kay Ella dati," biglang sabi ni Josh.
"Oo nga," natatawang sagot ni Mayo. "Ang ending, BH ang tropa mo," dagdag pa niya at tumawa.
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Ginagawa nilang katatawanan yung bagay na iniyakan nang husto ni Yuri. Para bang hindi sila dumaan sa gano'n.
Tumayo ako at naglakad paalis. Narinig ko pang tinawag ako ni Ci pero hindi ko siya pinansin. Lumabas ako at dumeretso sa second floor ng building namin.
Malakas kasi ang hangin do'n at presko sa pakiramdam. Pagdating ko, bumungad sa 'kin si Kit.
"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa 'kin at nagpilit ng ngiti. "Wala... Gusto ko lang talagang mapag-isa."
"Pareho tayo..." sabi ko at lumapit sa kaniya. "Kumusta pala kayo ni... Hmmm... Mayo?"
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Fiction générale60% Off! Stop everything and start saving Sale ends on Mar 24 The global hit returns! Enjoy Season 2 on Viva One and revisit the original story that started it all. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maay...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte
