Accident
Jay-jay's POV
Late! Late! Late! Late!
Punyemas! Hindi ako ginising ni Ci-N. Hinayaan niya akong matulog at umalis siya nang hindi rin ako ginigising.
Hiyang-hiya ako sa kaniya. Matapos kong patuluyin sa kwarto ko tapos hindi man lang nag-effort na gisingin ako. Pinatay rin niya ang alarm ko, ah.
Sobrang nakakahiya!
Tiningnan ko yung oras sa phone ko. Wala na! Hindi na talaga ako aabot. What's worse?! Wala akong masakyan. Kundi punuan, ayaw naman akong hintuan.
Badtrip!
Umaga pa lang pero amoy hapon na ako. Hagardo Versoza lang!
Lakad-takbo kasi ang ginagawa ko. Hindi pa naman ako nakapag-almusal nang maayos. Late na nga kasi ako nagising kaya kumuha na lang ako tinapay at lumarga na.
Huminto ako sandali sa isang kanto. Sobrang hingal na kasi talaga ako. Hindi na rin naman ako aabot, bakit pa ako mag–eeffort na tumakbo?
"Jay-jay!" tawag sa 'kin ng kung sino.
Napatingin ako sa kabilang daan. May lalaking kumakaway sa 'kin. Si Rory! Kumaway rin ako sa kaniya at agad siyang tumawid palapit sa 'kin.
"Late ka na rin," pang-aasar niya.
"Tinanghali ng gising. Ikaw?"
"Late na rin ako nagising." sagot niya.
Sabay kaming naglakad. Hindi na rin kami nagmadali, late na nga rin kasi. Sayang lang effort namin.
"Diyan ka ba nakatira? 'Di ba magkalapit kayo ng bahay ni Edrix?" tanong ko.
Galing kasi siya sa subdivision sa kabilang daan. Hindi naman taga-roon si Edrix. Alam ko malayo pa sila.
"Hindi... Diyan ako natulog sa bahay ng girlfriend ko," sagot niya at bigla na lang ngumiti.
Alam na this!
"'Yan tayo, eh..."
Naghimas lang siya ng batok at ngumiti sa 'kin. Lokong 'to! Mukhang proud pa sa ginawa niyang kalokohan.
"Ganiyan ba talaga kayo? Required ba sa inyong mga lalaki ang makipag... you know, yung anes?" tanong ko.
Napaka-awkward nito pero hindi ko mapigilan na hindi ma-curious sa kanila.
"Hindi naman... Biglaan lang din kasi. Lalo na kung magpapadala ka sa tukso," sagot niya.
Gano'n?
Tukso. Buti na lang hindi ako nagpadala diyan nung new year. Kung nagkataon, ay naku! Tapos ang buhay ko sa kamay ni Kuya Angelo.
"Ahh..." sagot ko habang nagna-nod.
Bigla na lang syang ngumiti nang nakakaloko. Agad naman akong gumanti ng matalim na tingin sa kaniya.
"Wala ka pang experience, 'no?" mapang-asar niyang tanong.
Muntik lang—ay wala!
"H-ha? 'W-wag mo nga akong tanongin ng ganiyan!"
"Bakit namumula ka?"
Hinawakan ko agad ang pisngi ko para hindi niya makita. Asar! Bakit ba kasi dito napunta yung usapan namin?
"'Di bale. Kapag naging kayo naman na ni Keifer, pwede kang magpaturo sa kaniya," sabi niya at bigla na lang tumawa nang malakas.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General FictionPagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maayos na ang sitwasyon nila. Pero paano kung malaman niyang kasinungalingan lang pala ang lahat? Magagawa pa rin ba niyang patawarin ang taong nanakit sa kaniya o hindi...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte